CHAPTER 4

2036 Words
CRAIG VELEZ Nang malaman niya ang tungkol sa anak ni Mr. Martinez ay agad niyang sinubaybayan ang kilos ng dalaga. Hindi kasi siya matatahimik na hindi malaman kung saan ang ama nito. Siguro siya na ang magiging daan patungo sa ama nitong mahirap hagilapin. Nalaman kasi niya na nasa ibang bansa si Carlos Martinez, pero hindi niya alam kung saan. Ayaw naman niyang tawagin si Rough baka ubos pera niya sa malaking hiningi nito. Minsan naisip din niya na parang wala silang pinagsamahan na magkaibigan dahil pati sila ay hiningian nito ng malaking halaga. Mandurugas diba? Hindi nga niya alam kung bakit malaki ang hinihingi nito kung mayaman na? Pwede naman libre na lang. Kapag sasabihin niya na libre, makakatanggap siya ng mura galing kay Rough Drobele. Inutusan niya lang ang kanyang Assistant na magmasid muna kay Miss Cruisha. “Magsisimula na ba tayo, Mr. Valdez?” Napaangat ang kanyang tingin kay Mr. Dela Cruz. Taka niyang tiningnan ito. “Sure, Mr. Dela Cruz,” tugon niya sa Doktor. Nakalimutan niyang nandito pala siya sa bar na pagmamay-ari nito upang pag-usapan ang tungkol sa business partnership. Which is hindi iyon ang pakay niya, kung ‘di bilhin ang shares nito at ang isa pang rason ay ipakulong ito. Isa rin ito sa kasabwat ni Mr. Young. Ito rin ang gumagawa ng mga illegal na gamot. Maraming transaction, maraming mga mayayamang taong pakikipagsabwatan sa mga ito dahil mabilis lang ang pera. Talaga nga namang kumakapit sa patalim ang mga kasamahang doktor ni Carlos. Hindi niya alam kung kasabwat ba ito o hindi sa pakikipagtransakyon sa illegal na gamot. Posibleng oo o hindi. Ang gusto niya ay unti-unting pabagsakin ang mga kasamahan nito at tanggalin sa posisyon si Carlos Martinez. Hindi ito karapat-dapat na mamuno ng hospital kung ganito ang kalakaran nito. Malaking problema sa mga pasyente at mas tamang sabihin na delikado ang mga bata dahil ang pinupuntirya ng mga ito ay nasa edad na lima pataas. Napatingin siya sa nilapag nito sa mesa, ang mga bago nitong inimbento. Itong nasa harapan niya ay ang mga illegal na gamot. Napangisi siya nang makita ang limang sachet na naglalaman na delikado sa katawan ng tao. Pwedeng ikamatay kapag hindi mo kayanin ang epekto nito o baka naman hindi mo na siya mapigilan at hanap-hanapin mo na siya. “Ito ang bagong drugang inimbento, Mr. Hans,” Tinuro nito ang kulay yellow na gamot. “Isa ito sa mga drugang nagbibigay lakas ng p*gkalalaki mo. Ang side effect nito ay humihina ang immune system mo kapag hindi hiyang sa’yo ang gamot. Kapag hindi compatible sa katawan, unti-unting papatayin ang nasa loob mo hanggang sa mamatay ka. Tested and proven na po ito dahil may 60% na nagsabing magandang gamitin kapag ayaw na ng tumitigas ang p*gkalalaki nila. 40% ang namatay sa gamot na ito kung hindi hiyang.” Napatango-tango siya rito, at pinagmasdan ang gamot na nasa mesa. Patuloy pa rin itong nagpaliwanag sa mga gamot na inimbento nito, pero hindi niya pinakinggan. Nakatuon ang atensyon niya sa mukha nito at napangisi na lang. Sige lang, ngumiti ka lang hanggang sa dumating na ang ikabagsak mo. Papaligayahin muna kita at mamaya ay unti-unti mawala ang ngiti mo sa labi. Agad na inilahad sa kanya ang dokumento nito na tinanggap naman niya at nilagay sa gilid niya. Nakita niya ang pagtataka sa mga mata nito ng hindi man lang niya tiningnan ang nasa loob ng envelope. Inabot niya ang nakahandang dokumento para rito. “Nakipagkita ako sa’yo, hindi para sa bago mong imbento, Mr. Dela Cruz. Kung ‘di gusto kong bilhin ang stocks mo sa MARTINEZ MEDICAL CENTER,” walang paligoy-ligoy niyang sagot kay Mr. Dela Cruz na naguguluhan pa rin sa kanyang sinasabi. “Pinatawag mo lang ako para diyan? Nagbibiro ka ba?” natatawang tanong nito sa kanya at seryoso siyang tinitigan. Nang makita siya nitong hindi nagbibiro ay tumikhim