Ang kanilang unang laro sa Mansion ng mga Lasner

2126 Words
KABANATA 5 Ala-sais na ng gabi nang sabay na isinara nila Mariare at ng kapatid nito ang Coffee Shop at Bake Shop nila. May kailangan silang e-overtime na mga order ng cupcakes. Kinakailanganin bukas ng umaga, bandang alas-nuwebe kaya nagsara na lang sila ng mas maaga kahit ba na ang Coffee Shop nila ay inaabot ng alas dyes o minsan pa nga kapag ganoong maraming tumatambay para magkape ay aabutin sila ng madaling-araw kung magsara. Ang kapatid niyang si Einna ang kadalasan nag-o-overtime dahil hindi naman niya mapag-iwanan ng mag-isa sa bahay si Sten lalo pa at tulog ito. Kaya nahihirapan silang talaga sapagkat wala silang ini-hire na helper sa munting shop nila. Nakadagdag na kasi iyon sa mga gastusin nila bukod pa sa hindi naman gaano kamahal ang pinipresyo nila para lang pirmanenti ang costumers nila. Marami nga ang bumibili sa mga itinitinda nila at kadalasan nga ay natutuwa pa ang mga ito dahil sa hindi masyadong mahal ang kanilang presyo. Napakasarap pa ng breads at cakes nila na kahit may mga matamis na lasa ay hindi kasawa-sawang kainin. At ito'y gawa mismo ng ina ni Sten. Hindi rin naman gaano kalayo ang shop nila dahil madadaanan mo lang din patungo sa bahay nila. Nasa bandang highway lang ito katulad ng mga katabing maliit na establishment. Hindi rin ito kalayuan sa mga istudyante ng DCC. May mga katabing building din ito na hanggang sa dalawang palapag lang at ang mga empleyadong nagtatrabaho rito ay kadalasan doon sa Cafeteria nila tumutungo. Minsan ay roon na mananatili para gawin ng isa o hanggang dalawang oras ang kanilang trabaho sa pamamagitan ng pagtipa ng kanilang mga laptop. Kaya hindi maiiwasang may mag-overtime sa pagtambay sa kanilang Coffee Shop at Bakery Shop dahil nasa bandang puyatan ang ibang trabaho ng ilan. Kaya sina Mariare na at Einna ang nag-a-adjust sa kanilang oras na maibigay nila para sa kanilang suki't costumer na nang matagal. Hinahanap-hanap na kasi ng mga nakaugaliang costumer nila ang kanilang serbisyo sa kanilang itinitinda. Upang hindi masayang at kahit pa'no ay malaki ang naitulong nito sa kanila. Napupunan ang mga pangangailangan nila lalo na't sa isang magandang eskuwelahan nila si Sten pinag-aral. Kung baga rito ra sila nakasalalay ang lahat sa kanila at umaasa. Ito na ang tanging naipundar ng ama ni Sten para sa kanilang mag-ina bago ito nagpaalam sa mundo ng mga buhay. At itong si Einaa na siyang tanging nag-iisang kapatid ni Mariare ang kasa-kasama na niya no'ng buntis siya kay Sten hanggang sa mailuwal niya si Sten ay ito lagi ang kapatid niyang nakaalalay sa kaniya kaya nama napakalaki ng utang na loob niya sa kapatid. Hindi ito matutumbasan ng ano man sa pagpanatili niya sa buhay nilang dalawa ni Sten. “Ilang araw ba aabutin si Sten doon sa pamilyang Lasner?” tanong ni Einna sa kapatid niyang si Mariare. Pagkarating nila sa kanilang tahanan ay kasalukuyang naghihilamos si Einna sa loob ng kanilang banyo. “Napakasuwerti naman ni Sten, Mariare at ang anak pa talaga ng kaibigan mo ang ginustong si Sten Marie ang magiging kalaro niya sa kanila.” Hindi naman narinig ni Mariare ang sinabing iyon ng kapatid kaya nagtaka itong napasilip sa labas ng pinto ng banyo . “Mariare?” sambit niya sa pangalan ng kapatid. Nagtaka naman siya't walang sumagot kung kaya't kibit-balikat niyang ipinagpatuloy ang paglilinis ng katawan sa loob ng banyo. LASNER MANSION (Lasner Residence) Samantala...sa dining area naman sa loob ng Mansion ay nakahain ang masarap at paboritong ulam ni Chardee sa hapag-kainan ng mahabang mesa. Pinagtatakaman naman iyong tingnan ni Sten na parang gutom na gutom. “Hija, Sten. 