Chapter 4

2375 Words
Chapter 4 Nakarating na rin ang mga ibang estudyante pati ang professor na si Miss Casim matapos hindi nila nahanap si Mirabella. Bakas sa mukha ng mga ito ang pawis dahil sa paghahanap. Hindi mapalagay si Sandy sa kanyang kinatatayuan dahil di mahanap si Mirabella. At, maya-maya pa ay nagsalita si Kristen upang ipaalam sa lahat na nawawala si Mirabella. Napakunot ang noo ni Jaxton sa kanyang narinig habang abala siya sa kanyang ginagawang task ng kanyang estudyanteng hinahawakan. Kaagad niyang nilapitan si Sandy na kanina pang nababalisa. “Ano nangyayari?” tanong niya kaagad rito. “Bakit nawawala si Miss Trinidad?” Ilang segundo pa bago nakasagot si Sandy buhat ng kanyang pag-aalala sa kaibigan. Hinintay siya ni Jaxton nang makasagot. “May ipinagawa kasi sa kanya si Ma’am Kristen.” Napatitig nang masama ang binata sa kanyang kapwa titser. Alam niyang nagseselos ito kay Mirabella dahil matagal na rin may gusto ito sa kanya. “Hinati-hati kasi kami ni Ma’am sa anim sa tatlong grupo tapos hindi kami naging magka-groupmate ni Mirabella niyon. Naka-focus po ako sa activity na ipinagawa sa amin hanggang sa di ko namalayan, nawawala na pala siya.” Unti-unti nang tumutulo ang luha ni Sandy habang ipinapaliwanag niya ang nangyari. “Sorry po.” “You don’t have to say that. It’s not your fault.” Mga ilang sandali may nagsalita muli upang mahanap si Mirabella. Isa si Jaxton ang nagpresinta roon para mahanap ang dalaga. “Mr. Villareal, hindi ka maaaring sumama lalo na may nakaatasan sa’yong grupo na magagabay sa kanila. “ Pahayag ng isang dean. “Sasama pa rin ako at tutulong sa paghahanap kay Miss Trinidad. Isa ako sa naging professor niya kaya may karapatan po akong mag-alala sa kanya at kailangan niya rin tulong ko ngayon.” Paliwanag ng binata sa isang ginang. Halos hindi mapinta ang mukha ni Kristen sa naging pahayag ni Jaxton at napansin rin iyon ng binata. “Kailangan na natin umalis hangga’t di pa dumidilim.” Biglang singit naman ng isa pang co-teacher ni Jaxton na ipinagsang-ayunan niya. “Mabuti pa nga…” saad ni Jaxton. “Sige na, Ma’am Castro mauna na kami.” Wala ng nagawa ang dean kundi ang sumang-ayon na lamang. Kanina pang naglalakad si Mirabella sa kabundukan upang mahanap ang bakas pabalik sa kaniyang kinaroroonan subalit wala siyang makita. Sumasakit na rin ang kanyang mga binti dahil sa pangangalay. Nais niya man pagpahinga kahit sandali hindi niya magawa dahil aabutin siya ng gabi na mag-isa sa gubat. “Nasaan na kaya sila?” tanong niya sa kanyang sarili habang nililibot ang paningin. “Sandy!” sigaw naman niya ulit sa kanyang kaibigan ng tatlong beses subalit walang sumasagot. Habang tumatagal ay nakakaramdam na siya ng kaba sa dibdib dahil mag-isa lamang siya. Mga ilang segundo pa ay napatitig siya sa kanyang relos na suot at napansin ang oras na 5:30 na pala ng hapon. Bigla tuloy siyang kinalabutan. Hindi mapakali si Jaxton habang patuloy na hinahanap ang dalaga. Napansin rin niya na wala na pala siyang kasama. Hindi na niya inalala iyon at alam naman niya ang daan pabalik. Ang mahalaga ngayon ay mahanap niya si Mirabella. Pagkalipas ng kalahating oras na paghahanap hindi pa rin niya makita ang dalaga. Medyo may kadiliman na rin ang paligid kaya binuksan na rin nito ang flashlight. Sa gitna ng paglalakad ni Jaxton nang may nakarinig siyang sumisigaw kaya dali-dali siyang tumakbo sa pinanggagalingan ng