ito at naging seryoso. Tinitigan siya nito na parang inaalisa ang mga sinasabi niya. Isang mapanlokong ngiti ang sumilay sa mga labi ng Doktor. “Mr. Valdez, maitanong ko lang, bakit mo gustong makuha ang shares ko sa MMC?” Sumandal siya sa upuan at ngumiti siya rito. “Gusto kong palitan si Carlos Martinez sa posisyon bilang CEO para ang mga illegal na gamot ay madaling maipasok. Diba tinanggal ka na sa MMC kaya humina na ang kita mo?” Mas lalo siyang nasiyahan nang makita kung paano nagbago ang ekspresyon nito. Ang kaninang mapanlokong ngiti ay napalitan saya. Talaga nga naman, ang dali nitong utuin. Anong akala nito na totoo ang sinasabi niya? That’s wrong! Kapag gusto mong makuha ang kanilang atensyon at maengganyo sila, baguhin ang tactic mo. “Tama ka, humina ang kita no’ng tinanggal ako ni Carlos. Ano ang dapat kong gawin para mailagay ka sa posisyon na iyon?” Tinuro niya ang dokumento na nasa harapan nito. Kinuha naman nito iyon at binasa ang dokumento. He wants to take them down one by one. Two was in jail and now, Mr. Dela Cruz will be the next. “Bibilhin ko rin ang limang gamot na pinakita mo sa akin kanina,” dagdag niyang sabi at pasimple niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa para magbigay ng mensahe sa mga kasabwat niya. Nasa loob lang ng mga pulis at naghihintay sa signal niya na pwede ng lumapit. Nagtipa siya ng mensahe at sumulyap muna siya kay Mr. Dela Cruz para hintayin itong matapos sa pagperma. Nang makitang tapos na itong pumerma ay agad niyang pinindot ang send. Mga ilang segundo lang napatayo mula sa gulat si Mr. Dela Cruz. “Itaas mo ang mga kamay mo, Mr. Dela Cruz!” “Ano ito, Mr. Valdez?!” nagtatakang tanong nito sa kanya at pilit pa rin nagpupumiglas sa pagkakahawak ng dalawang pulis. “Hindi mo pa rin alam kung ano ang nangyayari sa’yo?” Pagak siyang natawa. “Anong akala mo na makipagsabwatan ako? Hell no! Hindi ako umabot sa puntong gumagamit ng illegal na gamot. I love my decent job and I will never ruin my profession.” Tinalikuran na niya ito at humarap na pulis na in charge sa kaso. “Kayo na ang bahala, SPO3 Manalo,” sabi niya sa pulis at tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa harapan niya. “Thank you for your cooperation, Mr. Velez,” Ngumiti siya rito at umiling, “I should be the one thanking you and also your colleagues dahil ngayon ay makukulong na si Dela Cruz. So, kailangan ko na ring umalis at kayo na ang bahala rito.” Tumango ito sa kanya at tinapik niya ito sa balikat bago siya umalis sa bar. Kailangan na rin niyang pumunta sa hospital para bisitahin ang ama niya. Pangatlong araw na nito sa hospital at hindi pa muna pinauwi ng doktor dahil gustong makasigurado si Dr. Cruisha na walang komplikasyon sa sugat sa tiyan ng kanyang ama. Hanggang ngayon, hinahanap pa rin ng mga pulis ang bumaril sa kanyang ama. Hindi niya alam kung sino ang salarin. Pagdating niya sa hospital ay agad siyang tumungo sa silid ng kanyang ama. Pagliko niya kaliwang bahagi ng hospital ay nakita niya si Dr. Cruisha na may kausap na pasyente at napatigil ng may tumawag. Hindi na sana niya ito pansinin nang marinig niya ang sinabi nito na Papa. Pasimple siyang sumandal sa dingding at hindi nagpahalata na nakikinig sa sinasabi nito. “Papa, kailan ka po uuwi? Talaga po? Sige, sabihin ko sa makalawa ka darating. Maasahan ko iyan ah!” Lumayo ito kaya sumunod siya rito at hindi nagpahalata na nakasunod siya. Sinundan niya ito patungo sa kung saan at hindi niya alam kung saan ito tutungo. CRUISHA MARTINEZ Puno ng kasiyahan ang naramdaman niya dahil nalaman niyang uuwi na ang kanyang ama sa pangalawa at binalita nito na kailangan na ring bumaba ito sa posisyon nito. Ito na ba ang hudyat na makukuha na niya ang kanyang ninanais? Matagal na niyang gustong maging CEO ng Hospital o Head ng hospital at baguhin ang