"Oh, Elena. Anong ginagawa mo rito sa labas?" Hindi siya tumugon sa kaibigan. Nakatingin lang siya sa poste ng ilaw sa kanyang harap. Lumapit ito sa kanya at halos manggigil siya sa pabango nito. "Elena, ano ba ang ginagawa mo rito? Hindi ka ba nilalamig?" Nilingon niya ito at hinalikan sa pisngi. Ngumiti ito sa ginawa niya kaya inulit niya ito. "Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?" Umiling ito at tumawa. "Tumigil ka nga, El. Para ka namang tomboy niyan eh. Hindi tayo talo, okay? Isa pa, alam mo namang si Mike lang ang mahal ko. At ang mga halik niya lang ang magugustuhan ko." Tumawa ito at naupo sa kanyang tabi. Itinaas nito ang kamay. Agad niyang napansin ang singsing na suot nito. "Promise ring lang ito. After college na raw ang wedding ring." Maganda ang bato ng singsing at halatan

