CRAIG VELEZ "Hi, love!" Nakangiting kumaway siya rito. "Hello, kanina ka pa naghihintay?" Kararating lang nito sa bahay ng ama nito. Halata sa mukha nito ang pagod kaya agad niya itong sinalubong ng yakap. Gusto niyang ibsan ang pagod nito. Alam niyang malaki na ang responsibilidad nito sa ospital at hindi nito pwedeng pabayaan ang hospital kung saan ito ang CEO. Humiwalay siya sa pagkakayakap dito at binigyan niya ito ng magaang halik sa labi. Napangiti siya nang makita niya kung paano sumilay ang ngiti nito sa labi. " Hindi naman, kararating ko lang din," tugon niya rito. Hinila niya ito sa sala at pinahiga sa couch. Pinaunan niya ito sa hita at hinaplos niya ang buhok nito. Napapikit naman ito sa ginawa niya at hinayaan siya nito sa kung anong gagawin niya. "Ngayon na ba tayo pu

