S C A R L E T T PAG UWI KO bigla akong kinabahan lalo na nung marinig ko ang sigaw ni dad nang gagaling sa sala. Huminga muna ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng bahay, kay Tristan siya nagagalit pag pasok ko. "Dad." Lumingon sila lahat sa akin. "Where have you been?!" Galit niyang sigaw sa akin. Napapikit ako ng mga mata nung sigawan niya ako. Pagkatapos niya akong sigawan minulat ko na ang mga mata ko. "I just want to unwind." I said, half truth half lie, right? "You should -" Hindi niya natuloy ang sasabihin niya nung pinigilan siya ni mommy"Kausapin mo yang anak mo!" Pagkasabi niya nun, pinasunod na niya si Tristan sa kanya sa library. Kaya naiwan kami ni mommy sa sala. Lumapit agad si mommy sa akin pagkatapos pinaupo na niya ako. "I told you huwag na huwag mong pagali

