Nadatnan ni Robin na abala sa pagso-sort ng files ang mama niya sa office nito.
"Hi, Ma," bati niya rito saka hinalikan ang pisngi nito.
Napatigil naman ito sa ginawa saka hinubad ang eyeglasses. "O, nandito ka pala, Robin. Wala ka bang hangover?"
Umiling siya. "I'm surprised nga na wala. I feel more refreshed pa nga dahil siguro maghapon akong tulog."
"Ang busy mo naman kasi nitong mga nakakaraang araw kaya mainam pa iyang mahaba ang tulog mo. Kumain ka na ba?"
Umiling siya. "Dito na sana ako kakain. I miss your tuna sandwich. Kaso busy ka yata." Ngumuso pa siya.
Napangiti naman ito. "Naglalambing ka na naman. Tingin mo, matatangihan kita?"
Then, sabay silang nagtungo sa kitchen.
"Robin, naalala mo pa noong bata ka? Sabi mo, you want to be a pastry chef like me?" Maya-maya'y kwento ng mama niya habang tino-toast ang bread sa kawali.
Ngumiti siya. "Yeah. Pero ngayon, wala na akong tiyaga sa kusina." Then, he laughed. It slowly faded away as painful memories played back in his mind.
They weren't as this close two years ago. Lagi kasing abala ang mama niya sa career nito. So to catch her attention, Robin would pretend he has interest in cooking.
Napansin yata ng mama niya ang biglang pagbabago ng mood niya. Hinawakan nito ang pisngi niya sabay sabing, "Robin, do you still hate me?"
Napitlag siya saka napaiwas ng tingin. "Ma, matagal na iyon. You already apologized for your mistakes. At bumawi ka naman sa akin. We should not think about it anymore."
"I know. Kaya lang kasi, napapaisip ako minsan. Ang laki kasi ng pagkukulang ko sa iyo bilang mama mo. I thought I'm just doing it being I want to give you the best. I didn't know I'm hurting you." Nangilid ang mga luha nito.
"Ma, tama na. Let's not talk about it, okay? Past is past."
"Alam ko naman iyon. Hindi lang talaga mawala sa kunsensya ko. I almost lost you." Gumawi ang tingin nito sa pulso niya.
Bumuntonghininga siya saka tinginan ang kaliwa niyang pulsuhan. Lagi siyang may suot na wrist watch o wristband doon para itago ang peklat. Two years ago, naglaslas siya at nilubog niya sa balde ng tubig ang kamay niya para hindi iyon tumigil.
Then, when he woke up, he was in a hospital. Noon lang nalaman ng parents niya depressed siya, at maging ang pinag-ugatan niyon: matinding hinanakit sa kanila.
Because before, his parents were so neglectful and manipulative.
Muli siyang bumuntonghininga saka niyakap ang ina. "Mommy, sabi mo nga noon di ba, challenge lang ito sa atin? Nalampasan na natin. It wasn't supposed to make us bitter. But a better person."
Tumango ito. "I know. You are right. But please, Robin, if you ever feel depressed, huwag mong kakalimutang magsabi sa amin, ha? We're your parents. Pamilya tayo. We love you. Magtutulungan tayo." His mom sounded frantic, panicking even. Hinawakan pa nito ang kamay na parang nakikiusap.
Tumango naman siya. Then, at the back of his mind, he imagined himself sighing.
This... is why he would rather keep his mental health condition to himself. It was painful to see his parents worrying about him.
-
Nang matapos maghanda ang mama niya, masaya nila iyong pinagsaluhan sa kusina.
His mom's tuna sandwich is really great. Mula sa loaf bread na ito rin ang nag-bake, hanggang sa filling niyon. His mom loved to add veggies on it kaya may romaine lettuce, kamatis at puting sibuyas. Then, poached tuna at special sauce na hindi alam ni Robin kung ano ang timpla - combination of sour (mayonaise?), tangy (mustard?) and sweet (honey?) ang lasa.
"By the way, Robin, parang nakita ko yata si Logan na pumasok sa shop."
Napatigil sa pagkagat si Robin. "Po?"
"Sa CCTV. Che-check ko sana kaso busy ako."
"Nand'yan nga siya, Ma."
"Oh, nag-usap naman kayo?"
Tumango siya.
"Ano namang pinag-usapan n'yo?"
"E di inaway ko. Kasi nilasing ako kagabi tapos di pa ako inuwi. Inabala pa si Aldous. Katamaran talaga." Umiling-iling siya.
"Ganon ba talaga ang nangyari?"
Gulat siyang napatingin dito. "Ha?"
"Baka naman kayo..." Umiling-iling ito. "Tanggap naman kita, anak, kahit ano ka pa man. And I don't mind kung magpapakilala ka ng boyfriend sa akin. Basta wag ka lang kung kani-kanino makikipag-s*x. Baka magka-AIDS ka n'yan."
"Grabe ka naman, Ma? I have no interest in sex." And yet that question made him nervous. Wala pa sa loob na napahawak siya sa kwelyo pero mabilis din niyang inalis ang kamay sa takot na mahalata ng mama niya iyon.
"Hmmm?"
"What?"
Umiling ito. "Pero ano bang tingin mo kay Logan?"
"Ma, we're just friends, okay? Wag kang magpaniwala sa mga pinagsasasabi ni Aliyah." Umiling-iling siya.
"Why not? Pogi naman si Logan. Matangkad pa. Tapos, mayaman din. Sikat. O, sa'n ka pa? Maraming nagkakandarapang babae doon pero sayo, talagang sinusundo ka pa sa bahay." Tapos ngumisi ito. "Wala ba talagang pag-asa, anak?"
Ngumuso siya. "Ma, bakit ba? I mean, para naman kasing atat kayong magka-lovelife ako?"
"Hindi naman sa atat. Gusto ko lang maranasan mo ang buhay. I'm worried na baka tumanda kang mag-isa. Di naman kami habang buhay na narito. At si Aliyah, mag-aasawa rin yan balang araw. Baka nga pagka-graduate pa lang sa college, mag-asawa na yang kapatid mo."
"Grabe ka naman, Ma."
"Grabe ka dyan? E lagi kong nadatdatnan sa kwarto na nagpapapadyak sa kilig habang nakatingin sa phone. Feeling ko, may ka-chat na pogi at ayaw lang ipakilala sa tin."
Alam niyang hindi iyon ang nangyayari. Malamang, nagbabasa ng yaoi manga si Aliyah. Pero syempre, pinili ni Robin na itago na lang iyon.
Bumuntonghininga siya. "Well, let's see..."
"You'll try it with Logan?"
Kumunot ang noo niya. "Hindi, duh. Ayoko du'n sa tukmol na iyon."
"Gano'n ba? E sino pala? Sino ang perfect husband para kay Maximus Robin Tejada?"
Well, sino nga ba?
-
Pagkatapos nilang kumain ng mama niya, bumalik sila sa office nito. Then, Robin volunteered to help his mom with the paperworks. Pinaubaya nito ang pag-e-encode ng mga order para sa buwan na iyon.
Hindi niya namalayan ang oras. Sobrang dami kasi niyang ine-encode. Kung hindi lang dahil sa biglang pagdating ni Aliyah, hindi niya mare-realize na masyado na siyang nawili sa ginagawa.
"Kuya Robin, nandito ka pala!" bulalas pa ni Aliyah saka siya niyakap.
Unlike him, matangkad si Aliyah. She stands 5' 6"—mas matangkad ng dalawang pulgada sa kanya. Mahaba ang legs nito at may katawang parang barbie doll.
Lumapit si Aliyah sa mother nila para mag-kiss.
"How's your day, baby ko?" tanong nito.
"Iyon, nagre-recruit na kami ng members sa club. Surprisingly, ang daming nag-** for audition!" Aliyah is currently on Grade 12. Ito rin ang itinalagang vice president ng performing arts club ng school nila. Kilala kasi itong dancer sa school nila.
Nagkwentuhan pa ang mag-ina bago nagyaya si Aliyah na kumain.
"Nako, busy pa ako dito. Bakit di mo na lang isama si Kuya mo?" sabi naman ng mama nila. "Kailangan ko lang tapusin itong mga paper para makapagbukas na tayo ng branch."
Ngumuso si Aliyah.
"Wag ka nang magtampo. Ngayon lang naman. Tomorrow, sabay-sabay naman tayong kakain."
"Sige na nga," sabi na lang ni Aliyah saka siya hinarap. "Tara, Kuya, kain tayo."
"Saan ba?" tanong naman niya. "Baka mamaya, abutin na naman tayo nang trenta minutos sa paghahanap ng kakainan."
"Don't worry, I'm craving for kikimbap right now, so meron na tayong kakainang resto."
Kumunot ang noo niya. "Korean ulit? Kaka-Korean food ko lang kagabi."
"Ikaw iyon, not me. So, let's go, girl!" Hinila siya nito. "Este, lezz go, Kuya!" Ginawaran siya nito ng mapanuksong ngiti.
