A N G E L A PABABA AKO NG HAGDAN, hindi ko namalayan yung oras ng pag tulog ko, hindi man lang ako gumising ng maaga para pag silbihan si Scarlett, buti nalang pala naihanda ko na ang gagamitin niya ngayon papunta sa trabaho. Kain muna ako bago ko linisin ang kwarto ni Scarlett, bakit kasi hindi ako makatulog kagabi kaya ayun tuloy na over sleep ako ngayon. Napatigil ako sa pag hakbang nung malapit na ako sa kusina, narinig ko ang boses ng daddy ni Scarlett, galit ito nag sasalita kaya napasilip ako kung sino ang kausap niya, may kausap siya sa phone niya. Galit na galit ito. Kaya imbes na kakain ako bigla nalang ako umatras dahil situsyon. Ayoko sa akim mapunta ang galit niya sa ibang tao. Pag atras ko si Tita naman ang nakasalubong ko nakakunot noon niya sa akin. ."What- " hindi n

