Memories of Meredith's younger years suddenly played on her mind. The movie they watched and things she thought last night were already signs—signs about her father. “`Tay, sabi ng kaklase ko, mahirap lang daw tayo,” pagbabahagi ng isang musmos na bata na wala pa masiyadong alam sa mundo. Isang batang babae na nakasuot ng uniporme, ang bag nito ay kulay pink na barbie at ang kaniyang buhok ay naka-pigtails. “Huwag mo na lang silang intindihin, anak,” saad naman ng tatay nito at kinarga na lang siya. Nasa unang baitang pa lamang si Meredith noon nang `tila sapilitang pagmulat sa kaniya ng mga taong nakapaligid sa kaniya kung ano ang estado nila sa buhay. Bata pa siya noon, inosente at walang masiyadong alam pero hindi ibig sabihin noon na hindi siya marunong makinig at makaalala. “Per