Inirapan niya ito. "I might be gay pero lalaki pa rin ako, okay?" Tapos, tumayo siya.
"Joke lang! Ito naman! Lezz go na kasi. I'm hungry na." Umabresiete pa ito sa kanila.
Sabay silang nagpaalam sa mama saka lumabas ng shop para puntahan ang alam nilang Korean restaurant na hindi kalayuan doon.
Hindi nagtagal, narating na nila ang destinasyon. They immediately looked for a seat. Pinili nila ang malapit sa entrance.
Parehong kikimbap ang in-order nila. Sinamahan lang nila ng ilang side dish. Bingsu for desert. Hindi naman mahilig mag-desert si Robin pero hindi pinilit siya ng kapatid niya kaya napabili na rin siya.
"Kapag ito, hindi ko naubos, papaubos ko ito sa iyo," banta niya sa kapatid. Pinandidilatan pa nga niya ito. Kakaalis lang ng waiter noon.
"Ay wow? No thanks. Matcha flavor pa ang pinili mo. I hate matcha kaya. Ikaw lang naman may gusto no'n."
Hindi na siya sumagot. He just checked his phone for a moment. As expected, marami na namang bagong followers ang i********: account niya. Iyon lang kasi ang naka-public niyang account. Tapos, naka-follow din doon ang mga co-star niyang hundred thousands ang followers.
Naputol ang pag-scroll niya nang may lumapit na waiter sa kanila.
"Excuse me po. Maabala lang po kayo," sabi ng lalaking server. Tapos, may inabot itong kapirasong papel sa kanya. "Pinapabigay lang po sa inyo, Sir."
"Sino?" nagtatakang tanong niya.
May tinurong pwesto ang waiter. Nang ibaling niya ang tingin doon, may lalaking kumaway. May manipis na balbas ang lalaki. At hindi maipagkakailang gwapo. Maputi, chinito. Buffed.
He checked the paper. Nakita niyang may nakasulat na number doon.
Muli niyang ibinaling ang tingin sa estranghero. He made a phone sign with his left hand. Tapos ngumiti ito.
"Holy s**t, Kuya!" bulalas ni Aliyah sabay hampas sa balikat niya.
Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Lakas mo pa," angil niya dito. Then, he faced the waiter and thanked him.
When the waiter went away, Aliyah whispered, "Kuya, nakatingin pa rin sa iyo. Type ka yata talaga. Lapitan mo kaya?"
Napaikot siya ng mga mata. "Pwede ba, Aliyah? Wag kang maingay."
"Sungit mo ba? Baka ma-turn off iyon. Sayang, ang pogi kaya."
"So?"
"Anong 'so'? Sunggaban mo, gaga! Hay nako. Mamamatay kang virgin niyan sa ginagawa mo."
"Aliyah!" Napaikot siya ng mga mata. "Ano na lang kayang sasabihin ni mama kapag narinig iyan mga pinagsasasabi mo?"
"Wala naman si Mama dito. And of course, hindi mo naman ako isusumbong. Love mo ako, e." She giggled.
Muli siyang napaikot ng mga mata.
Then, he looked at the paper.
"Ayie, iniisip na niyang tawagan!"
"Tse!"
Akmang magsasalita pa sana ito pero may umagaw sa atensyon nito. "Kuya Logan!" Kumaway pa ito.
Agad siyang napatingin sa may entrance door. True, Logan was there. Nagulat pa nga ito nang makita sila.
"Uy, nandito pala kayo." Lumapit ito sa kanila. "Kumusta, Aliyah?" bati nito sa kapatid niya.
Actually, it gave Robin an impression na iniignora siya nito. Naalala tuloy niya yung kanina.
Bakit kaya biglang nagbago ang mood ng tukmol na ito? Galit ba ito?
"By the way, Kuya Logan, may chichika ako," nakangising sabi Aliyah habang nakatingin kay Robin. "Alam mo bang—"
"Aliyah!" Pinandilatan niya ito ng mga mata.
But Aliyah ignored him. "—May lalaking nagbigay ng number kay Kuya Robin?"
Natigilan si Logan. Pero mabilis din iyong napalitan ng pambibilog ng mga mata na parang nagulat. "Oh, talaga? Sino?"
Nginusuan ni Aliyah ang nagpaabot ng paper. "Pogi no? Feeling ko nga, type ni Kuya Robin e."
"Aliyah!" Pero tulad kanina, hindi na naman siya pinansin nito.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ni Logan.
"Nakatingin sa papel kanina. Mga ten seconds siguro, ganoon. Alam mo iyon? Parang napaisip bigla. Akala ko nga nakalimutan nang nandito ako."
"Hoy, walang ganon!" hirit niya. "Wag ka ngang maniwala d'yan kay Aliyah—" Natigilan siya nang makitang nakakunot ng noo si Logan.
And Logan was looking at the guy. The guy seemed oblivious about it, though, dahil masaya itong nakikipag-usap sa mga kasama.
Ibinaling ni Logan ang tingin sa kanya. "Wag ka du'n. Jutay iyan."
"What?" Tumaas ang isa niyang kilay.
"Jutay iyan, I could tell. Tamo, namumutok sa muscles. Kapag ganyan, maliit iyan." Umiling-iling ito. "Unlike me, natural ang ka-sexyhan."
"Hangin, ha?"
Aliyah giggled.
"Nagsasabi lang ng totoo. Anyway, usog ka nga. Tabi tayo." Mahina siyang tinulak ni Logan. Couch na pandalawahan naman iyon kaya kasya sila.
Then, Logan sat beside him. "Alam mo, Robin, hindi ka na dapat naghahanap pa ng iba. Nandito naman ako. Pogi, daks, matangkad, sexy. Sikat pa!"
"Pwede ba, Logan? I-set aside mo nga muna iyang kahanginan mo. Pati kalaswaan. Nasa harap tayo ng kapatid ko."
"Kuya, nakatingin siya," bulong ni Aliyah sa kanila.
Sabay silang napatingin ni Logan sa direksyon ng lalaki. Nakita ni Robin na tila nawala ang kinang nito kanina. Para itong nanlumo.
And then he felt Logan's arm on his shoulders. But before he could do anything, bigla siyang hinigit nito palapit!
At dinampian ng halik ang noo nito!
He froze. Was that just his imagination? But he felt something on his stomach. Parang may nagkarambola.
No!
Mabilis niya itong tinulak. Napatayo pa siya. "Ano ba?!" bulalas niya. Then, he realized that he just caused a scene.
He looked around. Everyone was looking at them.
And then, it kicked in — that annoying irrational fear. The time seemed to slow down but why did everything feel like rushing? And spinning? And there was a lot of screaming in his head.
He felt sick. Napatakip siya ng bibig. Parang gusto niyang masuka.
"Kuya!"
He snapped out. Then, he saw Aliyah's worried look. Nakahawak ito sa braso niya.
"Calm down," bulong nito. "Upo ka muna."
Inalalayan siya nitong umupo.
Samantalang nagsasalitan ang tingin ni Logan sa kanilang dalawa. He seemed confused.
"Okay ka lang ba, Baby Robin?" Akmang aakbayan siya ni Logan pero mabilis iton pinigilan ni Aliyah.
"Kuya Logan, please, huwag muna." Seryoso ang boses nito. Tapos, ibinaling nito ang tingin sa kanya. "Sorry, Kuya Robin. I think I went overboard.." Then, tumawag ito ng waiter para magpakuha ng malamig na tubig.
Meanwhile, Robin just looked down at the table. He could still feel his body shaking. His strength was quivering. Para pa rin siyang mawawalan ng ulirat.
He hated this.
Napakagat na lang tuloy siya ng labi.
Nakababatang kapatid pa niyang babae ang umalo sa kanya. Baligtad. It made himself feel pathetic.
Nang dumating ang tubig, Aliyah shooed Logan away. Palit daw sila ng upuan. Bakas pa rin ang pagtataka kay Logan pero sa huli, sumunod din ito.
Aliyah made him drink the water. Hindi kasi niya ma-grip ang baso dahil nanginginig pa rin siya. It made him feel worse.
Kailan ba ito matatapos? Kailan ba ito mawawala?
Then, he remembered na artista na nga pala siya. And attention would be really inevitable.
Nagtagis ang mga panga niya.
May time pa.
He should quit.
-
Nagdesisyon si Aliyah na ipa-takeout na lang ang order nila. Tapos, nag-isip ito ng lugar na walang makakakita sa kanila at tahimik lang. She suggested going back to their cafe, but Robin protested against the idea.
"Sa kotse ko na lang? Malapit lang naman dito ang pinagparkingan ko," suhesyon ni Logan.
"Good idea, Kuya Logan."
Saktong dumating na ang order nila na nakalagay sa brown paper bag. Nagboluntaryo si Logan na dalhin iyon. Si Aliyah naman, umabresiete kay Robin.
Habang palabas sila, ramdam ni Robin na napapatingin ang mga tao sa kanya. It made him wonder what were they thinking now that they had seen his pathetic side? At ilan sa kanila ang nakakilala sa kanya?
Stop, Robin. Please, stop overthinking! You're making it worse. Pumikit na lamang siya at pinilit na huwag silang pansinin.
And now, here was a bigger t*****e.
Matao na sa mall nang oras na iyon. Hindi pwedeng wala silang makakasalubong. And it was even worse na kasama nila si Logan. Maya't maya kasi'y may mga fangirl na tumatawag dito. May ilan ding nagpapa-picture.
Sa kada may lumalapit, Robin tensed. Umiiwas pa siya ng tingin at pilit na tinatago ang mukha sa balikat ng kapatid niya.
Aliyah just sighed and gave him a comforting tap.
Hanggang sa nakarating na sila sa parking lot.
Cobalt blue na Mitsubishi Strada ang dalang kotse nito. Logan asked him kung ayos lang bang sa trunk na lang sila sumakay dahil naalala nitong mauubos na ang gas. Robin just said yes.
Naunang sumakay si Logan para tulungan silang umakyat doon.
Once in, sumandal si Robin sa likod ng passenger's seat saka niyakap ang mga binti.
"Kuya, how are you? Feeling better na ba?" tanong sa kanya ni Aliyah.
Tumango siya. "I think yes. But it's still here. I need to calm down." Dinukdok niya ang mukha sa mga tuhod.
He tried to take a nap. But how could he when his anxiety was kicking him hard? Ni hindi nga siya pinapatulog nito.
Yet he remained like that until he heard Logan and Aliyah's conversation.
"Aliyah, ano bang nangyayari sa Kuya mo? May sakit ba siya?"
"It's called anxiety."
Robin felt Logan's gaze on him.
"Di ba ang anxiety parang nerbiyos lang? Nerbiyoso ka lang, ganoon?"
"Nope. It's not. Psychological condition iyon. Anxiety is... parang uncontrollable fear siya. Basta, condition iyon." Then, Aliyah sighed and hugged his brother. "Sorry, Kuya. I really did not mean it. Saka akala ko rin kasi nawawala na dahil bigla ka na lang nagsabi na magiging artista ka na. I thought you can control it now."
Robin sighed saka siya nagtaas ng tingin. "It's... a mistake," bulong niya.
"Alin?" tanong ni Aliyah.
"Ang pag-aartista ko. And I think..." Hininaan niya ang boses. "I should quit."
Parehong nagulat ang dalawa.
"Nahihibang ka na ba, Robin?" bulalas ni Logan. "Alam mo naman na kakatapos lang nating mag-workshop. Next week, magso-shoot na tayo. Tapos bigla kang magki-quit? Di mo ba naiisip na sobrang abala iyon?"
"I guess you're right. Hindi madali ang gagawin ko," tugon naman niya. "But I never want this to begin with. Kinulit lang ako ni Kuya Direk. Dahil ako lang daw ang nakakapagbigay ng hustisya sa karakter ni Kean."
"Exactly, Robin! Hindi na makakahanap iba si Direk. So huwag ka nang mag-quit."
Umiling siya. "Makakahanap siya. I'm sure of it. Maraming talented na young actor. I'm sure one of them could do it--"
Naputol ang sasabihin niya nang maramdaman niya ang kamay ni Logan sa baba niya. Pinilit nitong itaas ang tingin niya hanggang sa magsalubong ang mga mata nila.
"Listen, Robin," seryosong sabi nito. "Naalala mo pa ba kung bakit nasabi ni Direk na ikaw lang ang nakakagawa kay Kean?"
Saglit siyang nag-isip. "Dahil ako at si Kean ay iisa lang?"
"Exactly. Ikaw rin mismo si Kean. Who else could portrayed his flaws, bukod sa iyo? s**t, ni hindi ko nga alam na ganyan para ang itsura ng taong inaatake ng anxiety. Kung hindi pinaliwanag sa kin ni Aliyah, aakalain kong isip-bata ka lang na nagta-tantrums dahil napikon sa akin."
He wasn't sure what to say kaya titig lamang ang sinagot niya.
Bumuntonghininga si Logan. "Now tell me, gusto mo pa rin bang mag-quit? Kasi kung oo, then sorry to say, then it would be the time for me to take the action. Ikaw si Kean, di ba? Yung batang emo? Well, I'm Luigi. And just like him, hindi rin kita titigilan sa kakapilit."
Tapos, ibinulong nito sa tenga niya ang karugtong, dahilan upang magtayuan ang balahibo sa katawan niya.
"I'm your scandalous lover, after all."