A N G E L A
PAGPASOK ko ng bahay nila Scarlett, sakto kakatapos lang din mag bihis ni Scarlett dahil kakalabas niya lang ng bahay.
"Sit down. I'm sorry, madumi yung bahay."
"Okay lang," sagot ko.
Akalain mo ang yaman pala nila pero nakayanan niyang mabuhay ng ganitong klaseng buhay.
Kung ako siya mas pipiliin kong buhay mayaman kesa ganitonv bubay.
Umupo na ako.
"I'll check if my kanin pa kame." Sabi ni Scarlett, lumapit siya kung saan ang rice cooker nila. "Gela, I'm sorry wala kaming kanin."
"Kukuha nalang ako sa amin."
"Pero-"
"Okay lang, gusto ko lang din bumawi sa kamalian na nagawa ko." Sabi ko.
Pagbukas ko ng pinto may lalaking nakatayo sa harap ng pintuan, kakatok pa sana siya pero naunahan ko siyang buksan ang pinto.
Lumakas ang t***k ng puso ko, parang love at first sight lang. "Hi." Biglang sambit ko.
"Leo is there?"
"Diego?"
Lumingon ako nung marinig ko ang boses ni Scarlett, kilala niya ang guy na ito? Ang gwapo naman ng lalaking ito.
"Scarlett, you're here. Si Leo?"
"Nasa restaurant, baka mamaya pa uwi nun."
Napaubo ako para mapansin nilang andito ako. Iba talaga pag mayaman, lahat ng kakilala nila mayaman eh nuh. Halatang mayaman ang handsome guy na ito.
"Anyway, this is Angela, and Gel this is Diego, panganay na kapatid ni Leo."
Shit! Kaya pala gwapo, gwapo din ang bunso eh. Baka ito na yung sign para kalimutan ko si Leo.
"Pumasok ka muna, Diego."
Nag bigay daan ako para pumasok si gwapong Diego. "Babalik lang ako, Scar."
Agad ako nag lakad ng mabilis para makuha ko ang kanin, mga ilang minuto lang nung bumalik na agad ako.
Naabutan ko silang dalawa nag uusap.
Lumingon sila nung pumasok na ako sa loob, tumayo agad si Scarlett. "Kumain kana ba, Diego? Samahan mo na kami ni Gela."
"Sure."
Tumayo na din siya at lumapit na kami sa mesa kung saan kumakain.
Ako na ang naglagay ng kanin ni Diego sa plato niya. "Matagal na ba kayo mag kakilala ni Scarlett?" Tanong ko kay Diego hababg kumakain kame.
"Nakilala ko lang siya dahil sa kapatid ko, she's working in my brothers restaurant."
Lumingon ako kay Scarlett. "Nag tatrabaho ka doon? As crew?" Tumango si Scarlett. "Bakit pinili mo ang ganitong buhay kung mayaman ka naman."
Napatingin si Diego kay Scarlett dahil sa sinabi ko. "You're rich?"
"Oo, hindi ba halata sa balat at mukha niya?"
"Then why are you here?" Takang tanong ni Diego kay Scarlett.
"Actually, hindi ko din inaasahan na mapapadpad ako dito. My life is perfect but one day, its our anniversary at nahuli ko ang boyfriend ko na may kasipinv na iba."
Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi niya, hindi ko akalain na may loloko pa kay Scarlett sa gandang niyang yan.
Mga lalaki talaga minsan kahit maganda na ang mga girlfriend nila nagagawa parin nila mag hanap ng iba, yan ang mga lalaking hindi marunong makuntento sa isa.
"He waste a divine person like you, his a jerk." Sambit ni Diego, mukhang inis na inis siya
"Dahil doon babaguhin mo na ang takbo ng buhay mo?"
Umiling siya sa akin. "Binaliktan niya ang kwneto, ipinalabas niya na ako pa yung nag loko, and he want to marry me at pumayag naman si dad. Ayoko pakasalan siya after what he did to me, pero no one's believe kaya naglayas ako kesa itali ko ang sarili ko sa taong hindi marunong makuntento. Ika nga, once a cheater always a cheater."
Biglang nag ring ang phone ni Diego, napatayo ito. "I'm sorry O have to go guys." Pagkatapos mag paalam ni Diego iniwan na niya kame doon.
"You like him don't you?"
Lumingon ako sa tanong ni Scarlett, napakamot ako ng ulo. Dahil mukhang ang landi landi ko dahil paiba iba yung magugustuhan ko.
"Gwapo eh."
