CRUISHA MARTINEZ Natulala siyang napatitig sa kawalan. Nandito sila ngayon sa isang lugar kung saan pwede siyang makapag-isip o sumigaw. Nasa harapan siya ng malawak na karagatan at sila lang dalawa ni Craig ang nandito. Nalaman niya’y pagmamay-ari pala ito ng kaibigan nitong si Ramm. Kahit paano ay pinapagaan nito ang kalooban niya. Himala na tahimik lang ito sa tabi niya at hindi nagsasalita na para bang hinahayaan siyang makapag-isip. Buti na lang ay may karamay siya ngayon at ang boyfriend kuno niya na si Craig. Hindi siya makapaniwala na nagkasama sila ng taong kinaiinisan niya. Ang taong kaaway niya ay iyon pang taong karamay niya sa lungkot, sakit at galit. Nalulungkot siya dahil sa huli ay ang kapatid pa rin niya ang pinili ng kanyang ama at nasaktan dahil sa huli ay ang ting

