D I E G O Dali-dali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Leo, sakto kakagising niya lang. Nataranta ako dahil sa text ni Rosie na Best friend ni Scarlett, she informed me na gising na si Scarlett. Sasabihin ko na sana kay Leo pero bigla akong nakatanggap ng call galing kay Rosie. Kaya nginitian ko lang si Leo muna. "Hello." Masaya kong bati sa kanya. "She's awake-" "Yes I received your text." Sabi ko kaagad. "But" nawala ang ngiti ko nung sambitin niya ang salitang yun. "May amnesia siya." Hindi ako nakasalita dahil sa sinabi niya. "Nung una hindi kami naniniwala. Pero takot na takot siya nung makita niya kame, and asking us kung sino kame kung sino siya bakit andito siya." Naiiyak na sabi ni Rosie, hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. "Ang akala ko gusto niya mag higanti pero kahi