'Wag kang mahiya ha, kumain ka lang ngkahit anong gusto mo. Paborito ni Chardee ang mga iyan kaya tiyak kong magiging paborito mo rin ang mga ito,” mahabang litanya ng Mommy ni Chardee. “Oo nga, kumain ka ng madami oh para tumaba ka,” prangkang sabi ni Chardee kay Sten. (Realtalk lang naman siya.) “Ito oh kainin mo, chicken lollipop! Napakasarap niyan,” sabi niya sabay kuha ng fried chicken at inilagay sa plato ni Sten. “Paborito ko rin naman 'to kaya lang kapag nabusog na ako ay hihinto na ako sa pagkain ko,” pahayag ni Sten sa kanila. “Malamang, busog kana eh!” pilosopong sabat ni Chardee. “Chardee...” at pinandilatan ng mata ni Mariare ang kaniyang Unico Hijo. “I-i was joking Mom,” rason pa niya. “Ayos lang po, Tita.” Kinamay ni Sten ang piraso ng pritong manok at tipid na ngumiti sa Mommy ni Chardee. “Naku Hija, pagpasensiyahan mo na kung minsan ma-offend ka nitong si Chardee, ha. Ganiyan lang kasi ang klase niyang magsalita minsan...prangka lang din itong batang 'to,” paliwanag naman ni Pinky na medyo may pagtawa sa huli. Ngiti lamang ang isinukli ni Sten kay Pinky at binalingan na niya ng tingin si Chardee na ipinagpatuloy na ang pagkain nito. Sarap na sarap ito sa pagkain. 'Di nakapagtatakang chubby ito. Bukod sa nasa pagkain lang ang kaniyang konsentrasyon, mabilisan itong kumain na tila mabubulunan na pero hindi naman. Napatingin na lang si Sten sa ginagawa ni Chardee. Pinagmasdan niya itong mabuti saka niya binalingan ang sarili na sa ganoong sitwasyon rin. Nang tumigil sa pagkain si Chardee ay saka naman itinuloy ni Sten ang kaniyang pagkain. Nabaling naman ang atensyon ni Chardee kay Sten kung kaya naman ay panay na ang lagay ni Chardee ng kahit anong putahe sa plato niya. Nagulat pa siya sa ginawa ni Chardee at hindi maka-imik. “Tama na 'yan, baka hindi ko maubos,” pigil ni Sten kay Chardee. “Kunti lang ito, hindi ka pa mabubusog nito,” pagdahilan naman ni Chardee sa kaniya. Nakamasid naman sa kanila si Pinky na ngumingiti. Natutuwa siya sa kaniyang nakikita sa dalawang bata. Parang ito na 'ata ang simula ng bangayan nilang dalawa. Pagtatalunan na nila ang ano mang mga bagay-bagay na gagawin nila. Tuwang-tuwa naman si Pinky na pasulyap-sulyap na naman na tumitingin sa dalawa. Ngayon lang din niya nakita kung gaano kasigla ang kaniyang Unico Hijo na kahit madalas ay mahilig itong painsulto kung magsalita. Pero mababakas niyang sa kaloob-looban ng anak na maligaya ito. At gusto niya ang bagay na ito na nagsisimula na mangyari ngayon sa Pagkatapos maghapunan ay sabay na pumanhik sa itaas ang mga bata kasama si Pinky. Sinabayan niya ang mga ito dahil nalaman niyang sa mismong kuwarto ni Chardee pinatuloy si Sten. Iisipin man niyang hindi maganda tingnan bagama't mga bata pa naman ay hindi na niya hinaluan pa ng malisya. Hindi rin naman niya mahindian ang Unico Hijo niya. Saka gusto rin niya ang ginawa ng kaniyang anak para mas lalong maging malapit pa sila sa isa't isa. “Sten, talagang ayos lang ba sa'yo na dito ka sa kuwarto ni Chardee?” paniguradong tanong niya sa bata. “Ayos lang po, Tita. Kaibigan ko naman po siya. Gusto niya kasing dito ako para may makakasama siya. Baka po kasi malulungkot siya kung siya lang mag-isa,” mahabang sagot ni Sten kay Pinky. “Oh. Oo nga naman.” Napatakip si Pinky sa kaniyang bibig upang mapigilan ang pagtawa kahit na alam naman niyang sanay naman mag-isa sa kuwarto niya si Chardee. “Sige na at mag-half bath muna kayo para makapagpalit na ng damit pantulog. Kailangan malinis at presko bago humiga.” “Opo Tita,” sagot ni Sten at tinungo ang wardrobe ni Chardee kung saan ang huling bahagi ay inispasyohan para lagyan niya ng kaniyang mga damit at personal na gamit. “Oh, Chardee what are you waiting? Go and fix yourself too!” utos ng Mommy niya dahil napuna nitong hindi pa kumikilos. Tumalima naman itong sumunod agad kay Sten at naka-iilang hakbang pa lang ng nilingon niya ang Mommy niya. “Mom?” tawag ni Chardee sa kaniyang Mommy. Tiningnan lang siya ng Mommy niya at inaantay ang susunod niyang sasabihin. “Is it okay if I join Sten in the bathtub?” paalam niya. “Y-yeah but don't make it so long. Don't play in the tub, okay? Just in hurry. Hintayin ko kayong matapos.” Pagkasabi ng Mommy niya ay patakbo na siyang pumasok sa loob ng banyo. Tinawag naman ni Pinky si butler Jaymi para ma-assist ang mga bata. Hindi naman gaano katagal at natapos na ang dalawa. Umakyat na sila sa master bedroom para mahiga. Bumukas naman ang pinto at pumasok si Pinky. “Are you two done?” tanong nito sa mga bata. “So, what's up now mom? Matutulog na kami,” ani ni Chardee. “I need to talk with Sten. Magkukuwentuhan muna tayo,” sabi pa ng Mommy niya. “For what?” inis nitong sabi sa Mommy niya. “Ano po 'yon, Tita?” tanong ni Sten sa Mommy ni Chardee. Tumingin ito kay Sten at kinuha ang suklay na nasa kabilang bahagi ng higaan lamang nila nakapatong, sa may mini-cabinet. Sinuklay ni Pinky ang mahabang buhok ni Sten. Ikinatuwa naman iyon ni Sten dahil parang ang kaniyang ina lang din ang gumagawa sa kaniya. “Napakahaba naman pala ng buhok mo, hija. Alam mo noon gustong-gusto ko magkaroon ng anak na babae kaya lang itong si Chardee ang sumulpot eh,” sabi ni Pinky na may biro sa huling turan nito. “Mom,” gumuhit ang linya sa noo ng batang si Chardee pagkasambit niya sa Mommy niya. “That wasn't my fault,” giit pa niya. Ngumiti lang si Pinky at ipinagpatuloy ang kaniyang gustong sabihin. “Chardee is the only heirs in our family. I want him to socialize with others para naman makakatagpo siya ng magiging kaka-ibigan niya at puwede niya maging...become half of his life and I'm glad that I've met your mother that she has a daughter like you. I know Chardee wants you 'coz he chooses you. I do hope you are both comfortable with each other. Okay?” mahabang salaysay pa ni Pinky na seryoso ang naging tono ng mga pananalita nito. Takang-taka naman ang dalawang batang nakatingin sa kaniya. Mukhang nahihirapan itong intindihin ang kaniyang sinasabi . “Oh well...that was for tonight . You two go ahead and sleep,” turan niya sa mga bata at ini-off na ang switch ng ilaw sa loob ng kuwarto. Agad na umalis at isinara ang pinto. Bigla naman gumalaw ang kama. Bumaba roon si Chardee at ini-on ang switch ng ilaw. “Bakit?” tanong sa kanya ni Sten. Sumunod na rin ito sa pagbangon. “Ano ba naman 'yan si Mommy, ayoko pang matulog! Tara laro tayo,” pag-anyaya niya kay Sten. “Ano naman?” takang tanong niya rito. “Bahay-bahayan. A kind of old thing that mostly play of pero puwede na rin. Hali ka! Tulungan mo 'ko. Kuha tayo ng mga gagamitin natin,” sabi niya kay Sten. At dali-dali namang bumaba ng kama si Sten at nanguha sila ng kumot, unan, lampshades at malapad na telang pantakip para gawing kisami't bobong. Kinuha na rin nila ang mga laruan para dalhin sa loob ng kanilang bahay-bahayan, flashlight at pagkatapos ini- off ulit ang switch ng ilaw sa loob ng kuwarto. Naglaro nga silang dalawa hanggang sa sila'y nakaramdam ng pagod kaya't tuluyan na namahinga at n Kinaumagahan habang nasa hapag-kainan. “Jaymi, gising na ba ang mga bata?” tanong ni Pinky. “Hindi pa, Tita. Tulog na tulog pa po sila,” sagot naman ni butler Jaymi. “Why? Pinasok mo na ba sila sa loob ng kuwarto? Mag-alas otso na ng umaga. Parang ngayon lang 'ata tinanghali ng gising si Chardee,” takang nasabi na lang ni Pinky. At tumikhim si butler Jaymi na para bang may gusto itong sabihin na hindi niya magawa. Napansin ito ni Pinky at tiningnan siya nito na parang nagtatanong ang mukha sa kaniya. “Eh. K-kasi po, Tita-“ hindi na nito naituloy ang sasabihin. “Bakit, Jaymi?” tanong ulit ni Pinky sa kaniya dahil pinagtakhan siya nito. “Ah. Eh, puntahan mo na lang po sila sa kuwarto.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo para hindi siya tingnan ni Pinky. Nagtataka man ay hindi na nagawang magtanong pa ni Pinky bagama't ipinagpatuloy na nito ang pagkain. “Tumawag ba si Uncle Romy mo?” pagkuwan ay natanong nito sa kan'ya. “Hindi pa po, Tita. Baka po sa susunod na araw mag-long distance call po siya dahil ngayon po ang ikalawang araw ng pag-alis niya. Pahirapan kasi ang signal doon sa mobile phone niya,” paliwanag naman niya rito. “Gano'n ba,” “Samahan mo 'ko sa itaas pagkatapos ko rito. Pupuntahan natin ang mga bata.” Sabi niya kay butler Jaymi at iniyuko naman ni butler Jaymi ang kan'yang ulo bilang sagot kay Pinky.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD