Byernes. Alas diyes ng umaga.
Naglalakad patungong Orchidia si Elena. Masaya siya dahil naging successful ang activity nila sa Children Literature na subject. Pagkatapos ng walang humpay na gupitan ng papel at pag-eensayo ay natapos na rin sa wakas ang activity nila. Bilang leader ay stress na stress siya kaya ang pagtambay sa Orchidia ay ang kanyang gantimpala sa pinagpaguran. Bihira na kasi siyang tumambay dito dahil bukod sa malayo ay palagi pa siyang busy. Kailangan niyang magmuni-muni.
Natigil siya sa paglalakad nang makita si mang Kulas kasama si kuya Berto sa entrada ng gate ng Orchidia.
"Saan po kayo pupunta Mang Kulas?" Mabilis nitong hinabol si mang Kulas na halatang nagmamadali.
"Aalis na ako dito."
Nang marinig ni Elena ang pinag-uusapan ng dalawa ay nagtago siya sa isang malaking puno.
"Bakit po? Hindi pa naman tapos ang school year?"
Sumilip si Elena mula sa kanyang pinagtataguan at tiningnan ang dalawa. Si mang Kulas ay may dalang malaking sako bag na halatang luma na dahil may mga punit na ito. Hindi na rin nakasara ang zipper nito at hula ni Elena ay mga damit ang laman niyon.
"Basta Berto. Wag mong ipagsasabi kung saan ako pumunta. Kundi ay pareho tayong malalagot." Madiin na tugon ng matanda. Hindi na nakaimik ang kausap at hinatid nalang nito ng tingin ang matandang mabilis na naglakad palayo.
"Pambihirang buhay naman 'to oh!" Narinig pa niyang nagmura ito sabay sipa sa isang maliit na bato. Muntik pa itong madulas sa ginawa kaya napamura ito ulit at lumingon sa paligid. Umaasang walang nakakita sa nangyari. Hindi ito tumingin sa banda niya kaya hindi siya nito napansin.
"P*tang *na!" Huling mura nito bago tuluyang umalis sa lugar.
"Ahahahaha!"
Halos atakihin sa puso si Elena nang marinig ang tawa mula sa kanyang likod. Mabilis niya itong hinarap.
"Jane? Anong ginagawa mo rito?" Kanina pa ba ito sa likod niya? Bakit hindi man lang niya ito naramdaman. Mula sa pagtawa ay biglang tumalim ang tingin nito. Anak ng! Bipolar ba 'to?
"Bakit? Ikaw ba ang may ari nito?" Inikot-ikot pa nito ang hintuturo na parang tinuturo ang buong paligid. Hindi niya ito sinagot. Kung maaari ay ayaw niya itong patulan. Tinalikuran niya ito at balak na sanang umalis nang hinila nito ng malakas ang buhok niya. Nakalugay ang buhok niyang hanggang dibdib ang haba kaya naman ay damang dama niya ang sakit ng ginawa nito.
"Hindi mo pa ako sinasagot. Wag kang bastos!" Napaigik si Elena. Maya maya pa ay binitawan na siya nito. Akala niya ay tapos na ang babae sa kanya ngunit marahas siya nitong pinaharap. Mahaba ang mga kuko nito kaya nang dumiin ang mga ito sa mga braso niya ay naramdaman niyang nagsugat iyon kahit may blazer siyang suot.
"Ano bang gusto mong mangyari?!" Hindi na niya napigilang sigawan ito. Gusto niyang magmuni muni at magpahinga ngunit pilit siya nitong ginugulo. Hindi pa nawawala ang hapdi ng ulo niya ay bigla naman siyang sinampal nito nang ubod ng lakas. Pakiramdam niya'y natabingi ang ulo niya.
"Apat na taon lang mula nang naitatag ang club. Nilandi mo lang naman si Rafael kaya ka naging president 'di ba?" Si Rafael? Hanggang ngayon ba naman ay ito pa rin ang issue nito sa kanya?
"Nakabenta ka lang ng tatlong paintings, nagmamataas ka na? Bakit, Sino ka ba sa tingin mo?"Imbes na sumagot ay tiningnan lang niya ito. Iniisip niyang applicable talaga ang saying na "When emotions are high, intelligence is low."
"Kasing pathetic ng club na 14 lang ang members ang itsura mo. Hah! Labing-apat na mga hampas lupa at walang mga silbi. Mga ipinaglihi sa lamang lupa. Hahahaha!"
Kilala ang mga Elizalde sa mga lupain nito. Incorporator ang kanyang ama sa St. Claire at ang pamilya ni Jane ay isa sa mga maimpluwensyang pamilya sa buong Benguet. Ngunit kahit anong yaman talaga ng tao ay may kapintasan pa rin ito. Gotcha! Sa isip niya.
"Labing-apat na mga hampas lupa at walang silbi?" Nakangiti niyang sagot sa lahat ng pangmamaliit nito. "Nakalimutan mo na bang labing-apat tayong lahat sa club?" Umakto siyang pinapagpag ang puting blazer na suot kahit wala naman itong dumi. Nakita niyang naniningkit ang kilay ng kausap.
"Ibig sabihin ay kasama ka pala sa mga walang silbi at ipinaglihi sa lamang lupa?" Sa loob ni Elena ay napangisi siya. Alam niya kasi kung saang parte ito mahina. Natahimik ang babae. Nakatitig lang ito sa kanya. Walang mababakas na emosyon mula dito. Inaasahan niyang mag rerebutt ito ng isa pang insulto pero nagtaka siya sa katahimikan nito. Maya-maya pa ay may sinabi itong nagdulot ng kilabot at pagkalito sa kanya.
"Kung gusto mong mas mabuhay ng matagal, kilalanin mo muna ang binabangga mo dahil baka magaya ka sa kaibigan mo." Sa ipinapakitang ngisi nito ay hindi isang Jane Elizalde ang nakikita niya kundi isang nakakatakot na halimaw.
___________________
"Baby, let me sleep for a while. Please"
He knows the woman is already exhausted but he doesn't want to stop. His body doesn't want to stop. Nang makita niyang halos hindi na gumagalaw ang babae ay huminto na siya. Napailing nalang siya. Ito ang unang lumapit sa kanya habang umiinom sa isang bar. Mag-isa lamang siya doon. Nilulunod ang sakit na nararamdaman. Nang bigla itong umupo sa kandungan niya at inilagay ang magkabilang braso sa leeg niya. Hindi na siya nagulat dahil normal na iyon sa halos araw-araw na paglalasing niya sa mga bar.
The woman is grinding her hips against his thing at bumulong ito sa kanya.
"Do you like it handsome?" Dinilaan pa nito ang sensitibong parte ng tenga niya kaya imbes na sumagot ay bigla niya itong hinalikan ng mapusok. Isang malalim at mahabang ungol ang pinakawalan ng babae. Napangiti siya. Another wh*re in the city. He explored her body and slid his hand inside her thigh up to her private part. Wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Dala na rin ng espiritu ng alak ay hindi na niya alam kung pano sila nakaabot sa hotel at ginawa ang paulit-ulit na pagniniig. Alas onse siya pumunta ng bar. Alas kwatro na ngayon kaya naiintindihan niya kung bakit naubos ang lakas ng babae.
Isang linggo matapos niyang malaman ang pagkawala ng kapatid ay ang biglaang pakikipaghiwalay ng pitong taon na niyang kasintahan. Fiancee na nga niya ito. Tatlong araw ang nakararaan ay nalaman niyang kinasal na ang babaeng pinakamamahal niya. At ang mas masakit pa nito ay dalawang buwan na itong nagdadalang tao. Niloko siya nito. Tatlumpo't isang taon na siya at kailangan ng mag-asawa. Ngunit kasabay ng pagkamatay ng kaisa-isahang kapatid ay ang pagkamatay din ng puso niya. Inabala nalang niya ang panahon sa paghahanap sa pumatay sa kapatid. Nababagalan siya sa mga pulis. Pakiramdam niya'y hindi na siya makakapaghintay ng isa pang araw.
Mahal na mahal niya ang kapatid. Lahat ay gagawin niya para rito. Naging masalimoot ang buhay ng kapatid sa mga kamay ng tatay at stepmom niya. Siyam na taong gulang pa lamang siya nang maghiwalay ang mama at papa niya. Umalis ang nanay niya upang sumama sa ibang lalaki. Nang tumuntong naman siya ng disesais ay nagpasya ang tatay at tiya niya na mag ampon ng babae. Si Lelay nga ang batang iyon. Akala niya ay inampon ang kapatid niya dahil gusto ng tiya niya na magkaroon ng anak na babae. Ngunit hindi ganoon ang nangyari. Apat na taon pa lamang si Lelay noon ay ginawa na siyang katulong ng tiya niya. Halos araw-araw niyang nakikita na minamaltrato ang kapatid niya. Lumaki itong mailap sa tao. Kaya nga nung malaman nito na may matalik na kaibigan na siya sa St. Claire ay nakampante siya. Akala niya ay magtatapos ng kolehiyo ang kapatid na walang kaibigang tunay.
Bago pa may mamuong luha sa mga mata ay dinampot na niya ang pantalon at t-shirt na nagkalat sa sahig. Sinuot niya ang mga ito habang nakatingin sa nakahigang babae. Nakatagilid ito at nakaharap ang likod sa kanya. Kumuha siya ng pera at inilagay iyon sa bedside table at dali daling umalis.
Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator ay nakatanggap siya ng tawag.
"Yes?"
"Uhm, sir. Si Sgt. Arsenio po ito."
Habang nagpapaliwanag ang kausap sa kabilang linya ay hindi niya napigilang mapamura.
"BAKIT NINYO HINAYAANG MAKATAKAS?!"