The final episode of Mario Luigi: Scandalous Lover would be played on the Friday. And of course, because of the success of the series, sobrang inaabangan iyon. Tuesday pa lang ng gabi, nainit nang topic ang pagtatapos niyon. Maraming nalungkot dahil tumagal lamang ng 16 episodes, pero marami ring nagpasalamat, especially the readers of the books, dahil ayaw nilang masira ang kwento kapag pinilit pang pahabain. So, to celebrate the final episode, nagkaroon ng live viewing sa isang function hall sa isang mall sa Quezon City. Libre iyon, basta makakapagpa-reserve sila agad ng ticket online. Only three hundred tickets were given away, unfortunately, kaya ang daming fans na nalungkot. There was a short program first. May palaro. May meet and greet session din, kung saan pwedeng magpa-p