boses. “Help!” sigaw ni Mirabella nang may nakita siyang liwanag sa di kalayuan. Nagmadali siyang naglakad parang lapitan iyon subalit napansin niyang papalapit na ito sa kinaroroonan niya. Mga ilang sandali ay bumungad kay Mirabella si Jaxton na sobra na ang pag-alala sa kanya. “Sir Jaxton?” maikling sambit ng dalaga dahilan para lingunin siya ng binata. “Miss Trinidad! Finally, I find you.” Tugon ni Jaxton na bakas sa labi niya ang tuwa nang mahanap na ang pinakamamahal niyang babae. “Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba kasi nagpupunta?” Nilapitan niya ito kasabay sa paghawak sa mga braso ng dalaga upang tignan kung may mga galos ito. “Are you alright?” “Ok lang po ako kaso mukhang malamig na kaya giniginaw na rin.” Sabay yakap ni Mirabella sa sarili matapos bumitaw siya sa pagkakahawak ni Jaxton sa kanya. Bigla rin siya nakaramdam pagdaloy ng kuryente sa buong katawan. “Mabuti pa suutin mo muna ‘to bago tayo maglakad pabalik ng camp site.” pahayag ng binata habang nilalahad niya ang sweater ng kanyang suot sa dalaga. “No, thank you Sir.” kaagad na pagtanggi ni Mirabella. “Suotin mo na ‘to, please. Di ba sabi mo nilalamig ka?” Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi tanggapin at suotin ang sweater ng binata. Amoy na amoy niya ang napakamabangong perfume nito na tila nakaka-adik amuyin. “Ok, let’s go?” tumango lamang si Mirabella saka sumunod subalit napansin niyang nakahawak sa kanyang braso ulit si Jaxton. Hinayaan na lamang niya iyon at importante na makabalik na sila sa camp site. Subalit, biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya dahilan nag-iba ang direksyon nila. Mabuti na na lamang may nakita silang kubo roon at kaagad silang sumilong. Tinignan muna iyon ni Jaxton bago tuluyan na pumasok. Madilim sa loob nito dahil walang ilaw kaya tanging flashlight lamang ang nagbibigay liwanag sa kanila. “Teka, mayroon palang bumbilya na nakasabit.” Sambit ng binata at muli siyang tumayo para masindi ang ilaw at nabuksan nga ito kaya naman medyo nagkaroon ng kaunting liwanag sa kubo. Umupo siya muli at napansin niyang basa ang dalaga kaya kaagad niyang hinablot ang panyo sa bulsa at inilahad iyon. Tinititigan ni Mirabella nang may pagtataka si Jaxton. “Ipunas mo muna sa basang parte ng katawan mo.” “Ay huwag na po, Sir ayos lang ako.” Tumangging tugon ni Mirabella kaya ang binata na mismo ang nagpahid ng panyo sa kanya kaya bigla siyang nakaramdam ng lakas ng pagtibok ng kanyang puso at natulala. “Hayan ok na.” saka sinampay sa gilid ng kama ang panyo. “Paano ka naman, Sir? Basang-basa ka rin ng ulan?” halos nabubulol na pahayag ni Mirabella dahil ang awkward para sa kanya na magkasama sila ngayong dalawa ng kanyang professor. “Don’t worry about me.” aniya ni Jaxton saka may nilabas muli siyang panyo sa bulsa. “Ok.” Matapos naging tahimik na rin si Mirabella pero muling nagsalita sa kanyang tabi si Jaxton. “Are you feeling better?” nag-alalang tanong muli nito sa kanya. Ayaw niyang bigyan ng kahulugan ang mga ito pero ramdam niya na kahit siya ay affected sa presence ng binata. Ibang-iba ito noon kapag nagkikita at nagkakausap sila. “Eh di kaya?” bulong ni Mirabella sa kanyang isip. “Erase. Huwag naman sana dahil bawal ‘yon.” “Oo naman.” Nahihiya na tuloy siyang sagutin ang tanong dahilan para tawanan siya nito. “Don’t be shy, ok? Ang tagal na rin natin nag-uusap at nagkikita sa school nahihiya