Pangalawang kirot o sakit? At ang pag-alala ni Chardee

1938 Words
KABANATA 12 “Heto na po ang inyong order, Sir.” Pagkatapos maibigay ni Einna ang Choco Mocha na order ng kanilang costumer ay ini-abot niya rin ang sukli nito. “Thank you,” sabi ng costumer. “Maraming salamat din po,” ang tugon ni Einna sa costumer na sinabayan niya ng ngiti. “Hoy Mariare!” tawag niya sa kapatid nang balingan niya ito ng tingin sa mesang katapat lang ng kaniyang kinatatayuan. Nilapitan niya ito nang hindi narinig ni Mariare ang tawag niya. Napuna niya na mukhang nasa malalim na pag-iisip si Mariare. Ano kaya ang nangyari rito? Parang kanina pa hindi nagsasalita ito. Tanong ni Einna sa kaniyang isip. “Mariare, hoy ano ba? Kanina ka pa hindi gumagalaw riyan,” may patapik-tapik pa sa balikat na sabi niya rito. Parang bigla naman ito natauhan at tumingin sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” tanong na naman ni Einna kay Mariare. “Ah-ha? Oo naman, ayos lang ako. Bakit ba? May sinasabi ka ba?” tanong ni Mariare kay Einna para maitago ang kaniyang pagkabigla dahil hindi niya napansin na bigla pala ito lumitaw sa kaniyang harapan. “Ayan ka na naman. Gulat epek? Akala siguro nito hindi ko napansin. Kanina pa kita tinatawag hindi mo lang ako nadinig. Ano ba nangyari sa ‘yo at para kang may malalim na iniisip. Kung may problema ka man ay sabihin mo na agad dahil baka hindi pa natin ‘yan masolusyonan,” banta na sabi ni Einna sa kapatid. “Tumahimik ka nga riyan. Wala akong problema. Inaalala ko lang si Sten dahil iiwanan na siya ng kaibigan niya. Alam kong malaking epekto ito sa kan’ya lalo pa at close na sila ng batang ‘yon.” “Ang ibig mo bang sabihin ay aalis sila? Bakit naman daw?” takang tanong ni Einna sa sinabi ni Mariare. “Hindi pa kami nagkausap ni Pinky eh pero malinaw na malinaw sa ‘kin na may malaking dahilan kung bakit sila aalis.” Napatitig naman nang maigi si Einna sa kapatid. “Kung sa bagay...napakapagtataka nga naman iyan at biglaan pa. T-teka lang. natanong mo na ba kay Sten kung alam niya kung bakit daw biglaan ang alis ng kaibigan niyang si Chardee?” “Hindi nga eh, basta ang sinabi ko lang sa kan’ya na may mabuting rason kung bakit sila aalis. Magka-komunikasyon naman sila kahit na malayo pa sila sa isa‘t isa. Iyon lang ang sinabi ko. Baka kasi seryosohin pa ng bata ang kaniyang lungkot. Bata pa naman si Sten at may mga bagay na hindi pa dapat maramdaman sa kaniyang edad,” seryosong sabi niya sa kapatid na si Einna. Sumeryoso rin ang awra ng kan’yang mukha. “Pero alam mo, botong-boto ako riyan kay Chardee para kay Sten natin kaya lang ay lilisanin lang siya. Kawawa naman ang Sten natin dahil mukhang pinaasa lang siya sa lagay na ‘yan.” Agad naman binatukan ni Mariare ang kapatid pagkarinig niya sa sinabi nito. “Aray naku naman!” Nanlilisik ang matang tiningnan niya ang kapatid. “Problema nito.” “Ikaw kung ano na ang iniisip mo. Ang b-bata pa nila para sa gan’yan. Ang issue rito ay ngayon lang nagkaroon ng kaibigan ang anak ko tapos iiwanan pa siya. Ngayon ko lang nakita na naging masaya siya. Isa pa napakabuting bata si Chardee, ang pamilya nila,” paliwanag niya pa. “Pero totoo naman ang sinasabi ko, napakabuti naman talaga ng batang ‘yon at nasa kan’ya na lahat. Malay mo paglaki niyon ay napakaguwapong bata iyon,” suhestiyon pa ni Einna. “Hindi na posible iyang iniisip mo. Lilisan na nga sila kung ano pa ini-imagine mo. Kung magkatotoo man iyang sinasabi mo ay napakasuwerti ni Sten kaya lang ay napakalayo ng agwat ng status nila. Hindi natin ‘lam kung gusto