CRAIG VELEZ
Pagpasok pa lang niya sa kompanya ay binati na siya ng mga empleyado at tinanguan lang niya ang mga ito. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya patungo sa elevator kasama ang kanyang Secretary/Assistant niya na si Klein. Seryoso siyang naglalakad at diretso ang kanyang tingin sa kanyang harapan.
"Klein, may meeting ba ako ngayon? Kung meron paki-cancel na lang dahil may kailangan akong puntahan," sabi niya sa kanyang assistant.
Huminto siya nang makarating na siya sa elevator at napatingala upang tingnan kung anong number. Tatlong palapag na lang bago bumaba ang elevator.
"Sa ngayon po wala pa, Boss," tugon nito sa kanya.
Tumango lang siya sa sinabi nito. Tinanggal ang kanyang shades at nilagay sa kuwelyo niya. Pumasok na rin siya sa elevator ng bumukas ito at isinara na rin ni Klein ang elevator. Napatitig lang siya sa harapan at tahimik na nakatayo habang naghihintay na makarating sa kanyang pupuntahan.
Napatingin siya sa gilid niya nang binasag ni Klein ang katahimikan.
“Boss, sa opisina ka diretso?”
Umiling siya, “Hindi, pupunta ako ngayon sa Pharmaceutical Lab. para tingnan ang bago nilang inimbentong gamot.”
Namayani na naman ang katahimikan na namamagitan sa kanila ng kanyang secretary. Binaling na lang ang kanyang atensyon sa harapan nila. Ilang minutong paghihintay ay tumunog ang elevator, hudyat na nandito na sila sa patutunguhan niya.
Puno ng awtoridad na pumasok siya sa loob at agad namang tumango sa kanya ang mga Pharmaceutical Scientist. Pagbigay paggalang sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito at dumiretso siya sa isa sa team. Natapos na rin ng mga ito ang magsaliksik sa bagong gamot na inimbento ng mga ito.
He is indeed proud of his employees dahil kung wala sila, hindi sila aasenso o umangat.
“Good Morning, Sir,” bati sa kanya ng isa sa Pharmacist.
“Good Morning,” tugon niya dito.
Kunot-noong pinagmasdan niya ang mga gamot sa kanyang harapan. Bagong gamot na inimbento ng mga Apothecary nila. Nakapameywang na tutok ang atensyon niya sa mga tauhan niya sa loob. Nandito siya sa Laboratory upang hintayin ang bagong inimbento ng mga ito. He needs to make sure that the medicine they make is more effective than before. He doesn't want them to make mistakes because one mistake might be dangerous for the hospital patient or anyone who takes their medicine. He doesn't want that to happen.
"Sir, this is the new medicine of my team and we already had 56 people in the hospital na sumailalim sa gamot . Luckily, all of them are responding. Mabilis umepekto ang gamot sa katawan nila," masayang balitang sabi ng kanyang tauhan.
Nakangiting tinapik ang balikat nito, "Good Job! Lahat kayo may bonus na matatanggap! Thank you for the hard work." agaw niyang atensyon sa ibang tauhan niya na abala sa kanilang ginagawa.
Napahiyaw ang mga ito at pumalakpak. Halata ang saya ng mga ito sa sinabi niya. Bibigyan niya ng award o bonus ang mga tauhan niya kapag gumawa ng ganitong nagpapasaya sa kanya.
"Maraming salamat po, Sir," puno ng sayang pasasalamat nito sa kanya.
Ngumiti siya at tumango siya sa mga ito. Saka bumaling sa nagbigay ng magandang balita.
"Ibigay mo sa'kin ang mga information ng mga pasyente na sinasabi mo. Bantayan ninyo ng mabuti ang mga pasyente na sumailalim sa bagong inimbento ninyo na gamot. Kung may maganda bang side effect o delikado ba sa katawan," saad niya.
Hindi sila pwedeng maglabas o gumawa ng delikadong hakbang para makapahamak ang mga tao. Dapat siguraduhin na kapag ininom na ng pasyente ay maganda ang kinalabasan. Hindi iyong ikamatay pa ng pasyente.
"Sir, ilang laboratory rats na ang tini-testing namin kung kaya ba ng katawan nila o hindi. Hindi po tayo maglalabas ng gamot o 'di kaya ipainom sa mga tao dahil mahigpit na rules sa ating kompanya na kung ilabas na ay subok na ang gamot," masayang balita nito sa kanya kaya tumatango siya rito at napangiti sa sinabi ng Pharmacist.
