NHEJOY's P O V
" Aaahhhh! " daing ni Sir Rave haban minamasahe ko ang binti at paa niya, hindi ko tuloy alam kung nasasarapan ba siya o nasasaktan dahil napapa pikit pa siya.
" Okay lang po kayo, Sir? " takang tanong ko na at kung nasasaktam nga ay ihihinto kitchen na ang.ginagawa ko
Tumingala pa nga ako sa kanya para mapagmasdan ko ang kanyang mukhang hindi na yata nasasayaran ng shaver. Dahil mahaba na ang kanyang balbas at bigote. Nasa kandungan pa rin niya ang throw pillow.
" O- Oo! A- Ayos lang ako! " tugon niya subalit tila naka ngiwi ang mukha niya
Napapa tingala pa nga siya at kung minsan ay napapa- awang ang mga labi.
" Okay na po at baka mamaga naman po ang binti ninyo at paa kapag pinatagal ko ang pag masahe. Bukas po ulit kung gusto ninyo. " wika ko tsaka ako tumayo
Narinig ko pang impit siyang napa- ung0l nang tumayo nga ako.
" Ipapasok ko na po ba kayo o mamaya na? " tanong ko pa nang maging kalmado na ang mukha niya pati na ang pag hinga, kanina kasi ay tila pina pangapusan siya nang hininga.
" Mamaya na, hindi pa naman masakit sa balat ang sikat ng araw. Kwentuhan mo na lang ako ng tungkol sa iyo, sa pamilya mo. " malumanay na wika niya
" Ahm, ano po ba ang gusto n'yong malaman tungkol sa akin? " balik na tanong ko sa kanya, sa pagkaka- alam ko kasi ay wala namang interesting sa buhay ko.
Umupo na ako sa silyang nanduroon na may table na kasama.
" Ilan taon ka na? Ilan kayong magka kapatid? Pang- ilan ka? Ano trabaho ng mga magulang mo? " sunod- sunod na tanong niya
Sinagot ko naman lahat at dinagdag ko na nga ang rason kung bakit ako napilitang mamasukan bilang kasambahay.
" Ang bait mo namang anak. Iyong iba nga e pinipilit pa nila ang nais nila kahit na nahihirapan ang kanilang mga magulang. At alam namang hindi kayang ibigay ang mga mga hinihingi e maluluho tapos magre rebelde. " turan pa niya
" Sir? May sakit po ba kayo? " takang tanong ko
" Oo! Hindi ba lumpo nga ako!? " inis na tugon niya at kunot na naman ang noo
" Ah! Okay po. " tugon ko sabay ngiwi at peace sign ng mga daliri ko
Akala ko kasi ay may lagnat siya kaya nakaka usap niya ako ng mahinahon sapantaha ko lang pala iyon. Dahil nainis na naman siya nang tanungin ko kung may sakit. Bipolar yata itong amo ko?
Marami pa siyang tinanong na sinagot ko naman kaysa naman mainis na naman siya sa akin at pag sungitan. Pati nga ang lovelife ko ay tinaong din niya.
" Ako naman, Sir ang magtatanong puro na lang kayo! " reklamo ko sa kanya na naka ngiti para alam niyang biro lamang iyon
" S'yempre! Ako ang amo mo! Natural lang na tanungin ko ang tungkol sa'yo! Tsaka bago ka pa lang dito. Paano kung may gawin kang masama sa amin ng mga magulang ko!? " prankang tugon niya kaya na saktan ako ng slight lang
" Ouch! Sobra naman po kayo, Sir, mag bintang! Malinis po ang record ko kahit mag tanong pa ho kayo kay Alibng Magda! " kunwaring na saktang wika ko
Pero natural lang naman na mag- imbestiga sila dahil sa sobrang yaman nila. Ang balita ko pa ay marami silang mga kumpanya.
" Pasensya na kung na offend kita. Hindi mo rin kasi maalis sa akin o sa amin ang mag- usisa. Lalo na at bago ka pa lamang. " paliwanag pa nito sa malumanay pa ring boses
" May sakit po talaga kayo, Sir! " turan ko ulit
" Wala nga! Ang kulit mo! " inis na sagot nito
Kaya hindi na ako sumagot dahil hindi niya ma- gets ang ibig kong sabihin. Mayaman nga kasi ito kaya hindi alam ang biro na ganoon. Tila kasing mahal ang ngiti niya kaya laging seryoso ang mukha. Ikaw ba naman ang hiwalayan ng nobya? Hindi ka ba magagalit? Kaya siguro laging mainitin ang ulo nito idagdag pa ang mga binting hindi maikilos? Kung dati nga naman ay nagagawa niya ang lahat na nais nitong gawin na hinto iyon dahil sa kundisyon ng mga binti at paa niya.
" Hindi na po ba kaya nang operasyon iyan binti ninyo? " usisa ko, bahala siya kung sasagutin niya o hindi
" Pwede pa naman, ayoko lang muna. " mahina ang tinig na tugon
" Iyon naman po pala! Bakit ayaw n'yo!? Kaysa po naka tali lang kayo rito sa loob ng bahay at diyan sa wheelchair!? Makaka balik pa po kayo niyan sa trabaho ninyo at magagawa ang lahat! " bulalas na wika ko na tila ba sinisermunan siya
" Hindi ko kailangan nang opinyon mo! " inis na nitong wika kaya natameme ako. " Paki balik mo na ko sa loob at gusto kong matulog. Ayoko ng maingay kahit kaunting kaluskos kong ayokong may naririnig ako. " masungit na naman niyan bilin
" Opo, Sir! " mabilis kong tugon at tumayo na para itulak ang wheelchair nila papasok
Nang maitabi ko siya sa gilid ng kama ay binuhat ko na namang siya mula sa kanyang likuran para ilipat ko siya sa higaan niyang malapad at malambot. Narinig ko na naman siyang napa mura.
" Malikot po ba kayong matulog, Sir? Ang laki po kasi ng kama ninyo! " habol ang hiningang tanong ko, inayos ko na rin ang kumot na itatabing sa hita niya. " Hindi n'yo pa rin po ba aalisin iyang throw pillow sa kandungan ninyo? " takang tanong ko pa, hanggang sa baywang sana kasi ang kumot na ibabalot ko sa kanya subalit hindi ko nga magawa dahil doon.
" Ako na ang bahala, dito na lang na hita ko. " tugon niya kaya binitiwan ko na ang hawak kong kumot sa sinabi niya
" Pwede po ba akong bumaba sa kusina para tumulong po sa kanila? Matutulog naman po kayo para hindi na rin po kayo maingayan. " paalam ko para kung magising man siya ay hindi niya ako hanapin
Baka kapag nangyari 'yon ay bumuga na siya ng apoy sa sobrang galit.
" Sige, umakyat ka na lang dito after one hour at mag dala ka na rin ng meryenda ko. " tugon naman niya na may kasamang bilin
" Yes, Sir! " mabilis kong tugon at pa biro pa akong sumaludo sa kanya, naiiling lamang siya sa inasal kong iyon.
Lumabas na nga ako ng silid niya at mabilis na bumaba sa ground floor ng bahay. Natanaw kong nag lilinis sila Pepsi at Sarsi sa living area.
" Hoy! Mga Sis! Ano ang maitutulong ko sa inyo!? " tanong ko nang maka lapit ako sa kanila
" Ay! Kabayong buntis! " gulat na sambit ni Sarsi na nagma- mop ng sahig at napa hawak ito sa tapat ng dibdib
Natatawa lang naman si Pepsi.
" Grabe ka naman! Magugulatin ka pala! Sorry. " hinging paumanhin ko naman
" Oo! Kainis ka! " tugon niya sabay inhale, exhale, na kunsensya naman ako, baka kasi atakihin pa siya sa puso. " Ano ba kasi ang ginagawa mo rito!? 'Di ba daoat binabantayan mo si Sir Rave!? " paninita pa niya sa akin
Na hinto tuloy siya sa ginagawa.
