Walang imik akong bumaba ng aking bike at ipinarada na iyon. Hindi ko pinansin ang mapanuring mga mata ng mga dumadaang estudyante na tumitingin sa akin, lalo na ng mga kalalakihan na halatang humahanga sa ganda ko. Malamang ay ngayon lang sila nakakita ng diyosang kagaya ko. “Anong order mo ineng?” nakangiting approach sa akin ng tindera na natatandaan ko mula noong isang taon, maliit na akong ngumiti sa kanya. “Cheese burger ba?” marahan akong tumango, nahihiyang magsalita na doon. “Opo. Iyong buy one take one po, isang order lang and to go.” magalang kong tugon na medyo luminga sa paligid nang dahil sa nakaagaw ako ng atensyon ng ibang mga bumibili doon na estudyante halos. I was wondering ano ang mali sa sinabi ko? Kung tingnan kasi nila ako parang ang weird ko at galing sa ibang mun