ka pa rin kausap ako…” saad ni Jaxton habang ngumingisi pa rin siya. “Anyway, gabing-gabi na rin at mabuti pa matulog ka na Mirabella.” Nagulat ng kaunti ang dalaga sa kanyang narinig dahil tinawag siya nito sa mismo niyang pangalan sa halip na apelyido. “Opo, Sir.” Iyon na lamang ang naging kanyang sagot at nahiga siya. Maya-maya pa ay napansin niyang lumipat sa isang bakanteng upuan ang binata. “Dito na lang ako matutulog buong gabi.” sambit ni Jaxton kay Mirabella. “Sige matulog ka na.” Pinikit na nga ng dalaga ang kanyang mga mata pero ang kanyang isipan ay gising pa rin. Napapansin niyang iba kung mag-alala ang kanyang professor at kung paano ito tumitig sa kanya. Sa tingin niya kasi na hindi normal na ganito maging concern ang isang teacher sa kanyang estudyante. Ayaw sana ni Mirabella magbigay ng conclusion subalit iyon pa rin talaga ang napapansin niya. Tahimik na pinagmamasdan ni Jaxton ang natutulog na si Mirabella. Abot-tainga ang ngiti niya habang nakatitig rito. Hinihiling niya pa rin na sana maging sila ni Mirabella sa pagdating ng panahon. Dahil, hulog na hulog na siya rito at sa kanya lang naramdaman niya ang ganito. Never pa siyang na-inlove ng todo kaya hindi pa siya nagkaka-girlfriend kahit twenty-three years old na siya. KINAUMAGAHAN. Unti-unting minumulat ni Mirabella ang kanyang mata at nakatitig sa kanya si Jaxton pero kaagad binawi nito ang tingin. Napapaisip nanaman siya sa ganoong paraan ng pagtitig sa kanya ng professor. “Eh di kaya may gusto talaga sa akin si Sir? Pero napakaimpossible naman niyon dahil malayo ang agwat ng edad naming dalawa at higit sa lahat, bawal magkarelasyon ang estudyante at ang guro sa isang school.” Saad ng dalaga sa kanyang isipan habang di pa niya gaano binubuka ang kanyang mga mata. “Maraming dahilan kung bakit di niya ako magugustuhan. Wait, bakit ko nga pala iniisip ‘yon? Wala naman siguro akong gusto sa kanya at siya lang kaya impossible. Eh basta erase na…” Magulong-magulong pahayag ni Mirabella sa kanyang isip. Sa halip na mag-isip pa rin siya, mas pinili na lang niyang imulat ang mga mata at bumangon na rin. “You finally awake!” dinig niyang saad ni Jaxton na nakasandal pa rin sa upuan nito. Tumango lamang ang dalaga bilang tugon. “Good morning, anyway.” Nakangiting bati ng binata sa kanya. “Good morning din.” Medyo naiilang na sagot ni Mirabella. “Kamusta ang tulog mo?” sunod na tanong ni Jaxton. “Ok naman, Sir. Kayo po?” Balik naman niyang tanong habang di pa rin mapakali si Mirabella sa kanilang situation ngayon. “Medyo, since natutulog lang ako nakaupo rito but don’t worry about me. Ano, we should go now?” Tumango lang din ang dalaga bilang tugon. Mga ilang sandali ay nilisan na nga nila ang lugar at naglakad na rin sila pabalik sa campsite. May kalayuan ang pinanggalingan nila kaya halos isang oras silang naglakad hanggang sa makarating roon. Pagdating nilang dalawa, kaagad na niyakap ni Sandy ang kaibigan at gulat ang karamihan nang makita na magkasama sina Mirabella at Jaxton. Tinitigan sila ng pagdududa sa mga ito. “Biglang lumakas ang ulan kagabi kagabi kaya di na kami natuloy na makabalik dito kaagad. I’m sorry pero kayo huwag mag-alala we’re ok.” Si Jaxton na mismo nagpaliwanag upang di na mabigyan pa ng kahulugan ang sa kanilang dalawa ni Mirabella. “Are you ok, seatmate? Alam mo halos di ako nakatulog kagabi kakaalala sa’yo. Kung napano ka na o ano….” Bakas