R O S I E PUMUNTA ako sa coffee shop na hilig puntahan ni Leo at Scarlett, gusto ko malaman kung totoo ba na mahilig si Scarlett sa lugar na ito. Kaya pumwesto ako sa dulo ng table, wala kasi ngayon si Leo dahil araw araw na siya pumupunta dito para matyempuhan si Scarlett, pero ngayon wala siya dahil kasama niya si Diego umalis papunta sa US dahil sa meeting. Kaya ako na muna ang papalit kay Leo, gusto ko lang makita ang kaibigan ko kung okay ba siya, masaya ba siya o ano. Mahirap kasi namin kontakin si Angela dahil parati niya kasama si Scarlett kaya hindi nalang namin siya tinatawagan, dahil alam naman namin kung may problema or emergency tatawagan niya agad kami. Kung hindi niya kami tinawagan ibig sabihin okay siya o si Scarlett kaya panatag na ang loob namin. Nalaman din namin

