Ilang minuto lang ang aming hinintay at dinala na rin ng dalawang waiter ang order naming inumin. Kasunod nito ay ang dalawang klase ng pulutan na si MD ang siyang pumili. Matapos na magpasalamat sa mga nag-serve na waiter na akmang tatalikod na ay kapwa na kami nagsalin ni MD ng alak sa baso. Oo, magkaiba man ang inumin naming order ay alam naming dalawa na mayroon kaming iisang goal ngayong gabi. At iyon ay ang malasing at pansamantalang makalimot sa tunay na mundong ginagalawan. Kagaya ng mga taong naririto, gusto rin namin ang makaramdam ng kapayapaan kahit na saglit lang iyon at hiram lang. “Cheers, Safiera!” taas niya ng baso na ikinabungisngis ko, para siyang batang sabik sa inumin. Sabagay matagal na rin halos noong huli kaming lumabas. Sa tagal na nga noon ay hindi ko na matand