Umikot siya sa bawat counter ng mga ito at inaalisa ang mga gamot na ginawa ng mga ito. Bawat team ay nakakapagbigay ngiti sa kanyang labi dahil sila ay mga magagaling na Pharmacist. Hindi talaga siya nagkakamali na pumili ng mga taong pinapasok sa kompanya. Pumupunta pa siya sa ibang lugar para maghanap ng mga tauhan sa kompanya at ito na nga sila.
Kalahating oras din siyang tumambay sa Laboratory bago napagdesisyonan na umalis na at may pupuntahan pa siya. Nagpaalam na siya sa mga ito at naglakad na papalabas ng Laboratory. Naramdaman niyang sumunod sa kanya si Klein.
“Boss, ngayon ka na ba aalis?”
“Yes, Klein. Kailangan ko ng umalis at ilang taon ko na rin na hindi ako bumisita sa kanya,” tipid na ngiti ang tugon niya rito.
“Okay, Sir. Tatawagan ko si Reynard para ihanda na ang sasakyan ninyo.”
Nang makalabas siya ng kompanya ay nakita na niyang naghihintay na ang kotse sa harapan ng gusali at isang tauhan niya na may hawak na susi. Nilapitan niya ito at agad naman nitong binigay sa kanya ang susi. Pinindot niya ang button para buksan ang kotse niya.
Umikot na rin siya sa kabilang bahagi para sumakay na. Napahinto siya sa kalagitnaan ng pagbukas ng pintuan ng inagaw ni Klein ang atensyon niya.
“Boss, tumawag sa akin ang Mama ninyo. Kailan niyo raw po balak bisitahin sila? Nagtatampo na po sila sa inyo, dahil kahit isang tawag o pumunta sa kanila ay hindi ka nagpaparamdam,” paalala nito sa kanya.
Kaya natawa na lang siya at napailing sa kalokohan ng kanyang ina. Noong isang linggo lang siya umuwi sa kanila. Walang paramdam? Talaga nga namang alibi ni Mama.
“Seriously? Sinabi ni Mama iyan? Noong isang linggo ako bumisita sa kanila, miss na kaagad ako?”
“Iyon talaga ang sinabi niya. Kapag hindi ka daw bumisita sa kanila, itatakwil ka nila,” sagot nito at may mapanlokong ngiting sumilay sa mga labi nito.
“I will call them. For sure she will rant dahil sa ganito, sa gan’yan. Wala eh, gwapo ang anak niya kaya na- miss niya ako,” biro niya na nagpangiti kay Klein. “I’ll go ahead!” paalam niya dito bago pumasok sa kanyang kotse.
Pinaandar niya ang sasakyan at agad niyang nilagay sa car phone holder ang cellphone. Hinahanap niya ang numero ng kanyang ina at pinindot ang call. Ilang minutong pag-ring ay sinagot na ng kabilang linya. Pinaharurot na niya ang kotse papalayo sa kompanya.
[Anak! Buti naman tumawag ka. Kung hindi ko tinawagan si Klein ay hindi ka magpaparamdam. Nagtatampo na kayo. Hindi mo ba mahal, Mama mo?]
Lumawak ang ngiti niya sa labi nang marinig ang sunod-sunod na sinasabi nito. Halata ngang na-miss siya ng kanyang Ina.
“Ma, binisita ko kayo noong nakaraan. Ang O.A niyo na Mama,” natatawang sabi niya rito na nagpasinghap sa Ina.
[Edward! Rinig mo ang sinabi ng anak mo sa akin? O.A daw ako? Na-miss ko lang naman siya ah.] -ungot na sinabi nito sa kanyang ama na napahalakhak lang sa kabilang linya.
[Sumobra na kasi iyang pagka-miss mo sa anak mo, Rose. Noong isang linggo pa naman kayo nagkita. Feeling ko parang ilang dekada na. ]- rinig niyang habol ng kanyang ama na nagpahalakhak sa kanya.
“Oo nga naman, Mama. Parang ayaw mo akong pakawalan ah!” biro niya sa kanyang ina.
Napaismid ito sa kabilang linya na nagpalaki ng ngiti niya sa labi.
“Bukas na bukas pupunta ako sa bahay,”
[Talaga?] - pasubali niya’y nakangiti na ito sa kabilang linya.
“Talagang-talaga. Kaya huwag ka ng magtampo baka magka- wrinkles ka,” biro niya dito.
[ Sinong hindi magkaka-wrinkles kung itong ama mo eh nagpapasakit din ng ulo ko. Ikaw ba namang ini-stress ka dahil tumataas ang blood sugar niya dahil sa kakakain ng matatamis? May tinatago pala siyang brownies sa cabinet niya.]