Ngumiti si Scarlett. "Don't worry kapag pupunta siya dito, tatawagan kita para makita mo lang siya"
"Really?" Masaya kong tanong, tumango si Scarlett sa akin habang nakangiti
Sumaya naman ang puso ko sa sinabi ni Scarlett.
Pinagpatuloy namin kumain kahit wala na si Diego, habang kumakain kami, patuloy parin ang kwento namin.
Hanggang sa nalaman ko na ang buhay ni Scarlett, hindi pala nakakasisi na kaibigan si Scarlett kahit na inagaw niya ang atensyon ni Leo.
Mabait na tao naman pala si Scarlett.
Pero ng dahil lang sa gagong yun, pinili niyang itapon ang bubay na meron siya. Hindi ba nakakainis sa lalaking yun? Sinira niya ang buhay ng isang tao dahil sa panloloko niya.
Big No for that guy. Malandi ako, pero hindi ibig sabihin nun madami na ako na ano na lalaki, malandi ako in a way na madami akong nagugustuhan na lalaki.
Ayoko maranasan ang naranasan ni Scarlett nuh. Masakit ka yung ginawa ng ex ni Scarlett, best friend mismo ng boyfriend niya yung kaano nung ex ni Scarlett.
Napailing ako.
Ang pag kakaalam ko ganun din nangyari kay Leo, kaya mukhang madali nagkasundo sila Scarlett at Leo. Mahirap kaya makuha ang loob ni Leo nung unang kilala ko palang sa kanya.
Ang sungit kaya ni Leo nuh, si Toby lang kaya ang kausap niyan. Kaya nagulat ako nung malaman ko na may ka close na babae si Leo.
Masakit sa ego ko, dahil ako hindi man lang ako pinansin ni Leo noon.
Pero ngayon wala na akong magawa dahil andyan na yan, wala na akong pag asa pa kay Leo. Pero kay Diego, baka meron pa.
D I E G O
"Where have you been, Diego? Ganito ba gawain ng presidente ng kompanyang ito?"
"Dad, may pinuntahan lang ako."
"That's a destruction, Diego. Alisin mo yan sa buhay mo, nung isang araw ko pa yan na papansin. Ilan meeting na ang na miss mo. Huwag mong sabihin na katulad kana sa kapatid mo!"
Galit na sigaw sa akin ni dad. "You know how I cared in our company dad, I am obsessed in our company."
"Show it and prove it, hinde puro salita lang Diego!" Tumango ako. "Sigurado ka bang hindi mo alam kung saang lupalop ang kapatid mo?"
Umiling ako. "Kasi kung alam ko ako mismo ang susumbong sayo dad."
"Don't be like your useless brother, Diego"
"His not useless dad, he has his own skill pero hindi nga lang sa kompanyang ito."
Umiling si Dad. "His nothing, imbes na makatulong siya sa pamilya na ito, lalo niya lang binigyan ng problema ang pamilyang ito."
Pumasok si mom sa office ko. "Mom, your here."
"Aldrin, hindi kasalanan ng anak mo ang problema hinaharap mo, ikaw ang may kagawan ng lahat ng ito." Galit na sabi ni mommy. "Kung nakinig ka lang noon sa akin, na hindi mo dapat dinadala ang trabaho mo kapag nag dadrive ka! I told you safety first! Don't blame your mistake to your child!"
"Ito ba yung utang na loob na sinasabi ng daddy ni Madison?" Takang tanong ko, dahil hindi ko sila maintindihan dalawa.
"Hon, stop protecting your son-"
"I have the rights to protect my son dahil ako ang ina! You pushing him to marry a girl who cheat on him, sino ang hindi lalayas? Alam mo ikaw nalang magpakasal doon, tutal buhay parin naman ang kapalit uh."
"Dad you killed someone?"
Umiling si dad. "Yes he killed someone." Sagot ni Mommy, "And that's the twin brother of Madison."
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko, kaya pala sunod si dad sa gusto ng ama ni Madison kasi malaki ang kasalanan niya sa pamilya ni Madison.
"Mom is right dad. Bakit si Leo ang pinapabayad mo sa ginawa mong kasalanan?"
"Why can you marry, Madison for your brother sake?"
Napatigil ako, dahan-dahan akong umiling. "Them don't question me.".
Pagkatapos lumabas na si Dad sa office ko, nilapag ni mommy ang isang bag sa table ko. "I brought you some food for your lunch."
"Thanks mom"
Lumabas na din si mommy sa office ko, napailing nalang ako.
Nakasama ko pa sana ng matagal si Scarlett kung hindi lang ako tinawagan ni daddy.