na bakas nga sa mukha ni Sandy ang pag-alala sa kaibigan. “Mabuti na lang nakababa na kayo kaagad kundi maiiwan na kayo rito.” sambit ng isa sa mga admin. “Siya nga pala seatmate. Ito na mga gamit mo. Niligpit ko na lang.” sabay na nilahad ni Sandy ang mga gamit kay Mirabella. “Maraming salamat, seatmate.” Nakangiting tugon ng dalaga sa kanyang kaibigan at maya-maya ay sumingit ang isa sa mga kanilang kakaklse. “Huy, Mirabella magkasama pala kayo ni Sir Jax ah!” nagsang-ayunan ang mga iba pang kaklase at naghiyawan pa ang mga ito. Tanging pagngiti lamang ang naisasagot ni Mirabella. “Magkatabi ba kayo matulog?” tanong ng isa lalaking kakaklase nila na si Andrew. “Hoy, Andrew ano pinagsasabi mo diyan?” biglang tinarayan ito ng kaklase pa nilang babae. “Ang dumi ng isip.” bulong ni Sandy. Mga ilang segundo ay mayroon pa muling nagsalita na isa ring guro. “Paparating na ang bus na sasakyan natin pauwi. Maghanda na kayo.” Nang makasakay na silang lahat halos karamihan sa mga estudyante ay natulog sa biyahe habang si Mirabella at Sandy ay nagkukwentuhan lamang. “Ahhh, inaantok ako ah.” dinig ni Mirabella sa kabigan. “Matulog ka na muna.” payo niya kay Sandy. “Ikaw, di matutulog?” “Matutulog din.” Pinikit na rin ni Sandy ang kanyang mga mata samantala si Mirabella naman ay sandaling sinilip ang cellphone baka sakaling mag-text ang kanyang kapatid. Subalit, si Jaxton ang bumungad sa nilalaman text message. “See you next week.” sabi nito ang dahilan para mapaisip muli si Mirabella sa tunay na intensyon sa kanya ng professor. MAKALIPAS ANG DALAWANG LINGGO, matapos ang kanilang camp activity. Hanggang ngayon di pa rin mawala sa isipan ni Mirabella kung papaano siya pakitunguhan ng kanyang professor at bakit ganoon ang trato nito sa kanya. Bigla na lang bumilis ang t***k ng kanyang puso kapag ini-imagine noong nasa kubo silang dalawa ni Jaxton. “Hays, nababaliw ka na Mira.” saad niya sa kanyang sarili habang naglalakad siya ngayon patungo sa kanilang bahay para hatiran ng pera ang mga nito. Inaasahan niyang wala ang kanyang mga magulang pero nang makita niya ito sa bahay nila ngayon. Natigilan si Mirabella at bahagyang napaatras. Napansin siya ng kanyang ina at tinawag pa nito ang kanyang step-father. Sinamaan siya ng tingin ng mga ito at susugurin siya. “Aba, ang kapal ng mukha mo magpakita sa amin pagkatapos mong lumayas.” sambit ng kanyang ina. “Adobe na ata ito anak mo, honey.” saad naman ng kanyang step-father at tinawanan pa siya nito. “Tse, wala akong anak na inutil.” Isang masakit nanamang salita na binitiwan nito sa kanya. Kung di dahil sa kanyang mga kapatid, hindi na muna talaga siya pupunta rito. “Mabuti pa umalis ka na kung mong tamaan ka sa’kin!” pahayag ng kanyang ama. “Ma, please gusto ko lang sana makita at mabisita ang mga kapatid ko kahit ngayon lang.” Pero ang totoo bibigyan niya ng pera ang mga kapatid para may panggastos ito sa susunod ng mga araw. “Ano ka sinuswerte?” nakangising pahayag ng kanyang amain. “Umalis ka na kung ayaw mo masaktan nanaman bata.” Nagpupumilit pa rin si Mirabella kaya nagmadali siyang tumakbo subalit kaagad siyang nahabol ng mga ito. Subalit nang akmang susuntukin nanaman siya ng kanyang step-father bigla na lang ito bumulagta at nagulat ang kanyang ina. Bumungad kay Mirabella ang kanyang professor na bakas ang galit sa mukha nito. “Sir Jax?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD