CRUISHA MARTINEZ Pagmulat niya ng mga mata ay napakunot ang kanyang noo nang makita niyang hindi pamilyar ang buong silid. Wait! Kaninong silid ito? Huwag mong sabihin na ni-rape siya at dinala siya ng isang lalaki na galing sa bar? Tanga ka, Cruisha. Paano ka ni-rape? Wala ka namang naramdaman kakaiba sa katawan mo at hindi ka naman nila pinuwersa. Minsan may pagkaingot ka talaga. -sita ng kanyang isip. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang kanyang sarili at hindi pwedeng ma-stress sa umaga. She need to fix herself bago siya umalis sa silid ng kung sino man ang may ari nito. Napakamot siya sa kanyang ulo habang bumaba ng kama at nilinga-linga niya ang kanyang paningin sa buong silid para hanapin ang banyo. Tatlong pintuan ang nasa silid kaya iniisa-isa niyang binuksan. Sa huling

