CRUISHA MARTINEZ Nandito sila ngayon sa hapagkainan at nagsimula na ring kumain. Walang nagsasalita kung ‘di ang maririnig mo lang ay mga kubyertos nila. Tahimik at ramdam pa rin niya ang tensyon sa mag-ina. Napabuntong-hininga siya dahil hindi siya sanay sa ganito na tahimik sa hapagkainan. Narinig na lang niyang napabuntong-hininga ang nasa tabi niya kaya napatingin siya rito. Nakita niyang nakatutok ang atensyon ni Craig sa ina nito na patuloy pa rin sa pagkain. Simula kanina ay hindi na pinansin ni Tita Rose. Gusto kasi ni Tita Rose na ma-realize ni Craig na hindi lahat ng bagay ay daanan sa marahas na pamamaraan. Naguguluhan siya sa sinabi nito kanina. Habang nag-uusap sila ay sinabi nito na pinamanmanan ang anak na si Craig dahil alam niyang may gagawin itong hindi kanais-nais. Hind