I already miss the meeting kaya sana tinuloy tuloy ko na hanggang mamaya.
Pero iba parin kapag si dad na ang tumatawag, his my superior kaya malaki ang respeto ko kay daddy.
Kaya nga minsan na iinggit ako kay Leo dahil nagagawa niya ang gusto niya, unlike me I am the eldest son of this family, mas responsible ko ang kompanya namin.
Naalala ko si Scarlett, for now tatanggapin ko muna kaibigan muna si Scarlett, ayoko magalit siya lalo sa akin kapag pinilit ko yung ayaw niya.
S C A R L E T T
NAGISING ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa uhaw.
Paglabas ko naabutan ko si Leo nakaupo sa pintuan habang nakatingin siya sa ulap.
Alam kong narinig niya ako, pero patay malisya lang si Leo.
Hindi ko nalang siya pinansin, lumapit ako sa lababo para kumuha ng baso para uminom ng tubig.
"Earlier, Diego was here. Antayin ka pa niya sana pero biglang may tumawag sa kanya kaya umalis siya kaagad."
"He went here not for me but because of you."
"He was looking for you-"
"It was his excuse, para makasama ka."
I sigh.
Pagkatapos ko uminom ng tubig, naglakad ako patungo sa pintuan ng kwarto ko.
"Still mad at me?"
Lumingon ako sa kanya dahil sa tanong niya pero nakatingin parin siya sa langit.
Kaya hindi ko sinagot ang tanong niya at pumasok na ako sa kwarto ko.
He clearly told me that he don't like me, sana naman he will do what I said. Stop caring me or ano ba na makakapag pagulo sa isip ko.
Masakit pala ang ma reject, at ayoko ng maulit yun.
★
Nagising ako ng ako nalang ang nasa bahay, kaya naligo na ako pagkatapos nag bihis na at nag ayos.
Palabas na ako ng bahay ng makasalubong ko si Angela, nginitian niya ako.
Akala ko noon masama ang ugali ni Angela pero dahil nung haba ng usap namin kahapon doon ko nahalataan na hindi pala. Mabait pala si Angela.
"Kakaalis kang ni Leo, hindi kayo sumabay?"
Umiling ako. "Paalis na ako may kailangan ka ba?"
"Aaah. Akala ko wala kang trabaho ngayon, kaya bibisitahin sana kita."
Ngumiti ako. "Next time, ilang araw na kasi akong nag rest day kaya mukhang wala akong rest day ngayon."
She smiled at me. "Osige, mag ingat ka."
Kaya nag simula na ako mag lakad, sakto may Taxi kaya pinara ko yung taxi.
Pagsakay ko sinabi ko kaagad ang direksyon kung saan ako ibaba.
Minuto lang ang drinive nung taxi driver dahil hindi naman masyadong malayo yung restaurant.
Bababa na sana ako ng makita ko si Madison sa tapat ng restaurant, kaya sinira ko muli ang pinto ng taxi.
Anong gingawa niya dito? Kahapon lang andito siya, ngayon andito na naman siya?
Sinabi ko yung address ni Rosie sa driver, mukhang absent na naman ako nito.
Napailing ako, kasalanan ito ni Madison. Baka matatanggalan ako sa trabaho dahil sa kanya.
Ang hirap naman ng sitwasyon na ito, bakit kasi kailangan bumalik ni Madison doon? Baka ako talaga ang hanap niya kaya pabilik balik siya doon.
Napailing ako, dapat kasama na niya ngayon si Tristan kung ano ang pakay niya doon, baka nga nagustuhan niya lang talaga ang menu sa restaurant ni Leo.
L E O N A R D
Kanina pa ako balil balik sa pinto para silipin sa counter kung andoon na ba si Scarlett, pero mga sampung silip ko na wala parin si Scarlett.
Ano kaya nangyari doon?
Sabi naman ni Angela lumabas na ng bahay si Scarlett para pumasok ng trabaho, bakit hanggang ngayon wala parin si Scarlett.
Biglang pumasok sa office ko si Toby. "Ipapatawag pa sana kita." Sabi ko ng makita ko si Toby. "May sinabi ba sayo si Scarlett?"
"Wala naman, hindi ko nga siya ma contact eh."
"Ganun ba."
"Alam mo masyadong halata na sayo na gusto mo siya. Bakit hindi mo nalang aminin?"
"I tried too pero she always stop me from doing it."
"Maybe may nasabi ka kasi sa kanya" sabi niya. Mag sasalita pa sana ako ng biglang may naalala si Toby. "s**t! Lapit ko na makalimutan." Sabi niya.
"About what?"
"Bakla, andyan na naman ex mo."
"Really?"
Napailing ako. Nahihibang na ba si Madison? Bakit paulit-ulit siyang bumabalik dito? Hindi niya ba talaga ako tatantanan?
Tumayo ako. "Magpapakita kana?"
Tumango ako. "Pero sa ibang lugar, kaya sa likod ako dadaan." Sagot ko, "Ikaw na muna bahala dito, Toby."
Pagkatapos iniwan ko na siya doon, dumaan ako sa likod pagkatapos sumakay na ako sa kotse ko.
Nag hanap ako ng restaurant na mapupuntahan, yung malayo sa restaurant ko para hindi niya mahalataan.
Pag dating ko sa isang restaurant nilabas ko ang phone ko sa bulsa. I was hoping na ito parin ang number niya.
I tried to call her, napangiti ako nung mag ring ang number niya, ilang segundo may sumagot na.
"Hello." Nakilala ko kaagad ang boses ni Madison.
"Where are you?"
"Omygosh, Leo?"
I sigh. I can feel the excitement in her voice pero wala na akong paki. Hindi tulad noon napapangiti ako pag naririnig kong excited siyang marinig ang boses ko.
"I'll send you the address, pumunta ka kaagad dito."
Binaba ko na kaagad ang call, hindi ko na hinantay pa na mag salita siya.
I already text her the address.
I think Kalahating oras na ang nag daan bago siya dumating.
Masaya siyang nakatingin sa akin habang papalapit siya sa table ko.
"Finally, you contact me first."
Seryoso akong nakatingin sa kanya. "I heard from someone that you paid someone to find me." Hindi siya nakaimik. "Stop that, Mad. Dahil kahit anong gagawin mo hindi na ako babalik sayo."
"One more chance, Leo. Please."
"You don't deserve that chances, binibigay lang ang second sa taong deserve, Mad."
"I deserve it, Leo. Isang beses lang ako nag kamali."
"Hindi simpleng kamalian lang ang ginawa mo, Madison."
"I know. Please, mahal parin kita. Bakit ba ang hirap mong paniwalaan yun?"
" I believe you but I don't love you anymore, Madison. Kaya please stop already."
Umiling siya at agad siya tumayo. "No! Akin ka lang, Leo. You pay your that fault! Kaya wala kang kawala sa akin, dahil bata ka pa lang nakatakda kana para sa akin."
Umiling ako. "Kamalian ng ama ko yun, hindi ako. Kaya kahit anong gagawi ko hindi ako papayag."
Nakita kong pumatak ang luha niya sa mga pisnge niya. "How could you say those words, Leo. Minahal mo naman ako diba, bakit ang hirap mo akong tanggapin ulit?"
"I love you, pero noon yun. Kaya huwag ka ng umasa na magkabalikan tayo, Madison. Dahil kung natuto ka lang kakuntento edi sana hanggang ngayon kasama mo parin ako. Kinasal na sana tayo pero sinayang mo lahat Madison."
"Pinapunta mo lang ako para dito? Para saktan ako sa masasakit kong salita?"
Tumayo ako. "I have to go."
Iniwan ko na siya doon, alam kong susunod siya sa akin kaya una palang tinawagan ko na ang kaibigan ko na may condo malapit dito.
Atleast iisipin niya na doon ako nakatira sa kaibigan ko.
Pagsakay ko ng kotse nag drive na agad ako, pansin ko ang isang kotse nakasunod sa akin.
Pumunta na ako sa building kung saan ang condo ng kakilala ko. Pinark ko agad ito nung nasa tapat na ako ng condominium.
Ramdam kong may nakasunod sa akin, kaya pumasok na agad ako buti nalang sa first ang condi ng kakilala ko.
Kaya nung nasa tapat na ako ng pintuan ng kakilala ko, sakto bumukas din ang pinto. Kaya tinulak ko ang kasama siya sa loob, para hindi niya mahalataan na hiindi ako taga dito dapat hindi niya makita ang mga kakilala ko nakatira dito.
Pagpasok ko sa loob, sinirado ko ang pinto. Nakiramdam lang kami sa mga hakbang.
Baka sinubukan niyang malaman na kung dito ba talaga ako dahil nung sumulip ako sa ibabaw ng pintuan, umalis na si Madison.
Napangiti ako at nag pasalamat ako sa kanila dahil sa tulong nila sa akin.
Nag stay na muna ako ng isang oras, dahil baka sa labas lang nakaabang si Madison alam ko pa naman ang utak ng mga ganung klaseng babae.