VLV 18

1753 Words
Napabalikwas ng bangon si Vince ng marinig ang ugong ng familiar na tunog ng sasakyan mula sa labas. Kanina pa siya nagising at pinagmamasdan lang niya ang mahimbing na natutulog na si Veronica sa tabi niya. Tumayo siya at sumilip sa bintana. May nakita siyang dalawang kotse sa labas, kotse iyon ng Papa niya. Nakita niya itong lumabas ng kotse na may kasamang mga tauhan. Napakunot noo siya, ang alam niya nahuli ng mga pulis ang papa niya. Pero bakit ito ngayon nandito? Alam niyang hinahanap nito si Veronica. Mabilis siyang lumayo sa bintana at tumungo sa kama kung saan naroon ang natutulog na si Veronica. "Veronica, Veronica." Tinapik niya ang balikat nito para gisingin. Pero wala siyang makitang response rito. "Veron, gising…" pukaw ulit niya. Sa mukha na niya ito tinapik kaya napaungol si Veronica. "Hmm, bakit? I'm still sleepy," anang Veronica na nakapikit pa rin ang mga mata. "Bumangon ka at magbihis nandito si Papa, alam kong ikaw ang sad'ya niya." Pagkarinig ni Veronica sa sinabi ni Vince ay napabalikwas siya ng bangon. "Ano?" "Magbihis ka na itatakas kita…" anang Vince saka tinungo ang pinto at ni lock. Dinampot rin niya ang mga damit sa sahig saka mabilis na sinuot. Si Veronica naman ay hindi magkamayaw dahil hindi niya alam anong susuotin dahil napunit na ang damit niya. "Vince, wala na akong damit," aniya kay Vince. Mabilis namang tumungo si Vince sa cabinet na naroon at kumuha ng t-shirt at short niya. "Ito," saka binigay kay Veronica." Iyan lang ang sa tingin ko magkakasya sa 'yo. "Vince!" Sabay silang napatingin sa bintana ng marinig ang sigaw ni Rafael sa labas. "Ilabas mo si Veronica, akin siya! Alam kong nand'yan kayo!" Sigaw ulit nito. Mas lalo lang binilisan ni Veronica ang pagsusuot ng damit. At ng matapos ay napatakbo siya sa gawi ni Vince sa may bintana at kumapit sa braso nito. Hinawakan rin ni Vince ang palad niya ng tumingin siya rito. "Vince 'wag mo akong ibigay please," naiiyak na sabi ni Veronica. Tumango naman si Vince saka hinalikan siya sa noo. "Akin ka lang kaya hindi kita ibibigay, halika na," anang Vince saka inakay si Veronica palabas ng kuwarto. Pero muli silang pumasok sa loob ng makita sa ibaba ang papasok na mga tauhan ng ama. Muling ni lock ni Vince ang pinto. Humigpit naman ang pagkakahawak ni Vince sa kamay ni Veronica. "Anong gagawim natin?" "Sa balcony," anang Vince saka hinila na si Veronica. Nasa likod na bahagi ng bahay ang balcony kaya hindi sila makikita ni Rafael. Narinig pa nila ang pagkalabog ng pinto na mas nagpatindi ng ķaba ni Veronica. "Sandali lang," anang Vince at muling bumalik sa kuwarto para kunin ang itinagong baril sa cabenit at muling binalikan si Veronica. "Tatalon ba tayo?" Kinakabahang tanong ni Veronica. Tumango si Vince. "Oo, kaya lang iyan dahil mababa lang. Ako ang mauuna sasaluhin kita," anang Vince saka umakyat na sa siding ng balcony at umapak sa beam na naroon sa labas ng siding. "Mag-iingat ka, Vince," anang Veronica. Tumango naman si Vince saka tumalikod na at tumalon. Dinungaw ni Veronica si Vince, nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakatayo ng maayos si Vince. "Veronica!" Napasinghap si Veronica ng marinig ang papalapit na boses ni Rafael. Paglingon niya ay nasa loob na ng kuwarto si Rafael. Mabilis na inakyat ni Veronica ang siding ng balcony. "Bilisan mo Veronica!" sigaw ni Vince. Nanginginig ang mga tuhod ni Veronica ng tuluyan na niyang maapakan ang beam ng balcony. "Saan ka pupunta!" Galit na sigaw ni Rafael. Malapit na ito sa kaniya kaya pikit mata siyang tumalon. Pagmulat niya ay nasa bisig na siya ni Vince. Sabay pa silang tumingala ng dumungaw si Rafael sa balkonahe. Hawak kamay silang tumakbo papunta sa kotse ni Vince. Pero sa malas ay naroon ang ibang tauhan ni Rafael kaya bumalik sila sa likod at tumakbo palayo roon. Isang putok ng baril ang narinig nila na kinatili ni Veronica. Paglingon niya ay tumatakbong si Rafael ang sumusunod sa kanila kasama ang tauhan niya na siyang nagpaputok. Papalabas na sila ng beach area ng muling nagpaputok si Rafael. Gumanti rin ng putok si Vince. Tinatakbo na nila ang daan, hindi na rin nila nakitang sumusunod si Rafael. "Ah," daing ni Veronica ng makaapak ng matulis na bagay. Nakapaa lang kasi siya dahil hindi na siya nakasuot ng sapatos. Si Vince naman ay napagsuot pa ng sapatos. "Napano ka?" Napahinto si Vince sa paghila kay Veronica at buong pag-aalalang binalingan ito. "Wala ito sige na baka maabutan tayo ng papa mo." Tumango si Vince at nagpatuloy sa pagtakbo. Hingal na hingal na si Veronica dahil malayo na rin ang tinakbo niya dagdagan pa na sumasakit ang paa niyang may tinik. Kaya naman napabitaw siya sa kamay ni Vince at napaluhod. "Veronica." Pinilit niyang tumayo, saka muling hinawakan ang kamay ni Vince. "Sandali," anang Vince ng mapansin ang pulang kulay ng semento na naghugis paa ni Veronica. Napatingin rin si Veronica sa daan, saka tumitig kay Vince na noo'y nakatitig sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala. "Tinamaan ka ba?" Tanong ni Vince saka tiningnan ang katawan niya. "Nakatapak ako ng matulis na bagay, sa tingin ko glass iyon." Nayukong sabi ni Veronica. "Bakit hindi mo sinabi? Patingin." Nag-squat si Vince para tingnan ang paa ni Veronica. "Vince malapit na sila!" Napatigil si Vince sa sigaw ni Veronica at napako ang paningin sa papalapit na sasakyan. "Kaya mo bang tumakbo?" Tango lang ang sinagot ni Veronica saka muling hinawakan ang kamay ni Vince ng makatayo at tumakbo na. Hindi na niya ininda ang sakit, kailangan nilang makalayo. Pero anong laban ng mga paa nila kung mabilis na sasakyan ang hahabol sa kanila. Napatigil sila ng humarang ang isang sasakyan sa dinaanan nila. At mabilis na nagsilabasan ang limang lalaki. May sasakyan rin sa likuran nila at may tatlong lalaki ang bumaba roon kabilang na si Rafael. "Vince, " sambit ni Rafael. Itinago ni Vince si Veronica sa kaniyang likod. "Papa, hayaan niyo na kami," anang Vince. Humalakhak si Rafael ng mala demonyo. "In your dreams, Vince. I won't let that happen. Ibigay mo sa akin si Veronica," ma awtoridad na saad ni Rafael. "No!" Matigas na sabi ni Vince. "Niluko ka niya, Vince. Mananatili ka pa rin sa kaniya?" Humigpit ang hawak ni Vince sa kamay ni Veronica ng marinig ang sinabi ng ama. "No, mahal ko siya." Pagmamatigas niya. Muling humalakhak si Vince. "You're crazy, Vince." "Pa, hayaan niyo na kami." Bumalatay sa mukha ni Rafael ang galit, saka tinaas ang kamay na may hawak na baril. "'Wag kang magmatigas Vince kung ayaw mong unahin kita." Nanlalaki ang mga mata sa galit na sabi ni Rafael. "Anak mo ako alam kong hindi mo iyon gagawin." "Tinikman ko na 'yan, Vince. Alam mong hindi ako namimigay ng mga bagay na natitikman ko na lalo na kung hindi pa ako nagsasawa." Napapangising saad ni Rafael. Napakuyom naman si Vince sa narinig. "Hindi mo ako naangkin kahit minsan Rafael!" sigaw ni Veronica. Ibinaba ni Rafael ang kamay na may hawak na baril saka