CRUISHA MARTINEZ Napahinga na lang siya ng malalim at hinayaan na lang niya itong hilahin siya sa kung saan. Rinig na rinig pa niya ang mga boses ng mga kaibigan nito na umaangal. Halatang hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Pati rin naman siya, hindi pa rin makapaniwala kung bakit pumayag siya sa set-up na ito o mas tamang sabihin ay hinayaan na niya ang binata. Kahit naman anong pilit niya rito na tumigil ay wala siyang magagawa dahil hindi siya titigilan hangga’t hindi siya papayag. Hinayaan niya, hindi dahil gusto niya ito kung ‘di pumayag siya dahil wala namang mawawala sa kanya. Kung ito ang gusto nito o ‘di kaya napagtripan nito ay mas mabuting sabayan ang trip ng binata. Girlfriend at Boyfriend lang naman at hindi naman siya seryoso sa binata. Pinaghila siya nito ng upuan at

