KABANATA 26
Natapos ang Program Ceremony ng pagtatapos nila Sten na hindi lubos ang kaniyang kaligayahan. Ang sayang ipinakita niya sa kabuuan ng seremonya ay peke lamang. Nakikipagsabayan lamang siya sa mga tao sa kaniyang paligid. Masaya naman siya na nakapagtapos siya at nakuha ang karangalang Valedictorian ngunit iba ang tunay niyang nararamdaman ngayon. Bakit gano’n? Espesyal ang araw na ‘to sa kaniya. Bakit wala ang kaniyang kababata? Sinusorpresa naman siya nito sa pagpunta sa kanilang school na walang pasabi at ikinagugulat niya ‘yon. Pero sa napakahalagang araw pa naman niyang ito ay hindi man lang dumating hanggang sa natapos ang naturang programa ng kanilang pagtatapos. Nananadya bang lalaking iyon? Nakakaloko ‘ata ang lalaking iyon! Ang laging umiikot na mga tanong sa kaniyang isipan. Napaghalata naman iyon ng kaniyang Mama dahil kapag siya na lang mag-isa ay naging tahimik siyang bigla. Ikinibit-balikat na lamang iyon ng kaniyang ina. Ayaw rin nito masira sa araw na ito ang kanilang okasyon.
Matapos makapagpaalam ni Sten sa kaniyang mga kaklase ay sumakay na lamang sila ng taxi pauwi. Sa mismong bahay na sila dumiretso ng uwi. Habang lulan sila ng sinasakyang taxi ay napansin ni Mariare na tahimik lang si Sten. Nakatuon lang paningin nito sa labas ng bintana ng sinasakyan nilang taxi.
“Sten, anak.” Hinawakan ni Mariare sa braso ang anak na si Sten.
“May inihanda kaming kaunting surpresa sa ‘yo.”
Lumingon si Sten sa ina. Nginitian niya ang kaniyang Mama.
“Mama, nag-abala pa po kayo. Baka mapagastos na naman kayo niyan,” puna ni Sten sa ina.
“Nakalimutan mo na ba ang mahalagang okasyon ngayon? Dapat lang tayo maghanda ng salu-salo. Isang achievement ito anak para sa ‘yo kaya hayaan mo na si Mama, ha,” Tumango si Sten sa ina kasabay ng magaan niyang ngiti sa labi.
Para tuloy kumikinang ang kaniyang buong mukha sa tuwing minsanan lamang sumilay ang ngiting nakakahumaling sa kaniyang naturang kagandahan. Minsan lang kasi siyang ngumiti kaya nakakaakit ang ngiting minsan lang niyang bitawan.
Ilang minuto lang naman at nakarating na sila sa kanilang tahanan. Nakasuot pa ng kumpletong uniporme si Sten habang ang puting toga na kaniyang isinuot kanina ay bitbit na iyon ng kaniyan Mama. Pati ang mga medalyang nakuha niya at crusades na iba’t iba ang disenyo, may pa-candy o chocolate man na nakakulentas sa kaniyang leeg ay inalis na rin niya sa pagkakasuot.
Nang tuluyan na silang makapasok sa bakuran ng kanilang tahanan ay may napuna si Sten kaya ang tamlay na nadarama niya ay nabuhayan.
“Mama, ba’t ang tahimik po ‘ata?” kuryosidad na tanong ni Sten sa ina.
“Si Einna talaga...malamang nasa tindahan pa ‘yon,” sagot ni Mariare sa anak.
“Akala ko po ba ay may inihanda kayong surpresa pero bakit wala ‘ata?”
Mahihimigan mo sa boses ni Sten ang dissapointment. Ngunit nang pihitin na niya ang door knob para buksan ang pintuan sa kanilang bahay ay bigla siya sinalubong ng mga putok. Laking gulat ni Sten na nakangangang nabitin sa ere ang sasabihin. Pinaulanan siya ng mga kintab na palamuti na ipinaulan sa kaniya. May balloons din na nagsiliparan, may nakalagay naman sa upuan at maging sa pader sa loob ng bahay nila. Nakita niya rin ang kaniyang litratong ipinadikit sa bintanang pader na may nakasulat na pagbati para sa kaniya kasabay ng kaniyang pangalan. Hindi siya makakilos sa nasaksihan. Namimilog pa ang kaniyang mga mata. May kung ano siyang naramdaman na hindi niya maipaliwanag.
“Congratulations, Sten Marie Amsedel!” sabay-sabay na hiyaw ni Einna at ng tatlong kasamang tagapagbantay na katulong sa kanilang tindahan.
“Congratulations, anak.”
Niyakap ni Mariare mula sa likuran ang anak at hinalikan ng damping halik ang ulo nito.
“Hoy, Sten? Ayos ka lang ba?” biglang tanong ni Einna sa pamangkin nang hindi agad nakakilos si Sten sa kinatatayuan nto ngayon.
Nasa stages of shocked pa si Sten.
“Sten, anak?” sambit ulit ni Mariare sa anak.
Nanatili namang tahimik ang tatlong kasama pa nila.
“Naku! Alam ko ‘to eh, naiiyak ito,” panghuhulang sabi ni Einna na hindi mawari kung nagbibiro ba.
“Talagang nasorpresa po talaga ako,” garalgal ang boses na tugon ni Sten ngunit hindi man lang pumatak ang kaniyang luha. Pero ang itsura niya ay para itong naiiyak.
Agad naman si Sten nilapitan ng kaniyang Mama at ng kaniyang Tita Einna.
“Ang buong akala ko po kasi ay hindi totoong may sorpresa,” sabi ni Sten sa malumanay na boses.
“Sten...” Hinila siya ni Einna sa kaniyang mga kamay upang mayapos siya nito. Saka hinimas-himas ang bagsak at mahaba niyang buhok.
Napangiti naman si Mariare at ang tatlo pa nilang kasama matapos silang magsitinginan sa emosyonal na reaksyon ni Sten. Sumunod naman na lumapit ang si Mariare at nakiyakap na rin sa mag-tita.
“Tama na ang daramahan. Simulan na natin ang selebrasyon nating ‘to saka para makakain na rin dahil gutom na kami.”
Tapik ni Mariare sa balikat nina Sten at Einna. Humiwalay naman sa pagkayakap ang dalawa.
“Oo nga. Simulan na natin dahil dapit-hapon na baka gabihin pa kami ng uwi,” ani ni Mia. Ang nakakatanda sa dalawang helper na kasa-kasama nila sa pagpapatakbo ng kanilang negosyog unti-unti nang lumalago.
“Iyan nga ang tama,” segunda naman ni Tina. Sinuportahan pa talaga ang mungkahing iyon ni Ate Mia nila.
“Sige, Sten at nang makuhanan ka na namin ng litrato. Sayang naman iyang kolorete’t damit mo kung palalagpasin mo ito ngayon.”
Ipinakita nito kay Sten ang Digital Camera na handang-handa na para makuhanan sila ng litrato.
“Si Fin nga pala. Bakit hindi ninyo kasama?” tanong ni Mariare nang napuna nitong hindi nakita si Fin na kasabayan ng tatlo.
Si Fin Arollo ang hindi katandaang driver sa isang delivery mini-cab nila na sasakyan. Nasa edad tatlumpo lamang ito. Medyo bata pa ito’t binata. Hindi pa nakapag-asawa.
“Umuwi po siya agad sa kanila eh,babalik din posiya agad Tita Maria para tumao sa Cafeteria at Bakery Shop,” tugon ni Mia kay Mariare.
“Kung gano’n ay wala na siyang balak pa na pumunta rito ngayon para makahabol sa ating salu-salo?” tanong ulit dito ni Mariare.
“Hindi po namin alam Ate Maria, wala naman po siyang sinabi eh,” anas naman ni Maribel. Ang palaging nakikipagtalunan kay Fin sa driver nila sa tuwing nag-d-deliver sila ng orders.
“Kako, baka inaway mo naman ‘yon! Magkagalit kayo no’n eh,” ang na-i-wika ni Tina.
“Sayang naman itong inihanda natin. Balak ko pa naman sanang balutan kayo pagkatapos. Siya ang lang pala itong hindi makapagbalot.”
Habang in-arrange ni Mariare ang mesa na paghahandaan nila ng mga putahe.
“Huwag mo na ‘yon alalahanin si Fin. Ipagpabukas mo na lang ang sa kaniya...iyon ay kung may matitira pa,” pahayag naman ni Einna.
Napatingin tuloy silang lahat kay Einna pagkasabi niyang iyon. Hindi mo mabatid kung seryoso ba siya o nagbibiro lamang.
“Einna...” saway naman agad ni Mariare sa kapatid sa madiin at mahinahong sambit nito sa pangalan. Subalit inismiran lamang ito ni Einna.
Nagtawanan naman silang lahat maliban kay Sten nga natawa nga ngunit bigla ring nawala ang kaniyang tawa.
Hindi niya makuha ang totoo niyang pakiramdam sa mga sandaling ito. Para siyang lalagnatin ngunit hindi naman. Para pa tuloy siyang may sakit.
Masaya na nilang itinuloy ang kanilang maliit na salu-salo. Kaniya-kaniya na silang palitan sa pagkuha ng litrato. Litratong nakasuot si Sten ng kaniyang unipore sa pagtatapos habang pinaimbabawan iyon ng kaniyang puting toga. May kuha naman ng litrato si Sten kasama ng kaniyang ina at Tita Einna. Kasunod niyon ay ang kasamahan na nila.
Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pagdiriwang nang dumating si Finn, ang kanilang driver sa kanilang tindahan. Napalingon silang lahat ng walangpag-alinlangan itong tuloy-tuloy na pumasok sa tahanan ng Amsedel.
“Ate Maria, may naghahanap po kay Sten Marie,” agad na bungad na sabi nito.
“Akala ba namin ay hindi ka na pupunta rito?” turan ni Maribel kay Finn. Ito agad ang nagtuon ng atensyon kay Finn.
“ ‘Yan na naman kayo, magsisimula na naman kayo,” ani pa ni Einna sa dalawa.
“Balit po, Kuya Finn? Ano po ‘yon?” taas-leeg na tanaw ni Sten mula sa kanilang salas si Finn.
“May naghahanap sa ‘yo sa labas.” At humakbang ito patungo sa mesa upang umamba sa nakahain sa mesa.
“Sino ba iyon, ha, Finn? tanong naman ni Mariare. Nagtataka na rin ito kung sino ang naghahanap.
“Hindi ko po alam eh, ngayon ko lang po kasi ito nakita,” sagot naman nito.
“Ikaw. Naku ikaw...umayos ka nga sa pagsasalita riyan,” inis na sabi ni Maribel.
“Puwede ba, gutom na ako at wala akong balak na patulan ka.”
“Aba’t sumasagot pa ‘to,” mura ni Maribel kay Finn na hindi na naituloy dahil mabilis na siyang hinawakan nina Mia at Tina.
“Ano ba naman kayo, mag-aaway na naman ba kayo?” patanong na sabi ni Tina na naiinis na sa dalawa na wala namang punto ang kanilang pag-uusap.
Tumayo naman si Sten at walang pakialam na lumisan sa mga kasamang nasa kusina pa’t kumakain.
Nasundan na lang nila ng tingin si Sten at maging si Mariare ay sinundan na rin ang anak sa paglabas.
Nang makalabas na si Sten sa may bakod nilang gate ay nabungaran niya agad ang nakangising mukha ni Chardee. Namumula pa ang mga pisngi nito na tinatamaan ng sinag ng papalubog na sikat ng araw sa kaniyang mismong direksyon. Napakunot-noo siya sa kababata at biglang rumihistro ang inis sa mukha ni Sten. Napansin naman ito ni Chardee at agad naman niyang pinisil ang isang pisngi ni Sten sabay sabing...
“Happy Graduation,” pambungad na sabi ni Chardee kay Sten.
Nakasuot pa si Chardee ng kanilang uniporme. Halatang galing pa ito sa kanilang eskuwelahan ngunit nakapagtatakang wala ang sinasakyan nitong kotse at si Kuya Jaymi ay hindi nito kasama. Tanging ang motor bike lamang nito ang kaniyang dala. Pero may kasama ito na nakaupo sa pinark niyang motor bike.
“Bakit ngayon ka lang?” Bakit hindi mo kasama si Kuya Jaymi ? Si Tita, bakit wala sila?” sunod-sunod na tanong ni Sten kay Chardee.
“W-wait, I’m here. Don’t you see?” agad na sagot ni Chardee sa sunod-sunod na tanong sa kaniya ni Sten.
“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Sten sa iritang boses na agad naman nabaling ang tingin ni ni Chardee rito.
“Galing na akong school, hindi pa ako nagpapasundo kay Kuya Jaymi, maybe later. May dadaanan pa ‘ko. And by the way,” paliwanag ni Chardee kay Sten sabay lingon sa kaniyang kasamang estudyante rin ‘ata dahil nakasuot ito ng uniporme katulad ng kay Chardee. Marahil ay kaklase niya ito.
“Renier, this is Sten my cousins. And Sten, si Renier classmate ko,” pagpapakilala ni Chardee sa kanilang dalawa.
Pero bago iyon ay namilog ang mga mata ni Sten dahil narinig niya ang sinabing iyon ni Chardee na mag-pinsan na naman sila. Kinaiinisan niya talagang marinig ang bagay na iyan.
“Hi!” bati kay Sten ni Renier sabay kaway nito sa kaniya. Napatingin naman si Sten sa kaklase ni Chardee kaya ngumiti na lamang siya rito.
“Hindi na rin pala ako magtatagal and I’ll be leaving,” sabi pa ni Chardee kay Sten na siyang nagpakuha sa atensyon ni Sten.
“Chardee! Hali ka, pasok. Ikaw pala iyan, bata ka.” Ilang hakbang na lang at papalapit na si Mariare sa kinaroonan nila.
“Pasok ka at ng makakain. Si Mommy mo, nandiyan ba?” sabi ni Mariare at nagtanong pa sa kaniyang huling salita.
“Ah eh, hindi na po Tita. Aalis na po ako eh, sumaglit lang ako kasi sinilip ko kung nandito ba si Sten,” sagot naman ni Chardee sa ina ni Sten.
“Bakit naman? Graduation ni Sten ngayon at may munting salu-salo kaming inihanda.”
Buntong-hininga ni Mariare matapos sabihin iyon kay Chardee. Nagtaka ito sa binatilyo.
“No, thanks, Tita. May dadaanan pa po kasi kami eh, ng kasama ko.”
Napatingin naman si Mariare sa gawing likuran ni Chardee at nakita niya ang kasama nitong kagaya rin niya na nakasuot ng uniporme.
“And pupunta iyon mamaya si Mommy at si Kuya Jaymi,” anas niya pa.
“Gano’n ba...s-sige. Mag-iingat ka.” Habilin pa ni Mariare kay Chardee sabay tapik sa balikat nito.
“Thanks, Tita. Babalik naman po ako mamaya. May importante lang akong pupuntahan,” paliwanag ni Chardee sa ina ni Sten sabay halik sa pisngi nito.
“Balik ka mamaya. Ingat. Sten?” sabi na lang ni Mariare at tumalikod na sa kanila.
“Yes po Tita,” pahabol na sagot ni Chardee kay Mariare.
Pagkabaling niya ng tingin kay Sten ay blanko pa rin ang mukha nito.
“Sten, alis na ako. Sige, pasok ka na sa loob.”
Kinurot naman nito ulit ang pisngi ni Sten at pagkatapos ay tumalikod na siya.
“Sige,” wala sa sariling sagot na lamang ni Sten sa kababata.
Nang akma na aalis si Chardee at ang kaklase niya ay narinig pa ni Sten ang kanilang usapan.
“Siya ba ‘yong sinabi mong nagtapos ng high school?” tanong ng kaklase ni Chardee na si Renier.
“Oo. Pero hindi pa siya high school. Oy, nasa grade level pa ‘yan at next year pa mag-h-high school ‘yan.” sagot naman ni Chardee kay Renier.
“Ah, akala ko high school na. Tangkad eh, at ang ganda pa ng cousins mo. Dalaga na?” tanong ulit ni Renier kay Chardee.
Tumawa lang ng bahagya si Chardee pagkatapos ay siniko niya ang kaklase sabay sabing...
“Hindi ‘yan puwedeng ligawan. Umayos ka nga,” turan ni Chardee sa kaklase na parang naiinis.
Saka pareho na nilang isinuot ang helmet sa ulo saka ini-start na ang engine ng motor bike.
“Ano ba, pasok na sa loob!” sigaw pa ni Chardee kay Sten kaya’t nagulat man ay naisara ni Sten pabalibag ang bakal na gate na nagpalikha ng malakas na tunog.
“Tss...para talagang bata,” habol pa sa sariling sabi ni Chardee saka pinaandar na ang motor bike at mabilis na umalis papalayo.