Kabanata 25

1437 Words
"Asan po siya?" Magalang na tanong ng batang si Paul. Natutuwa siya sa mga bata sa playground. Nagtatakbuhan ang mga ito habang ang ibang mga bata naman ay nasa seesaw at slide. Bata pa lang ay gusto na niyang magkaroon ng kapatid. Mabagal silang naglalakad ni Sister Seraphina sa hallway ng The Angel's Home. Isa itong orphanage sa San Lorenzo Ruiz. "Nandoon yata sa lilim ng punong mangga. Madalas siya doon." Tumango siya bilang tugon dito. Nasasabik na siyang makita ang bata. Ang stepmom niya ay nasa opisina ni Sister Clementine at inaayos ang mga dokumento. Natutuwa siya dahil sa wakas ay pumayag na ang mga magulang niya na mag-ampon sila. "Excuse me po Sister Sera, pinapatawag daw po kayo sa opisina." Tanong ng bata habang tumatakbo patungo sa kanila. Napatingin ang madre sa kanya at ngumiti. "Pasensya ka na Paul ha. Kailangan daw ako sa loob. Kung maaari sana, ikaw na muna ang pumunta sa kanya."Tumango siya saka ngumiti. "Kung wala siya sa lilim ng mga puno, baka nasa library siya at tumitingin sa mga libro. Pwede mo ring subukan na hanapin siya sa likod ng simbahan." Nagpaalam ito sa kanya at tumalikod na. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang makarating sa lilim ng mga punong mangga. Nilibot niya ito ngunit wala ni isang bata roon. Napalingon siya sa simbahan. Mas malapit ito kaysa sa library kaya doon siya sunod na pumunta. "Hello, may bata ba dito?" Nakangiti niyang tanong. Nasa likod na siya ng simbahan at sobrang tahimik sa parteng iyon. Napakamot siya ng ulo. "Mukhang wala rin dito." Asan na kaya iyon? Sa isip niya. Siguro ay nasa library nga ito. Akma na siyang hahakbang paalis nang may marinig siyang maliit na tinig sa kanyang likuran. Nang lingunin niya ito ay isa itong batang payat na mahaba ang buhok. Napangiti siya. Ito na siguro 'yong batang tinutukoy ni Sister Seraphina. Hindi niya kasi alam ang mukha nito at ito ang unang beses na makikilala niya ang bata. "Hello, anong pangalan mo?" Lumapit siya rito at lumuhod. Nakaupo ang bata kaya tinayo niya ito at pinagpag ang short. Naglalaro siguro ito. Hindi tumugon ang bata sa tanong niya, bagkus ay nakatingin lang ito sa lupa. Nang sundan niya ng tingin ang tinitingnan nito ay nagulat siya. May ahas na kasing taba ng marker sa lupa. Hinila niya ang bata ngunit hindi ito gumagalaw. Nang titigan niya ng mabuti ang ahas ay napagtanto niyang patay na ito at hindi gumagalaw. Nagulat siya nang pulutin ito ng bata at ginawang kwentas. Tumatawa ito at halatang masayang-masaya sa ginagawa. Agad niyang hinablot ang ahas at tinapon ito sa labas ng bakod. Bahala na. Sa isip niya. "Bakit mo tapon toy ko?" Malungkot na tanong nito. Dinala niya ang bata sa bench at pinatong doon. Mabilis niyang dinukot ang panyo at pinunasan ang kamay at leeg ng bata. Ninerbyos siya ng wala sa oras. "Ano ba ang pangalan mo?" Tanong niya habang pinupunasan ito ngunit hindi ito tumugon. "Wala ka bang pangalan?" Umiling ito. Hindi niya maintindihan ang ibig sabihin ng iling nito. "So, may pangalan ka? Ano 'yon?" Hinawakan ng bata ang magkabilang pisngi niya. Napangiti siya. Ang cute nito. "Lelay. Lelay nalang ang pangalan mo." Tumango ang bata at ngumiti. Niyakap ito ni Paul at ipinangakong mamahalin niya ito habang buhay. "Paul." Napamulat siya nang marinig ang pamilyar na boses ni Elena. Muli ay napagmasdan niya ang karagatan na nagkukulay kahel. "Galit ka ba?" Nahihiyang tanong nito. Tumawa siya. Bakit ba lagi nitong inaalam ang nararamdaman niya? Bakit ba lagi itong concern sa kanya? "That will be the last thing I ever feel for you, woman. No matter what happens, I could never be angry with you." Ginulo niya ang buhok ng dalaga at kinurot ng marahan ang magkabilang pisngi. He's telling the truth. Hinding hindi siya magagalit sa taong walang ibang ginawa kundi tulungan siya at pagaanin ang loob niya. Kung wala lang siyang problema ngayon ay niligawan niya na ito. Ngunit kailangan niya munang matapos ang pagsubok na kinakaharap. Ngumiti ang dalaga sa kanya. Niyakap niya ito mula sa likod at sabay nilang pinagmasdan ang papalubog na araw. Ipinatong niya ang panga sa ulo ng dalaga. Naaamoy niya ang natural na samyo ng buhok nito. Naramdaman niyang pinaglalaruan ng dalaga ang mga daliri niya kaya napapikit siya at napangiti. They were almost in Cebu, and it was a good thing the woman had decided to join her. However, she had one condition—she insisted on traveling by ferry rather than by plane. Gusto niyang masinsinang makausap ang tiyuhin. Marami siyang mga katanungan dito tungkol kay Lelay. Mahigit dalawang dekada ring namalagi ang mga katanungang ito sa isip niya. At wala ni isa sa mga taong nakapaligid sa kanya ang nakakaalam nito. Sinubukan niya itong sabihin sa dating kasintahan ngunit ayaw nito sa kapatid. Ayaw din ng kapatid kay Ada. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi magkapalagayan ang dalawa. Sa tuwing dinadala niya ang kasintahan sa kanila noon ay umaalis ang kapatid niya at pumupunta sa bahay ng tiyuhin nila at hindi umuuwi hanggang hindi umaalis si Ada. Kung hindi namatay ang kapatid, ano kaya ang magiging reaksyon nito sa paghihiwalay nila ni Ada? Naramdaman niyang isinandal ng dalaga ang likod nito sa dibdib niya kaya inalalayan niya ito. Mabuti nalang at nasa Cebu ang ilang kamag-anak ng tatay nito. Nakapunta na ang dalaga sa Cebu ngunit ilang taon na rin ang nakakalipas dahil namasukan itong kasambahay sa pinsan ng tiyuhin nito habang pinapaaral ng elementarya. Plano niyang makilala at matulungan ang mga magulang nito. "Attention, passengers! We are now approaching our destination port. Please prepare to disembark by gathering your belongings and ensuring you have everything you brought on board. For your safety, please remain seated until we have fully docked and the crew gives the signal to exit the ferry. We kindly ask that you follow the instructions of our crew members during the disembarkation process. Thank you for traveling with us today. We hope you have a pleasant journey ahead, and we look forward to seeing you again soon!" Napatuwid ng tayo ang dalaga at pumunta na sa kanilang mga gamit at inayos iyon. Namumula ito. ___________________ "Sigurado ka bang dito na talaga iyon?" Gusto na niyang batuhin ng water bottle ang binata. Pitong beses na itong nagtatanong. Sinipat niya ito ng tingin. He just shrugged. Minsan ay hindi mo mapapaniwalaan na hindi totoong magkapatid ang binata at si El dahil bukod sa konting similarities sa features nila ay magkatulad din ang ugali ng dalawa. Hindi niya alam kung pano ba siya nakatagal sa mga ito. "Isa pang ulit." Banta niya rito. Pagod na pagod na siyang maglakad at magtanong sa mga tao habang ang kasama niya ay panay reklamo. Madilim na kasi at kailangan na nilang makarating. Marami ng nagbago sa lugar nila kaya hindi na niya matukoy kung saan ang bahay ng tiya Amparo niya. "Let's just stay somewhere." Napakunot ang noo niya. "San naman?" May itinuro ang binata na parang isang inn. Tumaas ang kilay niya. "Malapit na tayo kina tiyang, Paul." Ngunit hinila na siya nito. Gutom na siya at gusto na niyang magpahinga. Nagpaanod siya sa hila ng binata. Dalawang kwarto ang kinuha ng binata. Sa pagod na nararamdaman niya ay kahit sa sahig ng banyo ay makakatulog na siya. Nang malagay niya ang mga gamit sa kama ay nahiga siya at pumikit. Ang sakit ng mga paa niya. Maya-maya lang ay sumilip ang ulo ng binata sa pinto. Ni hindi man lang ito kumatok. Mabuti nalang at hindi siya nagbibihis o ano. Bumangon siya at lumapit sa pintuan. Ang totoo ay naiilang siya dito dahil sa mga pinaggagawa niya sa ferry. Ano bang pumasok sa isip niya at nag-ala girlfriend siya nito? "Ano 'yon?" "Kain tayo." Maawtoridad na wika nito. Saan? Wala siyang alam na kainan sa malapit. Lumabas sila at sinuyod ng tingin ang paligid. Mag-aalas siyete na. "Oh, pogi, ganda, kain kayo dito." Pareho silang napatingin sa nagsalitang ale. Nagbebenta ito ng barbecue. Nasa gilid ito ng inn at walang masyadong tao. Hinila niya ang binata at pinaupo ito. Siya na ang umorder para dito. Habang naghihintay ay narinig niyang umungol ang binata. Tinaasan niya ito ng kilay. "Ayaw ko ng bituka at lamang loob." Napatawa siya sa sinabi nito. Parang batang nagmamaktol na pinipilit kumain ng gulay. "Hindi naman 'yon ang inorder ko para sa'yo." Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga? Eh ano?" Tinuro niya ang styrofoam na box na may nakasulat na Balut at Penoy. "Yan." Kaswal na wika niya. Halos baliktarin naman ng binata ang lamesa dahil sa pikon kaya pinagtawanan niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD