CRUISHA MARTINEZ “Alam mo ba ang balita?” rinig niyang sabi ni Nurse Randall. Hindi na siya nag-abalang tumingin dito dahil abala ang kanyang mga mata sa kakabasa ng mga dokumento sa harapan niya. Marami siyang gagawin ngayong araw na ito dahil nakatambak ang mga gawain. Ngayon pa talaga nagdagsaan ang trabaho kung kailan may aasikasuhin pa siya. Gusto pa naman niyang maagang makauwi dahil miss na miss na niya ang little munchkin niya. Her little is her nephew na sobrang cute. Hindi akalain na magiging attached siya sa pamangkin niya. Kahit sobrang busy siya ay may oras pa rin siyang makipaglaro rito. “Anong balita ang sinasabi mo?” takang aniya habang binubuklat niya ang fundraising for cancer patient. Matagal na kasi niyang pinaplano itong fundraising na ito at sa makalawa ay

