S h a n t e l l e
I sighed when I saw a chocolate bar inside my locker. Manipis lang naman ang chocolate na ito kaya kayang kayang ilusot. Malapit nang sumakit ang ngipin ko kakakain ng chocolate ah. 'Yung lalaking 'yun talaga.
Nakita kong may sticky note na nakadikit sa chocolate kaya agad ko iyong tinanggal at binasa.
'Sorry, Shantelle. Hindi kita maihahatid ngayon. May training kasi kami, e'
Ilalagay ko na sana ang chocolate sa bag ko nang may biglang umagaw no'n. Paglingon ko si Yarah pala.
"Gaga ka, Shan!" bungad niya sa'kin habang binubuksan iyong chocolate bar. Wala namang problema sa'kin iyon dahil wala ako sa mood kumain ng matamis ngayon. Parang nalungkot ako sa sinabi ni Nero na hindi niya ako masusundo. Tss, Ewan ko ba. May kakaiba na ata akong nararamdaman sa lalaking 'yon. Aish!
"Napaka walanghiya mo talaga, Yarah. Sa'kin 'yan, e." iritang sambit ko kahit wala na naman akong balak na agawin pa 'yung chocolate dahil nakagatan niya na. Gusto ko lang na makaramdam ng hiya ang isang 'to. Aba, napaka buraot, e. Palaging nagpapalibre sa'kin.
"Hahahaha! Bruha ka, Shan! Hindi ka nagkukwento sa'kin ha! Nag date pala kayo ni Nero sa tagaytay. Hmmp!"pagtataray niya habang ngumunguya pa.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "How did you know?"
She raised her eyebrow then rolled her eyes. " Duh? I saw Nero's IG story. Gaga ka. Ang selfish mo hindi ka nagkukwento!" sambit niya at hinampas ako braso. Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kaniya.
"Baka kasi gawin mong big deal. Wala namang mayroon sa'min. Nagpasama lang siya manood ng meteor. The end." sambit ko bago kinuha ang isang balot ng vellum board sa locker at isinara iyon.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Yarah nang balingan ko siya. Her eyes widened. "What?! That's it?! No hugging, touching and kissing?!" bulalas na tanong niya. Mabuti nalang at walang tao dito sa lockers area. Nakakahiya ang mga pinagsasasabi nitong Yarah. Jusko.
"Ofcourse not. Walang nangyaring gano'n. Hindi kami mag jowa para gawin ang mga 'yon. "iritang sambit ko at nilampasan na siya. Sumunod naman siya sa'kin.
"Tsk. Ang bagal mo naman girl. Jowain mo na kasi si Nero at mukhang seryoso naman sa'yo. Ano pa bang hinihintay mo?"
Tumigil ako at nilingon si Yarah na nakasunod sa'kin. Napatigil din naman siya sa paglalakad. "Hindi ko pa siya gusto."sambit ko at naglakad na ulit.
Humabol naman si Yarah at humawak sa braso ko. "Pa? So, may chance? Hihi." malanding sambit niya. Kahit kailan talaga napaka usisera ng isang 'to.
I shrugged. "Maybe?"
"Tss. Napaka pakipot mo pa, e. Kakagatan karin naman pala. Alam mo, Shantelle balita ko daks daw 'yang si Nero kaya 'wag mo nang pakawalan—"
"Yarah, stop it." saway ko sa kaniya. Puro kabastusan na naman ang laman ng utak niya. Hindi ko nga alam kung nakakaramdam paba ng pagkatigang ang babaeng 'to eh. Marami ata siyang reserba. Ayoko nang alamin pa kung hanggang saan na ang nagawa nila ng mga lalaki niya. Tss.
"Hehehe! Uy! Uuwi kana ba? Wala pa naman sila Tita Shea at Tito Jared sa inyo 'diba? Tara noms!"sambit niya at inakbayan ako.
"'Diba nag inom na kayo kahapon ng mga ka block mates mo? Uhaw na uhaw?" hindi makapaniwalang tanong.
Humalakhak naman siya. "Eh hindi ka naman kasi sumama. Bar lang naman ang pupuntahan natin at hindi night club. Ano ba kasing pinagkakaabalahan mo ha?"
I rolled my eyes. Para namang hindi niya alam. "Yarah, humahabol ako sa requirements. Hindi ako naka attend ng klase no'ng mga unang linggo dahil sa pangtitrip sa'kin ni Harris 'diba? Ang dami kong namiss na lesson. Tsaka may sinisimulan na akong plates." paliwanag ko.
She pouted. "Hmmp. Pero magaling ka naman, e. I'm pretty sure na makakahabol ka sa deadlines. Mahirap ba 'yung course mo?"
"Oo kung hindi ako makikinig." sambit ko.
"Hmm, sayang naman. Ipapakilala pa naman sana kita sa dalawa kong friend."
"Next time."
Inismiran niya ako. "Na'ko scam 'yan. Ang sabi mo sasama ka sa'min once na maipasa mo 'yung layout mo, e."
I chuckled nang maalala ang tungkol do'n. "Sorry na, Yarah. Next time talaga promise. Nadagdagan lang talaga mga gawain ko sa school. At isa pa, malapit na ang exams. Aren't you going to review? Med student kapa naman."
Nag flipped hair siya bago nagsalita. "Duh? Madali lang 'yun 'no. May stock knowledge ata ako."
After namin mag usap ni Yarah. Nagpaalam na siya dahil may aattendan pa daw siyang seminar. May seminar pala siya tapos nag aaya siyang uminom? Buti nalang 'di ako pumayag.
Pagkauwi ko sa'min as usual tahimik. Lumipat na kami ng bahay pero hanggang ngayon nararamdaman ko parin 'yung presence ng bahay namin sa Laguna. Ganito rin katahimik do'n, e.
Hinubad ko ang sapatos at blazer ko bago ako pumasok sa loob. Binati pa ako ng ilang katulong pagpasok ko. Umakyat na ako sa kwarto ko at naligo. Pupunta ako ng Laguna ngayon. Mamaya ko nalang gagawin 'yung mga drawing na kailangan kong ipasa pag uwi ko.
Pagkatapos kong maligo at maihanda ang ilang gamit na dadalhin ko'y nagpaalam na ako sa katulong. Ang sabi ko may bibilhin lang ako.
I was wearing black fitted jeans, white shirt na naka tucked-in sa pants ko at gray coat. Medyo malamig na kasi at pahapon na.
Dumaan muna ako sa isang flower shop at bumili ng white rose. Commute ako dahil naandun sa company ng mga magulang ko 'yung kotse nilang dalawa. Nakakainis nga at wala pa akong sariling kotse sa edad kong 'to. Maybe, I need to have my own. Sana pumayag si Dad at Mom. Nag take nalang ako ng bus para hindi hassle. Maagang natapos ang klase ko at busy ang ibang Prof kaya naman ngayon ko naisipang pumunta. Bukas kasi may ipagpapatuloy ko 'yung plates ko.
It took an hour bago ako makarating sa Laguna. Sumakay ako sa Jeep papunta do'n sa Memorial Park. Pinagmasdan ko ang paligid nang makarating ako at makapasok sa loob. Binati pa ako ng in-charge na guard doon. Napangiti ako, nakikita ko na ngayon kung ano ang itsura ng lugar na'to.. Dati, hindi ako makakapunta dito without Yaya Felli. But now, I can.
"Hi, Cian. Long time no see. Haha." I greeted his grave and sat down on the lawn. "So, kamusta ka na? Namiss mo ba ako?"I said bago inilapag sa gilid ng puntod iyong white roses na binili ko.
I laughed. Paano naman sasagot ang isang taong patay na? But then, ganitong naman talaga ang dapat na gawin. Kausapin parin kahit patay na.
I reached his grave to removed all those grass sorrounds it. It seems like, no one's came here all along. Mahahalata iyon dahil sobrang nilulumot na ang puntod niya. Nawala ako ng ilang taon. Ako lang naman ang sa tingin ko'y nag aalis ng d**o at lumot sa puntod ni Lucian. Napaisip tuloy ako. What about his family? His mother? Nasaan kaya sila at hindi nila nadadalaw si Lucian dito.
I shrugged. Maybe she's busy. Natatandaan ko pa noon. Palaging wala ang mama ni Lucian sa bahay nila dahil abala ito sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Naiiwan tuloy si Lucian sa bahay nila para mag alaga ng kapatid niya. He told that to me. That's his excuses kapag hindi siya nakakapunta sa mansion namin noon para maglaro.
"I miss you so much, Cian. I hope you're doing well in heaven." I said while wipping my little tears came out from my eyes. Ang babaw talaga ng luha ko pagdating kay Lucian. He is so precious to me. Kung hindi nga siya namatay ay malamang kasa kasama ko siya ngayon. Best friend ko siya, e.
Napatigil ako nang maalala ko ang alaga ko dating si mocha. Nagkasakit siya dati at hindi ko siya maalagan ng ayos dahil nga bulag ako so I decided to bring mocha to my other cousin. She's the one who's taking care of mocha until now. Kapatid ni mommy ang papa niyang veterinarian. Wala na akong balita sa pinsan kong 'yon dahil nanirahan na sila sa Canada kasama si mocha.
I was in the middle of my dramatic moment remembering my memories with Lucian when my phone vibrte. It was inside my coat's pocket. Inopen ko ang phone ko and I saw a message from Nero on IG. We can communicate in IG dahil finollow back ko siya kanina. Baka magtampo pa eh. Napakakulit pa naman ng isang 'to.
nero.elvis: Hi, Shantelle. Kamusta ka naman? I'm really sorry if I can't get you home today. I'm with Silver and we're still here in school court. Kakatapos lang namin magpractice.
nero.elvis sent a photo.
Nakita ko nga silang dalawa ng kaibigan niyang si Silver sa picture na isi-nend niya sa'kin. They're both still wearing their jerseys. Napakunot noo naman ako ng may mapansin ako. Agad akong nagreply sa kaniya.
shantellejinn: Kayong dalawa lang?
nero.elvis: Hindi. Nandito si Harris kanina pero nauna na siyang umuwi. Ang weird nga eh, nagmamadali kasi siya after niyang may kausapin sa call.
Napatango tango naman ako pero agad din akong napatigil. Pakialam ko naman sa lalaking iyon? Minsan hindi ko rin maintindihan itong isip ko, e.
Rereplyan ko na sana si Nero ng mag message ulit siya.
nero.elvis: Sorry talagaaaa, Shantelle. Babawi ako sa'yo bukas! Sobrang importante lang talaga ng training namin na 'to ngayon. Wala 'yung original naming couch kaya 'yung mataray na coach ang nandito. Ang daya nga eh! Si Harris nakaalis na dahil may emergency. Sana all!
Natawa ako ng bahagya sa pagmamaktol niya. Kahit sa message ang daldal niya parin haha. Masyadong naman siya kung magsorry sa'kin. Hindi naman ako galit ah?
Umihip ang malakas na hangin kaya medyo kinilabutan ako. Geez, nasa Memorial Park parin ako, remember?
"Lucian 'wag naman ganiyan. Hindi ko naman jowa 'tong si Nero eh. I don't fuckin' know what is he to me. I'm still confuse." paliwanag ko. Natawa pa ako dahil sa ginawa kong pagpapaliwanag kay Lucian kahit hindi na naman niya ako maiintindihan o maririnig. Nasanay lang talaga ako na ikinukwento sa kaniya ang lahat ng tungkol sa'kin.
Napatingin ako sa phone ko nang mag vibrate ito ulit.
nero.elvis: Hey. Please, don't get mad at me :
I rolled my eyes and arched my brow. Ano bang sinasabi ng lalaking 'to? Why would I be mad? Jowa niya ba ako? Tss. Hindi ko talaga alam kung ano ba kami ng lalaking 'to at grabe siya mag update sa'kin. Baka naman friends na kami sa tingin niya? Pumayag ba ako? Chos.
Nagkibit balikat nalang ako bago nagtype. Hayaan na. Pagbibigyan ko na ang isang 'to. Crush na crush ako nito eh.
shantellejinn: I'm not mad. Why would I?
Napatingin ako sa langit nang biglang kumulog at dumilim. Napamura ako ng mahina. "Damn. Uulan pa ata." inis na sambit ko dahil wala akong kadala dala. Wala akong payong, sasakyan o kahit na sumbrero man lang. Malay ko ba na uulan.
Nagsimula nang bumuhos ang maliliit na patak ng ulan kaya naman nagpaalam na ako kay Lucian at binitbit ko na ang sling bag ko.
Sumilong muna ako sa may waiting shed sa labas ng memorial park at nagpatila ng ambon. Umaasa ako na titigil 'yon dahil ambon palang naman. Hindi pa kasi uuwi sa Manila. May kailangan pa akong daanan at bisitahin dito.
I looked at my phone when it vibrates. This time my message din si Yarah sa'kin.
nero.elvis: Nasaan kaba ngayon, Shantelle? Are you home?
Napataas ang kilay ko sa message na iyon ni Nero. Hindi ko alam kung dapat ko din ba siyang i-update about sa mga pinaggagagawa ko. But then, I sighed and decided to tell him where I am. He was asking for it, anyway.
shantellejinn: Nope. I'm here in Laguna. Visiting my friend.
Binasa ko naman ang message ni Yarah at napairap din ako.
alyasmine: Girl, alam kong nasa Laguna ka ngayon. Myghad 'dika nagsasabi. Ingat ka diyan huh? Pasalabungan mo'ko Turkish delights hehehehe.
Kahit kailan mukha talaga siyang pagkain. Tss. Sikat pa naman ang mga sweets dito sa Laguna.
Pumara ako ng trycicle nang mapansing kong tumila na ang ambon. Sinabi ko ang address na sinulat ni Yaya Felli sa papel dati at agad namang tumango ang trycicle driver. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Dadalaw ko lang naman ang pamilya niya ah?
Itinigil ng trycicle driver ang sasakyan niya sa harap ng isang masikip at madamong daan.
"Pasensiya na po. Hanggang dito ko nalang kayo maihahatid. Hindi napo kasya ang trycicle ko papasok eh."paliwanag ng driver.
Tumango naman ako at iniabot ang bayad ko. Umalis na ang driver kaya naman binaybay ko na ang daan papasok. Hindi ko alam na sa ganitong lugar pala nakatira si Lucian. Dinadala niya ako dito pero hindi ko naman nakikita 'to.
Nakuha ko ang atensiyon ng ilang mga nakatira dito nang tumigil ako sa paglalakad. Sa sobrang daming dikit dikit na bahay dito hindi ko na alam kung alin ba ang bahay nila Lucian dito. Burado narin ang mga address number na nakadikit sa mga pintuan nila. Hays.
Napabuntong hininga nalang ako. Paano ko kaya i-aaproach ang mga tao dito para magtanong? Nahihiya ako, e. Nasa akin ang atensiyon nilang lahat dahil sa suot ko. Halatang hindi ako taga rito. Kainis naman. Dapat pala isinama ko si Yaya Felli.
I was about to walk when an old woman approached me.
"Sino hanap mo dito, hija?" kunot noong tanong niya sa'kin.
Bahagya akong ngumiti. "Ahh. May gusto lang po akong bisitahin dito na kakilala. Pwede po ba akong magtanong sa inyo?"
Ngumiti ang matanda sa'kin. "Oo naman. Matagal na akong nakatira sa lugar na'to kaya kilala ko na lahat ng tao dito. Sino ba iyong bibisatahin mo, hija? Nobyo mo ba?"
Agad akong umiling. "Naku, hindi po la. Bisitahin kopo 'yung bahay ng dati kong kaibigan dito. Ahm, may kilala po kayong Lucy Ignacio?"sambit ko na ang tinutukoy ay 'yung ina ni Lucian. Mabuti nalang at natatandaan pa ni Yaya Felli ang pangalan ng ina ni Lucian. Ako kasi, nakalimutan ko na. Sobrang tagal na no'n eh. It's been 9 years.
Tahimik na nag isip ang matanda. Ilang minuto bago siya tumango. "Ahh si Lucy? Oo, natatandaan ko siya at ang bahay niya. Pero, hija matagal na siyang hindi nakatira dito. Matagal na siyang umalis dito simula no'ng maaksidente ang anak niya."salaysay nito.
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng malaman ko iyon. Seryoso? Wala na sila dito? Kainis naman. Balak ko pa naman sanang kamustahin ang ina ni Lucian at ang kapatid niya. Pero mukhang hindi ko na sila makikita.
"Ahh gano'n po ba? Salamat po sa impormasyon, la." ngumiti ako. "Ahm, isang pabor papo."
"Sige. Ano 'yun?"
"Pwede niyo po bang ituro sa'kin 'yung bahay nila? Kung sakaling nakatayo papo."
Tumango naman ang matanda at nagsimula nang maglakad. "Sumunod ka sa'kin, hija."
Tahimik akong sumunod sa matanda. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa bahay nila Lucian ay panay ang kwento niya tungkol sa mag ina. Napakabait daw ni Lucian at ng ina niya. Hindi nga daw niya alam kung bakit bigla nalang itong umalis dito sa lugar nila ng walang paalam.
"Nandito na tayo."
Napatingin ako sa bahay na tinigilan namin ng matanda. Binuksan niya ang lumang kahoy na gate na may trapal lang. Sumunod naman ako sa kaniya at pinagmasdan ang bahay nila Lucian. So, ito pala 'yon?
Ganito pala kahirap sina Lucian noon? Parang gusto kong mainis sa sarili ko. Lagi pa kasi akong nagpapalibre sa kaniya ng ice cream sa park noon. Hindi naman niya sinasabi sa'kin na mahirap lang sila at ganito ang bahay nila. Kung alam ko lang hindi ako magdadalawang isip na tulungan siya noon. Nakakainis, hanggang ngayon hindi ko parin alam ang dahilan kung bakit hindi na nagpakita si Lucian noon. Marami parin tanong sa isip ko. Maraming bakit. Bakit siya biglang umalis at iniwan ako?
"Ganito po pala ang estado ng buhay nila." mahinang bulong ko sapat lang para narinig ng matandang kasama ko.
Napatango tango naman siya. "Bakit, hija? Hindi mo ba iyon alam? Akala ko ay kaibigan mo ang nakatira rito?"
I blinked before saying a word. "Opo pero hindi ko alam na ganito. Bulag po ako dati."pag amin ko. Nagulat naman ako nang bigla akong lapitan ng matanda at titigan ang mukha ko.
"Teka? 'Wag mong sabihing ikaw 'yung mayamang bata dati na madalas dalhin dito ng batang si Lucian?"takang tanong nito, agad akong tumango. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata nito. "Hala. Ang laki mo na, hija.. At nakakakita kana rin."
"Paano niyo po ako nakilala, la?"
"Parang apo ko na kasi ang batang si Lucian. Palagi ka niyang nakukwento sa'kin noon. Nalulungkot nga ako at hindi na siya nagagawi rito." malungkot na saad ng matanda.
Nagtaka naman ako sa huling sinabi nito. Nagtatanong ang mga mata ko nang titigan ko si Lola. "Malabo pong bumalik pa si Lucian, la. Matagal na po siyang patay."
"Sino nagsabi sa'yong patay na siya?"kunot noong tanong matanda. Nagulat pa ako sa tanong niyang iyon.
I smiled bittersweet. "Patay napo siya, la. 'Yun ang sabi sa'kin ng ina niya. Palagi ko nga pong dinadalaw ang puntod ni Lucian sa Memorial Park."paliwanag ko. Nagulat ako ng lumapit ang matanda sa'kin at hawakan ang dalawa kong kamay. Tumingin ito ng seryoso sa'kin bago nagsalita.
"Nagkakamali ka, hija. Hindi pa siya patay.."
————