L U I S A Hindi ako mapakali nung nalaman kong umalis si Angela, ang pagkakaalam kong hindi niya iiwan si Scarlett. Ayoko isipin ng masama ang pagkaalis ni Angela pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako simula nung nalaman ko na umalis na si Angela. Lumabas ako ng kwarto nung marinig ko ang ingay galing sa sala, pagdating ko sa sala sila Tristan ang nakita ko nakatayo habang sinisigawan siya nung lalaki na nag i-impersonate sa asawa ko. "Stupido!" Galit na sigaw nung lalaki kay Tristan. "Ka babaeng tao hindi mo nagawang sundan? Anong oras na at hindi pa siya bumabalik. Kung na sundan mo, edi sana alam ko kung saan pumunta ang anak ko!" Napakunoot noo nung marinig ko ang sinabi niya. "Bakit nasaan ang anak ko?" Lumingon sila sa akin nung mag salita ako. "Pasensya na tito. Hahanap