hinimas iyon. "Magsisinungaling ka pa rin ba, Veronica?" May himig na pang-iinsultong saad ni Rafael. Lumabas si Veronica mula sa likuran ni Vince. "Akala ko matalino ka Rafael, pero sa kasamaang palad napaniwala kita." Nakangising saad ni Veronica, na kinakunot ng noo ni Rafael. "Kaya iyong patunayan ni Vince sa 'yo na walang nangyari sa atin at ang ligayang naramdaman mo na hindi ako ang kasalo mo." Mas lalo lang lumalim ang gitla sa noo ni Rafael dahil sa narinig at muling nanlisik ang mga mata nito na muling tinaas ang kamay na may hawak na baril. "Edi papatayin na lang kita, 'wag kang mag-alala isasama ko naman si Vince." "Wala ka talagang puso, pati anak mo papatayin mo?" "Hindi ko siya anak!" Pasigaw na sagot ni Rafael na kinagulat ni Vince. Napatitig siya kay Rafael dahil sa sinabi nito. "Hindi kita anak, anak ka ng kapatid ko na si Ramon na pinatay ko." Pag-amin ni Rafael kay Vince. Hindi makapagsalita si Vince dahil sa rebelasyong narinig niya. Hindi niya ama si Rafael at pinatay niya ang tunay na ama ni Vince? "What did you say?" nanghihinang saad ni Vince. "Ikaw ang nasa last will testament ni Ramon na tagapagmana niya and in-order to be part of those wealth. Kailangan kitang akuin na anak niya at palabasin sa buong mundo na tiyuhin mo si Ramon. Nasa sinapupunan ka pa lang ng nanay mo may ari-arian ka na." Nanginginig ang nakakuyom na kamao ni Vince habang nakikinig sa itinuring niyang ama. Sa pictures lang niya nakita ang nagngangalang Ramon na buong akala niya tiyuhin niya. Months old pa lang siya ng mamatay ito kasama ng asawa nito na ayon rin sa kuwento ni Rafael na kagagawan rin pala nito. Hindi lubos maisip ni Vince na mangyayari ang lahat ng ito. Sabay-sabay na rebelasyon sa lahat ng mga kasinungalingang ginawa ng mga taong minahal at pinagkatiwalaan niya. Mula pala pagkabata niya lumaki pala siya sa puro kasinungalingan at pagtataksil. Hindi namalayan ni Vince ang tumulong luha mula sa mata niya. Luha ng galit, lungkot, takot, pagkamuhi at sakit. "Ah!!" Sigaw ni Vince saka pinaputok kong saan ang kaniyang baril. Nagwawala na siya at kung sino-sino na ang kan'yang binaril. Mababalot na ng sakit ang kalooban niya. "Vince, tama na!" Napatigil siya sa pagtawag ni Veronica ang babaeng sinaktan rin siya. Pero baliw na yata siya dahil si Veronica lang rin ang nagpapakalma sa kan'ya at nagpabalik sa katinuan. Bumaling siya sa mukha nito na umiiyak, kahit anong galit na mararamdaman niya napapalis ang lahat kapag nakikita niya ang mukha ni Veronica. Naniniwala siya sa sinabi nitong mahal siya nito, ramdam niya iyon ng angkinin niya ito. Inabot niya ng kaniyang palad ang mukha ni Veronica at pinahid ang luha nito gamit ang hinlalaki ng binata. "Vince," sambit ulit ni Veronica. Purong guilty ang nararamdaman ni Veronica ng marinig niya ang sinabi kanina ni Rafael. Dumagdag pa siya sa pasakit ni Vince, dumagdag pa siya sa mga kasinungalingan sa pagkatao at sa buhay nito. "I'm sorry, Vince." Hinaplos niya ang mukha nito. "Mahal kita, Veronica kaya tinatanggap ko ang sorry mo. Alam kong biktima ka rin." Napangiti si Veronica sa narinig niya. Napasinghap siya ng makarinig ng dalawang sunod-sunod na putok ng baril. Saka napatitig siya sa mga mata ni Vince, at sunod-sunod na muling bumagsak ang luha ni Veronica. Isang putok ulit ang narinig niya, napaawang ang bibig niya sa napagtanto, saka sunod-sunod na bumagsak ang kan'yang luha. "V-Veronica…"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD