CRAIG VELEZ Ang ganda ng mood niya ngayong araw dahil alam niyang magiging close na sila ni Miss Cruisha. Kahapon ay pinadalhan niya ito ng pagkain sa mismong Charity Organization. Siguro naman ay maayos na ang pakikitungo nito sa kanya. Kapag ang lalaki ay gagawa ng effort ay alam niya’y lalambot ang puso ng babae. Kahit mataray pa ito ay pwede mo silang mapaamo. Halimbawa, bigyan mo sila ng bulaklak, hatiran ng pagkain at higit sa lahat ay ang atensyon mo. Alam niyang bibigay din ito sa kanya. Walang babaeng hindi mahuhulog kay Craig Velez. Naglalakad siya patungo sa kanyang kotse upang puntahan ang isa sa barangay ng Caloocan na sinasabi ng kanyang kaibigan. Isa siya sa magbibigay ng medisina upang makatulong sa mga may sakit. Matagal na nilang pinanghahawakan ang Heaven Charity at n

