M A D I S O N MUKHANG wala na akong luha mailalabas pa dahil kagabi pa ako umiiyak, buti nalang wala sila dad at mom dito may conference meeting sila sa ibang bansa kaya hindi nila alam ang nangyayari sa akin. Nilalagay ko sa luggage ko ang mga damit ko habang patuloy pa rin akong umiiyak. Nagulat ako nung marinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko, nakaupo kasi ako sa sahig habang inaayos ko yung mga damit ko papunta sa luggage ko. Pinunasan ko kaagad ang mukha ko para hindi makita na umiyak ako. "What are you doing?" Rinig kong tanong ni Eloise, kilala ko boses ni Eloise alam kong siya yun kaya hindi ko na kailangan lumingon pa para tingnan kung sino yon. Hindi ko siya pinansin, umupo siya sa tabi ko at tiningnan niya ang mga damit na nilalagay ko sa luggage. "You leaving?" Tan