“Pa…” tawag atensyon niya sa kanyang ama na nagmamakaawa sa Ina na huwag ng magalit.
Napapangiti na lang siya sa paglalambingan sa kabilang linya. Sana magkaroon din siya ng gan’yan na katulad ni Mama na mapagmahal, mabait at maalaga. But these days, mahirap ng makahanap. Nasaktan na siya dati na akala niya’y ito na ang mapapangasawa niya in the future, pero nalaman na lang niyang iniwan siya nito sa eri. Hindi niya alam kung anong rason dahil bigla itong nawala. Napabuntong-hininga siya sa kanyang iniisip na hindi naman dapat inaalala ang nakaraan niya.
“Huwag ka ng maging matigas ang ulo, Papa. Para hindi ka palaging bini-baby ni Mama,”
[Anak, masarap na bini-baby ako ng Mama mo. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagiging binata. Kinikilig ako kapag nilalambing ako ng Ina mo,]
Napangiti siya sa sinabi ng kanyang ama.
“Sige, Pa. Kailangan ko ng patayin ang tawag dahil nagmamaneho ako ngayon,”
[Saan ka ba pupunta?]
“Bibisitahin ko siya dahil matagal na ring panahon na hindi ako dumadalaw sa kanya,”
[ You miss her, right?]
Napahinga siya ng malalim bago niya sinagot ang kanyang Ina.
“Yes, Ma. I miss her so much,”
Namayani ang katahimikan sa kanila at lumipas ng ilang segundo ay binasag iyon ng kanyang ama.
[Lahat tayo ay nami-miss siya. Siguro, iyon ang ginawa ng Diyos para patigilin ang paghihirap niya,]
Nagpaalam na rin siya sa mga magulang niya dahil ayaw niyang umiyak sa harapan ng mga ito.
Bumili muna siya ng bulaklak bago pumunta sa sementeryo. Kapag ang kapatid na niya ang pag-uusapan ay sobrang bigat pa rin ng pakiramdam dahil wala na ito.
CRUISHA MARTINEZ
“Kailangan ko ng umalis,” bungad niyang sabi ni Hellarie na kakapasok pa lang sa opisina niya.
Naglakad ito papasok at nilapag ang mga patient information sa mesa niya. Nang matapos ito ay may pagtataka sa mga mata nitong hinarap siya ng kanyang Assistant Nurse.
“Hindi pa tapos duty mo, Doktora. May operasyon pa po kayo, mga alas tres ng hapon,” paalala sa kanya ni Nurse Randall
Napatampal siya sa kanyang noo ng makalimutan niya iyon. Bakit ba niya nakalimutan iyon?
“ Thank God! Buti na lang pinaalala mo sa akin iyan, Hellarie. Nakalimutan ko sa dami ng iniisip ko ngayon at siguro sa daming case ng pasyente na rin sa trabaho kaya nawala sa isipan ko,”
May pagdududang tingin ang pinukol nito sa kanya, “Anong araw na ba ngayon?” tumingin ito sa kalendaryo ng opisina niya. Napabuntong-hininga ito. “Alam ko na kung bakit ka gan’yan. Nahahalata ko na rin kasi sa’yo noong nakaraan na pagkabalisa mo. Itong araw na ito ay Death Anniversary ng ina mo,”
Tipid na ngiti lang ang tugon niya rito.
“I need to go para makabalik agad ako dito sa hospital,”
Hindi na niya hinintay ang tugon nito dahil lumabas na rin siya sa opisina niya dito sa Hospital. Tuloy-tuloy ang paglalakad papalabas at ngumingiti lang siya kapag binabati siya ng mga kasamahan niya.
Hanggang ngayon miss na miss niya ang kanyang Ina. Namatay ito noong isang taon dahil sa sakit na Breast Cancer. Kahit mahirap ang pagkawala ng kanyang ina ay kailangan niyang tanggapin na wala na ito sa buhay niya. Hindi madali ang makalimot ang mga pinagdadaanan ng pamilya nila. Sobrang sakit mawalan ng Ina. Para kang hinati at nawalan ng saysay ang buhay mo. Ang importanteng tao na lumuwal sa’yo ay nawala dahil sa pesteng sakit na iyan. Iyong mga pinapangarap mo na kasama ang ina ay nawalan na rin ng halaga sa kanya. Nang makita niyang may isa pa lang tao sa buhay niya na pinipilit na makabangon. Siya lang ang kinakapitan nito ng lakas para bumangon sa sakit na pinagdaanan at iyon ay ang kanyang ama na nagpapalakas para sa kanya at hindi siya nito pinapabayaan.
Sumakay na rin siya sa kanyang kotse at pinaandar na rin ito. Pupunta muna siya sa flower shop para may ibigay siya sa kanyang ina. Bibilhin niya ang paborito nitong bulaklak para kahit paano ay malaman nito na hindi pa rin siya nakakalimot sa paborito nito. Alam niyang hindi na niya makikita ang ngiti ng kanyang ina, pero alam niyang nakangiti itong pagmasdan siya sa langit.
Akmang bubuksan na sana niya ang shop ng bigla itong bumukas. Lumabas ang lalaking naka-shade at dumiretso na sa kotse nito. Hindi sana niya sundan ng tingin ang lalaki kaya lang naagaw ang atensyon niya sa bulaklak na bitbit nito. Her mom’s favorite, sunflower. Maybe his girlfriend loves sunflower kaya binili iyon ng lalaki.
Kumibit-balikat na lang siya at pumasok na sa shop. Pagpasok pa lang niya sa shop ay agad siyang binati ng nasa counter. Nahawa siya sa ngiti nito kaya napangiti na rin siya. Maaliwalas ang awra ng babae at maganda rin ito. Naglakad siya papalapit dito.
“Good Morning, Miss. Anong bulaklak ang bibilhin mo?”
“ Sunflower. My mom’s favorite flower,” tugon niya sa babae.
“Sunflower is known for being the happy flower,” nakangiting saad nito. “ Your mom’s birthday po ba?”
“Death Anniversary,”
Kita niya ang pagkabigla sa mga mata nito na nagpakunot ng noo niya.
“Why?” takang tanong niya sa babae.
“Oh, sorry!" hinging patawad nito, "Parehas kasi kayo ng binili ng lalaki. Sunflower ang binili niya dahil paboritong bulaklak ng namatay niyang kapatid,"
“Oh!” iyon lang nasabi niya dahil sa gulat na sinabi nito.
Her mom’s death anniversary today and that ‘guy’ na lumabas kanina ay ang kaarawan naman ng namatay nitong kapatid.
Nang matapos siya sa pagbili ay agad na rin siyang nagmaneho patungo sa sementeryo. Kung saan inilibing ang kanyang ina.
Mga ilang minutong pagmamaneho ay nakarating na rin siya at tumungo na rin sa tombstone nito. Nilapag niya sa damuhan ang bulaklak at inalis ang mga dahon na natatakpan ang pangalan ng kanyang Ina. Nang matapos niyang linisin iyon ay agad siyang umupo sa damuhan at hinawakan ang lapida nito.
“Kamusta ka na, Mama? Alam kong masaya ka sa langit, kasama si Lord. Alam kong nakatanaw ka sa akin ngayon sa itaas. Nakangiti kang pinagmasdan ako. Mama, miss na miss na kita. Sorry ngayon lang ako dumalaw dahil sa abala sa trabaho,” napahawak siya sa kanyang braso ng biglang may malamig na hangin na yumakap sa kanya. Kusang tumulo ang kanyang luha dahil alam niya, ang kanyang ina ang yumakap sa kanya, “ Alam kong ikaw ang yumakap sa akin, Mama. Huwag kang mag-alala, Mama dahil naging okay na rin kami ni Papa. Hindi ko pinabayaan si Papa, Mama at alam kong nagtataka ka rin na hindi sumama si Papa dahil inatake na naman ito sa rayuma kaya hindi makapunta. Baka mamaya pupunta siya dito. Ikaw pa ba ang makakalimutan ni---” napatigil siya sa pakikipag-usap sa kanyang ina nang marinig niya ang pangalan ng kanyang ama.
Napalingon siya sa paligid at hinanap niya ang boses na iyon. Tumayo siya at pinagpag ang kanyang damit ng may kumapit na dahon. Pinakinggan niya ang boses na iyon. Ramdam niya ang galit ng lalaki.
“Huwag kang mag-alala, Carey. Ipaghihiganti kita at malapit na rin maging matagumpay ang plano na pabagsakin si Carlos Martinez,"
Biglang siyang nakaramdam ng takot sa sinabi nito. Kaya nagmamadali siyang pumunta sa kinaroroonan ng boses na iyon.
Pagdating niya’y naabutan na lang niya ang bulaklak na sunflower sa puntod.
CAREY VELEZ, ang pangalan sa lapida.
Carey? Sino naman ito? Anong kasalanan ni Papa?
Bakit gano'n ang galit nito sa kanyang ama?
Napatitig siya ulit sa bulaklak.
Don't tell me! Iyong lalaki sa shop at ang lalaki na nandito kanina ay iisa?!