rin ba si Sten ng pamilya nila,” turan ni Mariare. “Hindi ba gustong-gusto siya ng Mommy ni Chardee? Anong problema no’n?” takang tanong na naman ni Einna kay Mariare. Napabuntong-hinga si Mariare at pagkatapos ay nagpatuloy sa pagsalita. “Hindi naman natin alam kong gusto rin ba siya ng Daddy ni Chardee dahil malimit ko lang iyon nakatagpo dahil parating wala sa kanila at lagi lang nasa kaniyang trabaho ito. Pero puwede ba huwag muna natin isipin ang mga ganiyan. Mas may iba pa tayong dapat pagtuonan ng pansin kaysa rito,” pinal niyang sabi kay Einna. “Sabi ko nga.” Umismid pa siya ng palihim at muli nang bumalik sa kaniyang puwesto. Nasa eskuwelahan sina Sten Marie at Chardee na kasalukuyang nag-r-recess time. “Punta ka sa bahay ngayong sabado,” paanyaya ni Chardee kay Sten Marie. Napa-angat naman ng tingin si Sten kay Chardee. “Ipapaalam kita kay Tita na ro’n ka muna ulit matulog sa mansion.” “Ha? Sige.” nabigla man siya sa sinabi nito ngunit agad naman niyang sinang-ayunan. “Alam ko na!” tumaas ang tono ng boses ni Chardee sabay ng kaniyang pagtayo. “Kung pumunta kaya tayo sa Playground Park?” excited na sabi ni Chardee kay Sten. "Alam mong ‘di puwede ‘yan. Magagalit si Tito Romy kapag nasa labas tayo ng mansion maglaro. Hindi ka papayagan pumunta sa kung saan ‘di ba?” paalala ni Sten sa kaibigan dahil kailan man ay hindi sila lumalagpas at tanging sa mansion lang ang kanilang hangganan. Biglang lumungkot ang mukha ni Chardee at pagkatapos ay biglang lumiwanag ito nang may naisip. “Basta akong bahala. Matutulungan tayo ni Kuya Jaymi,” mungkahi pa ni Chardee na may nabuong ideya sa kaniyang utak. Napatingin naman sa kaniya si Sten na parang hindi sigurado sa kaniyang iniisip. “Anong iniisip mo?” tanong ni Sten. “Siguruhin mo lang na hindi tayo papagalitan niyan,” dagdag niya pa. “Basta akong bahala, just leave it to me,” paniguradong saad niya kay Sten. Tiningnan lang siya ni Sten ng masama. Parang hindi nito gusto ang binabalak niyang gawin. “Natatakot ako sa maari mong gawin dahil baka mapahamak tayo pagkatapos ay pagagalitan tayo.” “Hindi nga tayo pagagalitan, ako nga ang bahala ‘di ba. Ayaw mo ‘yon huling laro na natin ‘to. Ito na ang maiiwan ko sa ‘yo kapag nasa malayo na ako. Babalik man kami pero hindi ko masisiguro kung kailan iyon,” seryusong turan ni Chardee kay Sten. Muli siyang umupo na parang nayayamot. “Patawad. Ayoko lang pagalitan ka nang dahil sa ‘kin at pati sina Mommy’t Daddy mo magagalit din sa akin,” at para na itong maiiyak. Napaka-kamatis talaga ni Sten, bukod sa mahiyain ay madali lamang ito umiyak sa mga bagay na alam niyang nakakasakit ng kan’yang loob. “A-aray,” mahinang wika ni Sten at kinapa ang kan’yang bandang dibdib para haplusin ito. Nakita naman ito ni Chardee at agad siya dinaluhan. "Bakit? Anong nangyari sa ‘yo?” alalang tanong ni Chardee na parang may pangamba. “Bigla na naman sumakit ang dibdib ko,” sagot ni Sten kay Chardee na nagtataka rin sa kan’yang nararamdaman. “Pero bigla rin naman nawawala.” “Ano kaya ‘yan? Pangalawang beses mo na nararamdaman ‘yan. Hindi ka naman napagod ah, wala ka naman siguro ginawang kahit na ano para sumakit ‘yan ulit?” sabi niya kay Sten na parang nagtatanong nang hindi sigurado. “Hindi ko rin alam. Normal lang siguro ito. Bigla rin naman nawawala. Kumikirot lang siyang bigla tapos ang sakit-sakit,” paliwanag ni Sten kay Chardee habang patuloy na hinihimas ang kaniyang dibdib. “Alam mo, I’m scared of what you’re saying, so let’s tell your mom-” “ ‘Wag!” biglang pigil niya sa kaibigan. “Huwag mo