pamamalakad ng ama niya. Marami siyang plano sa hospital para pagandahin pa ito lalo. May mga plano na siya sa hospital at gusto niyang ipakita sa ama nito ang mga gusto niyang gawin kapag siya na ang uupo sa posisyon nito. Mas madali kapag nasa mataas kang posisyon dahil magagawa mo ang mga bagay na gusto mong gawin. Matutupad na rin sa wakas ang gusto niya. Nang makarating siya sa Cafeteria ay agad siyang tumungo sa pantry para kumuha ng pagkain. Isang cup ng kanin at ulam ang kinuha niya at kumuha na rin siya ng pineapple juice. Nang matapos siya ay naghanap na rin siya ng kanyang mauupuan. Habang abala ang kanyang mga mata sa paghahanap ng upuan ay naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Inilibot niya ang kanyang mga tingin at huminto ang kanyang atensyon sa lalaki, iyon ay ang anak ni Mr. Velez. Kumunot ang noo niya sa tingin na binigay nito. The way he staring at her, gives her chills. It was so intense feeling kaya napaiwas siya ng tingin at hindi na siya tumingin dito. Kaya tumungo na siya sa kanyang upuan at hindi na niya pinansin ang tiningin na binigay nito. Kumain na siya at tinuon ang atensyon sa kanyang harapan. Napapikit siya sa sarap ng pagkain nang matikman niya ito. Ito ang nagugustuhan niya sa mga niluto ng hospital staff dahil nakuha ng mga ito ang kanyang gusto. Hindi talaga nagkakamali sa pagpili ang kanyang ama. Napamulat na lang siya ng kanyang mga mata ng may marinig niya ang pagkatok sa mesa niya. Kumunot ang noo niya nang makita si Mr. Velez. “Yes, what do you want?” tanong niya rito. Mas lalo siyang nagtataka sa ngiti na pinapakita nito. “Can I sit here?” Tinaasan niya ito ng kilay bago niya ito sinagot, “Nakaupo ka na doon kanina, bakit ka pa lumipat?” Humila ito ng upuan at umupo ito sa harapan niya. Hindi ba ito nakaramdam na ayaw niyang may taong nakaupo sa harapan niya? “I just want to talk to you, Miss Cruisha,” nakangiting sabi nito sa kanya. “We are not close enough para mag-usap, Mr. Velez,” walang ganang tugon niya rito at ito naman ay natawa sa kanyang sinabi. “Bakit ang formal mong magsalita sa akin? You can talk to me as a friend,” sabi nito at hindi pa rin ito tumigil sa kakatitig sa kanya. “We are not friends. Why should I?” Nagtitimpi na siya na hindi sigawan itong nasa harapan niya. “Bakit ba ang taray mo, Miss Cruisha?” He chuckled when she rolled her eyes at him. Talaga nga namang feeling close rin itong nasa harapan niya. Ang ayaw niya sa lahat na dinidisturbo siya sa oras ng kanyang pagkain. “Can you just leave? I want to eat and you just disturb me for nothing,” mariin niyang pagkakasabi kaya napataas ito ng mga kamay. “Okay, sorry. Gusto ko lang magpakilala sa’yo para hindi mo na ako palaging tawagin na Mr. Velez,” hinging sabi nito at agad na nagpakilala ito sa kanya. “I’m Craig Velez, and you are?” Napahinga siya ng malalim bago niya ito seryosong tinitigan sa mga mata. “Kapag sinagot iyang tanong mo ay aalis ka na?” Tumango ito sa sinabi niya at nasisiyahan na pinagmasdan siya. “I’m Cruisha Martinez, and leave me alone.” Rinig niyang napahinga ito ng malalim at tumayo na. Bago ito umalis sa harapan niya ay may binitawan pa itong salita. “Maganda ka at mataray. Kahit ganoon, nakuha mo ang atensyon ko. Sa susunod na pagkikita ay magiging akin ka.” Iniwan na lang siya nitong napanganga at napailing na lang sa sinasabi nito. Buti naman na umalis na ito para ipagpatuloy na niya ang kanyang naudlot niyang pagkain. The way that man talked and his action were really weird. She doesn’t want to see him again dahil naiirita siyang makita ang mapanlokong ngiti nito na ang sarap burahin. Ano raw? Magkikita pa sila? Huwag na oy! Ayaw na niyang makita ang nakakaasar nitong mukha. Gwapo sana kaya lang iyong mahangin nitong ugali ay ayaw niya. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD