Kabanata 33

1348 Words
"Pwe!" Tinulak niya ang binata at marahas na pinahid ang nabasang bibig. Agad na luminga siya sa paligid at nakitang may iilang estudyante ang nakatingin sa kanila. Dalawang binabae ito. Papano ba namang hindi mapapatingin dito ang mga tao. Nakasuot lamang ito ng puting t-shirt at tattered pants ngunit halos hindi siya makahinga. Nagsusumigaw ang karisma nito at ang amoy na nanggagaling sa katawan ng binata ay nagbibigay ng sensuwal na pakiramdam. Hawak nito sa isang kamay ang sunglasses at nakasilay sa labi ang malaking ngisi. Ano ba ang binabalak ng binatang ito? Nauna ng pumasok si Paul sa venue at sinabihan siyang sumunod. Napayuko siya at mariing napapikit. Magkakaroon na naman ba siya ng isang iisipin ngayon? Nang makabalik sa Kwadro Kanto ay nakita niya ang binatang prenteng nakaupo sa isang silya habang masayang nakikipagkwentuhan sa magandang babae. Ni hindi siya nito tinapunan ng tingin kahit dumaan siya sa harap ng mga ito. Bipolar talaga! Sa isip niya. Malayo ang agwat nila ni Paul. Alam niya iyon. Sa estado pa lang ng buhay ay malaki na ang kaibahan nila. At hindi siya si Cinderella. Nasa totoong buhay siya. Lumapit siya sa may tabi ng bintana at pinanood ang mga estudyante sa iba't-ibang booths. Nasa ikalawang palapag siya at kitang-kita niya ang ibang may dala pang anak at asawa. May mga magkakaibigan na masayang nagtatawanan at kadalasan ay mga magkasintahan. Naiinggit siya sa mga ito. Parang sa lahat ng tao sa buong mundo ay siya lang ang malungkot. Matagal na niyang alam na may marahas na mundo na naghihintay sa kanya, ngunit hindi niya lubos na inakala na ganito ka sakit ang problemang kakaharapin niya. Kung tutuusin ay naging mabuti naman siyang anak at kaibigan ngunit bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya? Tumingin siya sa relo at nakitang alas onse na. Masyadong mabilis ang oras. Pumikit siya at saglit na hiniling sa sana sa pagdaan ng bawat segundo ay unti-unting dalhin ang sakit na nararamdaman niya at tuluyan itong maglaho sa paglipas ng panahon. Papano niya pakikisamahan ang binata habang dala-dala ang masakit na katotohanan? Ano kaya ang magiging reaksyon nito sa oras na malaman ang ginawa ng kapatid? Gaya ba niya ay magagalit din ito o gaya rin niya ay magiging indenial din ito? Matalino siya, ngunit pagdating sa ganitong sitwasyon ay nasasaid ang utak niya. Sa loob ng dalawang oras ay ito lang ang iniisip niya. Hindi na niya namalayan na kasalukuyan ng nagbibigay ng mensahe ang bawat hurado. "Elena." Untag sa kanya ni Grace. May dala itong malaking supot ng popcorn at kasalukuyang nginunguya iyon. Ginutom tuloy siya ng wala sa oras. Hindi siya nakapaghapunan at biscuit lang naging agahan niya dahil nawalan siya ng gana. "Hmm?" Itinuro nito ang gitna ng venue at nakitang nakalahad na ang mic sa direksyon niya. "Ikaw na ang magsasalita. Ano bang nangyayari sa'yo, day?" Hindi niya ito sinagot at madaling nagpunta sa gitna. Kinuha niya ang mic sa binata at naramdaman niyang mahina nitong pinisil ang kamay niya. Alam niyang nakatingin ito sa kanya ngunit hindi siya tumingin dito pabalik, dahilan kaya napaungol ito. Mabuti nalang at nairaos niya ang sandaling iyon kahit lutang ang isip niya. Bukas pa malalaman ang resulta ng kompetisyon kaya unti-unti ng nagsilabasan sa venue ang mga estudyante. Ang mga hurado naman ay tinitingnan pa ang mga canvas habang may pinag-uusapan. Sa kabilang dako ay nakita niya ang binata kasama ang magandang dalaga. Nagtatawanan ang mga ito at para bang close na agad ang dalawa kahit ngayon pa lang nagkakilala. Inutusan niya ang ibang members na linisin at ayusin na ang venue dahil may gagamit pa noon. Siya naman ay inayos ang ibang mga painting materials na hindi nagalaw o nagamit. Sa kabila ng mga iniisip niya ay natuwa pa rin siya sa resulta. Halos mapanganga siya sa ganda ng mga ipininta ng mga estudyante. Iba't-iba ang mensahe na makikita sa bawat painting. Meron ding iba na hindi gaanong sumunod sa instructions niya kaya napatawa nalang siya habang umiiling. Ang kukulit talaga ng mga ito. Napalingon si Elena nang marinig ang tawanan ng dalawa. Nakikita niya sa mga mata ng binata na masaya ito. Maya-maya pa ay tumaas ang kilay niya. Nakita niyang halos humilig na ang babae sa balikat ni Paul. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mahinang paghampas ng babae sa dibdib ng binata at kunyaring pinapagpag nito ang dumi sa balikat at dibdib ni Paul. Ni hindi man lang umilag ang binata. Ni hindi nito pinigilan ang babae sa ginawa. Umirap siya at ibinalik ang atensyon sa mga canvas sa harap. Bakit naman siya umaasa na iilag ang binata at iiwas sa ibang babae? ____________________ Urgh! Where the f*ck is she? Pilit niyang nilinawan ang paningin upang mabilis na mahanap ang dalaga. Bigla nalang itong nawala sa venue ng hindi niya namamalayan. Tirik pa ang araw kaya mas lalong uminit ang ulo niya. Patuloy niyang hinanap ang imahe ng dalaga sa ilang mga booth na naroroon. Bumaling ang ulo niya sa kanan at nakita ang babae na mukhang si Elena. Nakapusod rin ang buhok nito at nakasuot ng puting dress. Kasingtangkad nito ang dalaga ngunit hindi niya masyadong naaninag ang mukha nito dahil unti-unting tumalikod ang babae. Akma na sana siyang lalapit sa lokasyon nito ngunit may humila sa kanyang tatlong babae. Dinala siya ng mga ito sa isang booth at nang mabasa niya kung ano ito ay lumiit ang mga mata niya. Wedding Booth ang karatulang nakasulat doon. What the f*ck? Nasa kabilang dulo siya ng aisle at ang mga estudyante ay nagsitabi at magsasaboy ng bulaklak. Sa dulo ay naghihintay ang bride na malapad ang ngiti at katabi nito ang kunyaring pari. Muntik na niyang sirain ang buong tent sa init ng ulo niya. "Tantantanan, tantantanan." Ngunit hindi siya humakbang. Sa inis niya ay sinipa niya ang isang lamesa at kaagad itong nabiyak. Nagsitakbuhan naman ang ibang estudyante na nasa malapit habang ang iba ay mukhang kinikilig sa ginawa niya. Humawi ang mga ito sa pagdaan niya. Awtomatiko iyon. Nang makalapit sa lugar kung saan niya nakita ang dalaga ay wala na ito. "Yes, pogi. Waffle ba ang hanap niyo? May pizza rin po kami at-" Itinuro niya ang mga lamesa. "Asan yung babae na nakatayo rito kanina? She's wearing a white knee length floral dress at nakapusod ang buhok. Maputi siya ngunit maputla. Matangkad at may nunal sa leeg." Mariin na tanong niya rito. Agad na nag-isip ang ginang. "Ah! Mukhang nakita ko siyang pumasok sa haunted house. Oo tama, doon nga siya pumunta." Hindi na niya ito sinagot at inabutan nalang ng dalawang libo. Malalaki ang bawat hakbang niya papuntang The Moan & Groan Mansion. Napailing na lamang siya sa pangalan nito. He’s just praying his woman isn’t moaning with some asshole who’s groaning in that freaking mansion or else he’ll turn it into a real haunted house himself. Mahaba ang pila kaya umikot siya upang dumaan sa harang ngunit pinigilan siya ng guwardiya. "Sir, kailangan niyo pong pumila muna bago makapasok." Ngunit dinaanan niya lang ito na parang walang naririnig. Narinig niya pang tinawag nito ang isang kasama upang pigilan siya ngunit walang nangahas na lumapit kaya nagpatuloy na lamang siya. Kahit ang mga multong nagdadamit white lady at bangkay na nasa kabaong ay napapalingon sa tuwing dumadaan siya. Nahagip ng kanyang mga mata ang imahe ng dalaga na nasa isang tagong lugar na may mga matataas na nitso. Hindi na siya nagdalawang-isip at inilang hakbang ang dalaga. "There you are, woman," he murmured, his voice low and dripping with dark conviction. The shadows of the haunted house curled around them, heightening the hunger in his gaze—a hunger laced with a desire that had been buried deep, festering beneath the surface, as if lying six feet under with a life of its own. The air was thick with an electric chill, the echoing creaks and ghostly whispers adding to the tension, amplifying his every word. His touch was cold, unyielding, like a ghost reclaiming what had long been lost, yet his stare held an intensity that dared her to look away.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD