THIRD PERSON's P O V Magkatabi at magkayakap pa rin silang natulog ng gabing iyon. Dahil sa pagod ay mabilis naman silang dinalaw ng antok. Naka unan pa nga si Nhejoy sa malapad na balikat ng binatang amo habang naka yapos ang braso niya sa tiyan nitong puro abs. Payapa ang kanilang mga mukha at bakas din ang kasiyahan na tila ba solo nila ang paligid at walang mga iniisip kung hindi mga sarili lamang nila. " Bakit po nasa silid pa rin ni Sir Rave si Nhejoy e nakaka lakad na ho ang amo natin? " usisa ni Dew habang kumakain sila Malinis na ang garden na tila ba walang nangyaring kasiyahan doon kanina. Nasa itaas na rin ang mag- asawang amo nila kaya silang mga kasambahay, Driver, Gwardya at Hardinero na lamang ang nasa ground floor. " E, hayaan mo sila, buhay nila iyon. Hindi nat

