Pinanuod niya si Elena na tumatakbo sa buhangin. Masayang masaya ito dahil dinala niya ito sa Batanes. Isang linggo silang namalagi roon at muling babalik ng Baguio pagkatapos ng kanilang kasal. "Ang ganda rito, Paul!" Paulit-ulit na wika nito na unang beses nakapunta sa dulong parte ng isla. Matagal na nitong gustong makapunta ng Batanes kaya nagdesisyon siyang ganapin dito ang kanilang pag-iisang dibdib. Tumayo siya at hinubad ang linen shirt at nagtampisaw na rin sa karagatan. Nauna silang pumunta roon dahil gusto niyang masolo ang asawa. Mukhang bukas o sa susunod na araw pa darating ang iba kaya ngayon pa lang ay susulitin na nila ang lugar. Inakala ni Elena na sa siyudad sila magpapakasal. Ilang linggo rin silang nagplano at ginawa niya ang lahat upang matapos ang plano sa EcoV

