“Eros!” isang malakas na sigaw ang umalingawngaw na sinabayan pa ng paghampas sa nakasarang gate. Umagang-umaga at kagigising lang ni Meredith kaya naman ay narito siya labas at pinagmamasdan ang mga halaman. Natutuwa siya dahil malalaki na ang mga bagong tanim na sunflowers doon ngunit binulabog siya ng mga sigaw at paghampas na nanggagaling sa labas. Kaagad naman siyang nagtungo sa harap ng gate para pagbuksan ang tinatawag niyang ‘walang hiya’ sa kaniyang isipan. Wala roon si Mang Eddie para pagbuksan iyon dahil kasama ito ni Eros dahil marami silang bibilhing gamit. Ang ibang guwardiya naman ay nasa kabilang bahagi sa labas ng mansyon samantalang si Elton ay hindi pa nagigising. Huminga muna nang malalim si Meredith at isinuot ang ngiting nakakabihag. “Sino po sila?” malumanay nit

