A N G E L A
PADABOG akong umupo sa sofa, mga ilang minuto sumunod na din si mama sa akin pauwi.
"Anong pumasok sa kokote mo para sumugod sa boarders ko?! May ginawa ba sayo si Scarlett?"
"Nilalandi niya si Leo, ma!" Naiinis kong sabi.
"Pagkatapos? Bakit kayo ba ng Leo na yun? Diba hindi? Anong karapatan mo para saktan ang taong yun!?"
"Mama naman, ako ang anak niyo, pero iba ang pinag tatanggol niyo."
"Dahil hindi yan ang turo ko sayo! Gumawa ka pa ng ikakagalit ng boarders ko ibabalik kita sa ama mo, Angela!"
Tumayo ako sa galit dahil sa sinabi niya. "Sige! Ibalik niyo ako, magkatulad lang kayo ni papa yan ang ginagamit niyo pang takot niyo sa akin kapag galit kayo!"
"Subukan ko kaya maging mabuting anak at magkasilbi ka din sa mundo!"
Nasaktan ako sa sinabi ni mama, biglang pumatak ang luha ko sa sinabi niya. "Pasensya na huh umaasa lang ako sa inyo! Pasensya kasi ganito langal ang anak niyo-"
"Huwag mong isisi sa amin ng ama mo kung bakit naging ganyan ang buhay mo dahil pinili mo yan!" Galit na sigaw ni mama sa akin. " Alam mo ba yung dalawang boarders na yun? Mayaman yun, sobrang yaman nilang dalawa pero naglayas sila pero nagawa parin nilang tumayo sa kanilang mga paa ng hindi umaasa sa yaman ng magulang nila! Pero ikaw na mahirap, gusto mo parin mag pakahirap, dahil hindi ka nga gumagawa ng paraan para umangat!"
Nagulat ako sa sinabi ni mama, mayaman sila Leo at ang Scarlett na yun?
Bakit ko kay kailangan mag taka halata naman sa pananalita nila at sa balat nila na galing sa mayaman.
"Ma, diba dapat lalo niyo akong tulungan, dahil mayaman si Leo. Mapapadali akong yumaman kapag siya ang pinakasalan ko."
Malakas na sampal ang natanggap ko kay mama, gulat akong napatingin sa kanya. "Hindi ibig sabihin na mahirap tayo, gagamit na tayo ng tao para agad na yumaman. Huwag kang tamad Angela! Matuto kang maghanap ng pera galing sa pawis mo!" Tatalikuran na sana ako ni mama, pero bigla siyang lumingon ulit sa akin. "Ayoko na malaman na pumupunta ka doon, anak si Scarlett ng may ari ng lupang ito, kung gusto mo may matitirahan pa tayo, umayos ka!"
Napaupo ako muli, hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.
Bakit ni Scarlett pinili ang buhay na ito kung mayaman naman pala siya? Kilala ko ang may ari ng lupang inaapakan namin.
Mayamang tao yun, hindi lang dito kahit sa ibang bansa kilalang mayamang business man si Benedict Anderson, ibig sabihin ang whole name ni Scarlett ay Scarlett Anderson?
Sa dami na pwede kong maging kaagaw bakit siya pa? Napaka unfair naman, sa yaman niya palang wala na akong laban.
Oo aminin ko mas maganda sa akin si Scarlett, nung una okay lang kung lamang siya sa ganda atleast pareho kaming mahirap, pero dahil sa nalaman ko.
Ang hirap kalabanin si Scarlett...
I hate this life! Bakit kasi mahirap lang ako?!!!
S C A R L E T T
NAGPAALAM si Leo sa akin dahil gusto niya makausap si Aling Rosa sa nangyari.
Kaya pumasok na muna ako sa kwarto ko baka kasi balikan ako ni Angela.
Kung hindi pumasok si Angela edi sana malaman ko na kung bakit niya ako hinalikan.
Napahiga ako sa higaan ko.
Teka nga lang, bakit ko ba iniisip ang halik na yun? We shared kissed because we both drunk, right? Napailing ako sa sarili dahil kung ano ano ang iniisip ko.
Wala lang ang halik na yun, I don't need to think more about that kiss, yes ginusto ko din naman pero walang ibig sabihin yun.
Kaya nga kami nag hiwalay ni Tristan dahil sa ibang babae niya hinanap ang needs niya tapos ngayon ako dito hahalikan ko nalang basta ang lalaki na isang buwan ko pa lang nakasama.
Doesn't make any sense.
I need to stop this bago pa mapunta ito sa kung saan, ako yung kawawa na naman sa sitwasyon ito. And I don't want any heartbreaks again, dahil my heart still healing.
Still healing pero hindi ibig sabihin nun gusto ko pa si Tristan. Hindi ko akalain dahil sa kamuhian ko kay Tristan napadali mawala ang nararamdaman ko sa kanya.
Pero alam kong nasasabi ko lang ito dahil hindi ko pa siya nakita ulit.
Someone knock my door, hinantay ko mag salita ito.
"Its me Leo."
I sigh, I need to pretend that I'm sleeping dahil ayoko muna siya makita. We kiss trice baka maging apat pa yan dahil kami lang dalawa dito sa bahay.
We are both emotional because of our past kaya madali kami na attached sa isat-isa kaya kailangan ako ang mag papatigil nun.
M A D I S O N
"Mag lagay ng ibang bata mo doon para mag bantay, doon ko siya nakita baka babalik siya doon!" Galit kong sigaw sa inutusan kong hanapin si Leonard.
Pumasok si Eloise sa opisina ko habang may dala siyang ice tea. "Early in the morning, mainit agad ang ulo mo."
Umalis na yung inuutusan kong hanapin si Leo. "Eh tatanga-tanga kasi. Malaki binabayaran ko sa kanila tapos hindi nila magawa ng maayos ang inuutos ko sa kanila."
"Here IceTea. To make your head cold." Tapos inabot ni Eloise sa akin ang IceTea. "Si Diego pala? Baka alam niya saan ang bunso niyang kapatid?"
"You think sasabihin niya sa akin? He also hates me because of what I did."
"Just try him baka sabihin niya, baka nga may alam siya. Alam mo naman kung gaano sila ka close kaya alam kong hindi niya kaya ng hindi mahanap ang kapatid niya, isang taon na ang nag daan."
"Fine. I'll try kung may oras ako, you come with me. For now tapusin ko lang ang trabaho ko, dahil madami akong natambak na trabaho."
"Make it fast, Mad. Baka nga totoo na may iba na siyang gusto."
"That won't happen, dahil alam kong hindi hahayaan ng dad niya mangyari yun. Dahil sa laki ng utang na loob niya sa pamilya namin."
Nagkibit balikat lang si Eloise.
Mahahanap din kita Leo at mapapasakin ka din ulit. You have no choice but to marry me.
Ako lang ang babae na dapat mong mahalin. Ako lang.