" Matutulog daw siya kaya nagpa- alam akong tutulong muna sa inyo, pinayagan naman niya ako. " tugon at sinabi ko pa ang bilin ng aming binatang amo
" Siya! Siya! Doon ka kay Aling Magda mag tanong nang gagawin mo! " pag tataboy pa ni Sarsi sa akin at sinenyas pa ang kamay
" Okay! Pasensya na ulit. " tugon at hingi ulit ng paumanhin
" Okay lang, h'wag na sanang maulit. " naka ngiting tugon niya
" Promise! Tatandaan ko na magugulatin ka pala! " wika ko naman at itinaas ko pa ang kanang kamay ko na tila nanunumpa
Tumawa lamang silang dalawa at tumango. Kaya tinahak ko na ang papasok sa kusina.
" Oh, may pinapakuha ba ang alaga mo? " tanong agad niya nang matanaw akong papasok
" Wala po! " magalang ko namang tugon at sinabi ko rin sa kanya ang dahilan ko kung bakit ako narito sa kusina.
" Tamang- tama! Gayatin mo itong mga gulay para ulam natin sa tanghalian. Dapat mag- alarm ka sa cellphone mo para hindi ka mahuli pag- akyat. At baka sungitan ka na naman ng amo natin kapag na- late ka sa usapan ninyo. " mahabang paliwanag niya kaya ginawa ko naman at ipinatong ko na nga ang cellphone ko sa ibabaw ng counter top para dinig ko agad kung tumunog man.
Tinulungan ko na nga si Aling Magda sa paghi hiwa ng mga gulay. Tahimik lang naman kami sa aming ginagawa hanggang sa matapos kami.
" Ano po ba ang pwede kong ipa meryenda kay Sir Rave, Aling Magda? " tanong ko habang wala pa ang oras na dapat ay aakyat na ako, para kung mag- alarm man ang cellphone ko ay naka- ready na ang snacks niya.
" Sandwich at fresh juice. " tugon naman nito at itinuro sa akin ang mga gagawin ko
Hinanda ko na nga iyon at inilagay sa tray.
" Mag- snacks muna tayo bago ka umakyat para hindi ka na bumaba mamaya. " saad pa niya, sakto namang papasok na ang dalawang nag linis sa sala kaya ako na ang nag handa ng meryenda namin
" Kumusta naman ang pag- aalaga mo kay Sir Rave? Sinungitan ka na naman ba? " tanong ni Pepsi habang mag kakaharap kaming naka upo at kumakain sa lamesa ng kusina.
" Oo, bipolar yata e! " bulong ko pa na akala mo may makaka rinig na iba
" Bakit mo naman nasabi 'yan? " takang tanong ni Sarsi
K-in-wento ko naman ang naging pag- uusap namin kanina na minsan ay mahinahon pero madalas ay pa angil ang salita.
Kaya natatawa sila no'ng sabihin kong hindi nito na- gets ang biro kong baka may sakit ang binata namin amo.
" Aling Magda! Nasaan si Nhejoy!? Ang sabi ko sa kanya ay bumalik dito after an hour?! Nasaan na ba siya!? " galit na sambit ni Sir Rave sa intercom kaya bigla akong napa tayo at nabitiwan ang hawak kong sandwich
" Pa akyat na, Sir Rave! " tugon naman ng Mayordoma
Napa tampal naman ako sa noo ko nang fifteen minutes na pala akong late sa usapan namin. Hindi kasi nag- alarm ang cellphone ko.
" Dalian mo na, susungitan ka na naman niyon, sigurado! " sambit ni Pepsi
Kaya dinampot ko agad ang tray na may pagkain na niya. Hinihintay ko lang talagang tumunog ang cellphone ko. Sa kasamaang pala ay hindi nag- alarm, sira na siguro. Kaya malakas ang kabog ng aking dibdib habang pa akyat sa hagdan. Ano na naman kaya ang maririnig ko sa binata kong amo na tila Bipolar?