sasabihin kay Mama, mangako ka sa ‘kin,” habol ang hiningang sabi niya. Para siyang nasa karera na biglang napagod ng husto kaya’t todo ang kaniyang paghangos. Bigla siya nakaramdam ng takot at kaba kaya gano’n na lang ang kaniyang naramdaman. “Bakit naman hindi? Baka kasi kung ano na ‘yan. Pa’no natin malalaman kung hindi natin sasabihin.” “Mangako ka na wala kang pagsasabihan!” galit na niyang sabi kay Chardee. “Ayoko lang na mag-alala pa sila sa ‘kin. Sasabihin ko rin naman kapag nagpatuloy pa ‘tong nararamdaman kong ‘to.” “I-ikaw ang bahala. I’m just worried about you lang naman eh, pero promise ko na wala akong sasabihin. Sekreto na lang natin ‘to.” At itinaas pa ang kaniyang kamay na nanunumpa bilang patunay. Kumalma naman si Sten sa mga sinabi na iyon ni Chardee sa kaniya. Kaya nang matapos ang recess time nila ay inanyaya na siya ni Chardee na bumalik na sa kanilang kaniya-kaniyang classroom. Tiningnan na muna ni Chardee si Sten sa labas ng pintuan ng classroom nila bago ito umalis para dumiretso sa kaniya ring classroom. Na hindi pala alam ni Sten na nakamasid pa sa kan’ya si Chardee hanggang sa maupo na siya sa kaniyang sariling upuan. “Hoy, Sten?” tapik ng kaklase niya sa kan’yang balikat. Sila Bless pala at Naomi na matamang nakatingin sa kan’ya. Nilingon naman niya ang mga ito na nasa kaniyang likuran. “Grabe ang close niyo ni sungit ah, sabay pa kayong kumain,” sabi ni Bless sa kaniya. “Nililibre kasi siya parati,” sabat naman ni Naomi. “Ay hindi nga pala ‘yon manglilibre dahil sa chubby niyang ‘yon baka matakaw pa iyon kumain,” dugtong pa ni Naomi sa kaniyang sinabi saka tumawa na sinabayan naman ni Bless. Tumalikod na lamang siya at hindi pinansin ang dalawa. Bully talaga sa kaniya ang kaklase niyang ‘to pero gano’n pa man ay hindi na lamang niya ito pinagtutuunan pa ng pansin upang hindi na mangungulit ang mga ito nang kung ano-anong ipinagsasabi sa kan’ya. Mga matatalino rin naman ang mga ito pero sa inaasal nila ay wala silang edukasyon. Tinuturuan siya ng Mama niya ukol sa mga nakakabuti pero sila kaya? May mga magulang kaya ang mga ito? Anang isip niya na tila pinagtakhan pa niyang lalo. LASNER MANSION (Lasner Residence) Bubaba na si Romy Chorein sa kotse matapos na makapasok ang sinasakyan nito sa loob ng malawak na bahagi ng kanilang mansion. Agad naman siyang sinalubong ni Chardee pagkabukas ni butler Jaymi sa malaking pintuan ng mansion. “Daddie!” tawag ni Chardee sa masiglang boses. “Magandang gabi po, Tito Rom,” bati naman ni butler Jaymi. Tumango naman si Romy kay Jaymi. “Chardee, you haven’t slept yet?” Agad na tanong ni Romy sa kaniyang Unico Hijo. “Not yet dad, it’s still early,” sagot naman ni Chardee sa kaniyang Daddy. Kinuha naman ni butler Jaymi ang dalang briefcase ng Daddy ni Chardee. Ibinigay naman iyon ni Romy sabay hubad sa makapal na business suit na suot nito na sinapawan sa kaniyang puting long sleeve. “Dumiretso na po kayo sa dining area at do’n na po naghihintay si Tita,” turan naman ni butler Jaymi. Tumango lang sa pangalawang beses si Romy Chorein pagkatapos binalingan ang Unico Hijo. “Anong oras na ba at hindi ka pa natutulog?” tanong ni Romy sa anak. Napatawa ng mahina si Chardee. “Dad, you’re wearing your watch and then you ask me what time is it?” Sabi niya sa kaniyang Daddy. “Oh! I’m sorry. Let’s go now and eat. Gutom na gutom na ako,” ang naging sagot na lamang ni Romy. “It’s seven pa dad," sabay hawak sa kamay ng kaniyang Daddy. "Okay,” dugtong pa ni Chardee.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD