Unfortunately, Vincent refused to meet him that day. Humingi muna ito ng time to sort his things out bago sila mag-usap muli ni Robin. "Masama rin daw ang loob niya sa iyo, Kuya," paliwanag ni Aliyah sa kanya matapos nitong tawag ang lalaki. Tumaas ang isa niyang kilay. "Ano na namang ginawa ko? Ibibintang pa rin niya sa kin na ako ang dahilan kung bakit siya na-busted?" inis niyang turan. Yet deep inside, he was nervous because he knew right from the start that he wasn't innocent. May atraso rin siya kay Vincent. - Later that afternoon, saktong matapos magpaalam si Aldous, nakatanggap siya ng tawag sa handler niya. Binibigyan na siya ng permiso na mag-online. Binalaan nga lang siya nito na huwag makikipag-away online dahil meron pa ring nagagalit. But when he checked his Twitter ac

