10

2327 Words
Dedicated to hannnnnn_cxz, CLAVIER14, and savvyze ❤️ After the tremendous incident earlier, Javen brought Mistia in his place, specifically, in his room. Javen didn't thought that he would react that way. His body was screaming for violence when he saw Mistia being bullied. He knew that bullying was his deed before but seeing Mistia in situation like that hits different. The rage grew more when he knew that Mistia was having a fever. "Bakit mo ako dinala dito sa kwarto mo?" nanghihina ngunit may inis pa rin sa boses ni Mistia habang tinatanong 'yon. "Take a bath. Amoy isda ka." Javen answered while leaning on the wall with his arms crossed that made him boyish at look. Mistia just rolled her eyes and decided to go to the bathroom but stopped later on when she couldn't open the door. "Ba't ayaw bumukas?" si Mistia. "Tap the password. It's 62605." "Tss. Daming arte... " Mistia murmured and tapped the password. "I'll let the maids sent your clothes here." rinig niyang sabi ni Javen bago makapasok nang tuluyan na sa banyo. At kasabay rin no'n ang pagsarado ng pintuan sa kwarto ni Javen na senyales na lumabas na siya. Nang ilibot niya ang mata niya sa kabuoan ng banyo, nalula ang mata niya sa laki nito. Parang singlaki na nito ang buong bahay nila. Sa bagay, hindi na siya dapat magtaka pa dahil mansyon nga pala ang bahay na ito. Sobrang laki pero isang kwago lang ang nakatira at katulong lang ang mga kasama. Then she wonder what would Javen's life looks like over the years? What would Javen feel upon living in this mansion alone? Is it boring? Lonely? HABANG naghihintay kay Mistia, tinawagan muna ni Javen sina Yashua, Paul at Fen through video call to monitor the situation in the school. "All the students na sangkot sa nangyari kanina, file them an expulsion. Ayaw ko nang makita ang pagmumukha ng mga 'yon lalong-lalo na ang Franco na 'yon!" utos niya. Talagang galit talaga siya dahil sa ginawa nila kay Mistia. Noong gabing iyon, plinano niya talagang gumising nang maaga para maabangan si Mistia to check her personally and by himself if she's okay but unfortunately, tanghali na nang magising siya dahil madaling araw na rin siyang nakatulog noong gabing 'yon. Pagkapasok niya sa school, may naririnig siyang mga sabi-sabi tungkol kay Mistia. "Kawawa naman si Mistia..." "Anong kawawa? Nararapat lang sa kanya 'yon dahil feelingera siya..." Iyan ang narinig niya. Tinanong niya ang babae na nagsabi no'n kung anong nangyari at sinabi naman nito na sinasaktan nina Cindy si Mistia sa second floor. Pagkarinig niya no'n, agad siyang tumakbo sa building na sinabi ng babae at kumulo ang dugo niya nang makitang basang-basa si Mistia at hinila pa nito ang buhok ni Mistia. Agad naman siyang lumapit nang makitang akmang sasampalin na naman ni Franco si Mistia. "Wow naman dude, akala ko ba fake lang ang relationship niyo ni Mistia pero bakit nagpapaka- boyfriend ka?" Pang-aasar sa kanya ni Paul. "Will you just shut up?" Javen irritatingly said. Maya-maya pa bigla nalang natahimik ang mga kaibigan niya at ang mga mata ay nasa likuran niya. Nanlaki ang mata niya nang aksidenteng masagi ng camera si Mistia na nasa likod niya na nakasuot ng isang baby pink na spaghetti na damit at sobrang ikli ng short nito. Javen stilled but got back to his phase rightaway when he heard Yashua whistled. "Woah hottie cutie..." sabi ni Yashua. He immediately closed his laptop and turned to Mistia. "f**k Mistia! Go back to my room!" sigaw niya. "Tanga! Bakit naman?" nalilito nitong tanong at pinasadahan ng tingin ang suot niya. "Maayos naman, ah?" "Just do what you're told!" Wala nang nagawa si Mistia kundi bumalik sa kwarto ni Javen. Nang sila nalang dalawa ni Nina— ang katulong nila na inuutusan niyang pumili ng damit ni Mistia sa sala, kinompronta niya ito. "Damn Nina? What is she wearing?!" he frustratingly asked. Nakayuko lang ito. "Iyon lang po ang nakita kong damit na babagay sa kanya, Sir Javen... Akala ko po magugustuhan niyo iyon... Sorry po..." paumanhin nito. "Oo nagustuhan ko pero-" nagtaas ng tingin si Nina nang marinig iyon kay Javen at may pinipigilang ngiti. Hindi lang si Nina ang kinilig doon pati na rin ang mga body guards, kusinera, at iba pang mga katulong including Mr. Uy. Natauhan naman si Javen dahil sa sinabi niya. "I- I mean- she- Tsk nevermind!" sinubukan ni Javen itama ang sinabi niya pero hindi niya magawa dahil nakaramdam din siya ng hiya. Tumayo nalang siya at pumunta nalang sa kwarto niya kung saan nakita niya si Mistia na nakatingin sa picture nila ni Fen, Yashua, at Paul noong mga bata pa sila. He didn't mind it instead, he get a gray jacket and stripe pajama on his closet and gave it to Mistia. "'Yan ang isuot mo!" Sabay hagis sa pajama at jacket kay Mistia. "Bawal magsuot ang mga bata ng ganyan." tukoy niya sa naunang sinuot ni Mistia. Mistia just glared at him before proceeding to the bathroom to change. Nakaupo lang si Javen sa kama niya. Nang lumabas na si Mistia mula sa banyo suot ang pajama at jacket niya na nakasimangot, lihim siyang napangiti. "Ano? Masaya ka nang makitang mukha akong sampayan?" nakasimangot na ani ni Mistia. "Hindi naman. Actually, you look cute wearing my clothes." Hindi nakaimik si Mistia at parang nag-iinit ang mukha niya. Pakiramdam niya namumula ito sa oras na iyon. "Pumunta ka na sa baba para makakain ka at makainom ng gamot. And don't worry about your class today, I already ask all of your professors to make notes for you and if you're not contented with that, I also told Gladys to let you borrow her notes. Your absence will not affect your grades as well as your scholarship." Tiningnan ni Javen ang labi ni Mistia. "About your lips..." Napatakip si Mistia sa kanyang labi. Javen saw that then he smirked. "Gagamutin ko lang... Huwag kang OA..." After all the reminders that Javen left, he stood up and left the room. While Mistia was left astonished and aghast. What she saw lately was very far from the Javen she knew when she first met him. The Javen earlier was very caring and there was a hint of something she couldn't name. The wind of change... NAIILANG si Mistia habang kumakain dahil hindi siya sanay na may katulong na nagbabantay sa kanila. "What's wrong? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Javen nang makitang hindi masyadong mapalagay si Mistia. Ayan na naman ang pag-iinit ng mukha ni Mistia dahil sa mga sudden gestures ni Javen. Every affectionating words that he would utter, has an impact to her. Medyo na-realize naman ni Javen ang sinabi niya kaya pinalitan niya ito. "Huwag kang assuming ah. I mean... Bukod sa mukha mo, ano pa'ng masama sa 'yo?" She just rolled her eyes when she realized that Javen will always be Javen. A sarcastic and animalistic bastard as he is. "Masakit lang ang ulo ko." ani ni Mistia. "Dalian mo na diyan at nariyan na rin ang gamot mo." utos ni Javen sabay turo sa gamot na nasa ibabaw ng mesa katabi ng pinagkainan niya. Nang matapos nang kumain si Mistia, tumayo na siya at iniligpit ang mga pinagkainan nila. "What are you doing?" nagtatakang tanong ni Javen nang makita ang ginagawa ni Mistia. "Maghuhugas," simpleng sagot nito at pinagtuloy ang pagliligpit. "Nako Ma'am! Ako na po..." sabi naman ni Aling Mareng— ang katulong nina Javen at ang kanila ding kusinera. "Hindi na po. Nakakahiya naman eh... Kami ang kumain tapos kayo maghuhugas..." sabi naman ni Mistia. "Hoy kabute! Pabayaan mo na nga sila diyan total trabaho naman nila 'yan, eh." saway ni Javen. Umalpas na naman ang inis kay Mistia. Nilapag niya ang mga hugasin at dinuro niya si Javen na nasa tapat niya. "Hoy ikaw'ng isda ka, napakabatugan mo! Hindi porket mayaman ka, ay pwede mo nang iasa lahat sa mga katulong. Ni paghugas ng pinggan iaasa mo pa sa mga katulong. Hindi mo ba alam na nakakagwapo ang paghuhugas ng pinggan? Nakaka- in love 'yon gago!" Mistia lectured further. She then diverted her attention to Aling Mareng. "Kayo ba Manang? Paano kayo nakuha ng asawa niyo?" tanong niya rito. Aling Mareng was a little bit unprepared for that impromptu question from Mistia but she still managed to answer. "A-ah... Pinagsibak niya ako ng kahoy, pinag- igib ng tubig... Marami pa siyang ibang ginawa para sa akin. Kaya nga ako nahulog sa kanya dahil sobrang sipag..." "Kita mo na? Pinagsibak siya ng kahoy at pinag-igib siya ng tubig ng asawa niya tapos ikaw hindi marunong maghugas ng pinggan? Alam mo ba na isang karangalan sa aming mga babae ang makapag- asawa ng marunong maghugas ng pinggan?" dagdag pa ni Mistia. "Edi mag-asawa ka ng dishwasher!" sarkastikong saad ni Javen sabay tayo at naglakad papunta sa kwarto. "Antipatiko! Buwiset!!!" sigaw niya dito. Nang mapansing nakatingin sa kanya si Aling Mareng, binigyan niya ito ng hilaw na ngiti. Aling Mareng insisted many times in washing the dishes but Mistia always insisted so she let her be. HINDI mawari ni Javen kung bakit sineryoso niya ang sinabi sa kanya ni Mistia tungkol sa paghuhugas ng pinggan. Na isang karangalan sa mga babae na makapag-asawa ng isang lalaki na marunong maghugas. Wala naman siyang pakialam pero hindi niya malaman kung anong nangyayari sa kanya. Natagpuan niya na lamang ang sarili niya na nagse-search sa YouTube kung paano maghugas ng pinggan. Talagang ginagaya niya pa ang nasa video. Sa paraan ng paghawak ng pinggan hanggang sa paggamit ng sponge. "Hoy, anong ginagawa mo diyan?" Nagulat siya sa biglaang pagsulpot ni Mistia. Naabutan kasi siya nitong nagpa-practice ng paghuhugas sa hangin. Agad niya namang isinara ang MacBook niya dahil nakakahiya kung makita ni Mistia ang pinapanood niya. Sigurado siyang aasarin lang siya no'n. Javen didn't answer and tried his best to not panic and act naturally. "Come here. I'll treat your lips." he said instead. Patapong umupo si Mistia sa kama. "Ako na. Hindi naman ako pulpol kagaya mo." Hindi na nakapalag si Mistia nang hilahin siya ni Javen palapit sa kanya at dinampian ng bulak ang labi niya. Javen was just seriously treating Mistia's lips. He tried his best not to put some weigh in his hands because it might sting and hurt Mistia. He treated it in a soothing manner. Gentle and soft. His eyes was just pinned on her lips. Then an unexplainable feeling started to upsurge. "I'm sorry... I was too late..." Javen uttered suddenly. GABI NA nang makauwi si Mistia. Pagkapasok niya sa bahay, inaasahan niyang papagalitan siya ng mama at papa niya at talagang hinanda niya ang paliwanag niya pero hindi niya inaasahan na madadatnan niyang umiiyak ang mama niya at mabigat ang mukha ng papa niya tila ba may masamang nangyari. "Ma? Bakit kayo umiiyak?" tanong niya sa mama niya nang makalapit siya dito. "Itanong mo diyan sa papa mo!" galit na sigaw ng mama niya. Tiningnan ni Mistia ang papa niya. "Pa? May problema ba? Ano po 'yon?" His father just frustratingly messed up his hair but she didn't receive any answer. "Iyang papa mo! Lahat ng pera na kinikita natin sa palengke, sinusugal niya pala! Ang mga perang binibigay ko sa kanya pambayad ng kuryente at tubig, sa sugal lang pala napupunta. At pinuntahan ako ng landlady kanina, kapag hindi tayo makakabayad hanggang sa susunod na Linggo, papalayasin niya tayo! At ang natitirang pag-asa ko nalang ay ang palaisdaan natin sa palengke, pero dahil diyan sa putanginang gagong tatay mo, papaalisin tayo sa pwesto natin sa palengke kapag hindi tayo makakabayad hanggang Biyernes. Akala ko pa naman, binayaran niya ang renta doon sa pwesto namin!" "Sorry na... Akala ko naman kasi makakabawi ako-" "Putangina! Pa'no ka makakabawi eh may utang ka pa nga'ng singkwenta mil sa pinagkakautangan mo sa sugal! Saan ka kukuha ng ibabayad mo do'n? Magpapakulong ka? Ang problema kasi sayo, isang panalo mo palang, namihasa ka na agad! Hindi mo ba talaga napansin na malas ka putangina ka?" Hindi malaman ni Mistia kung anong gagawin at uunahin niya sa dami ng problemang kinakaharap niya. Kahit na patayin niya ang sarili niya sa pagtatrabaho, hindi niya mababayaran ang utang nila sa lalong madaling panahon. Saan siya kukuha no'n? Kahit nga saan sila magpunta, sinusundan pa rin sila ng problema. NOONG gabing 'yon habang nasa gitna siya ng panonood ng video tutorial kung paano maghugas, bigla nalang tumawag ang lolo niya sa video call. "Hey! Good evening apo..." bungad nito. "Bakit kayo tumawag?" he humourlessly asked. He didn't even greeted him back. "Ouch naman apo! Don't you miss me? Your lolo miss you!" pag-iinarte nito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong nag-iinarte ang lolo niya. Nakakangilo kasi itong pagmasdan. Sobrang brusko kasi nito at hindi bagay sa kanya ang mag-inarte dahil para siyang isang matikas na bakla. "Lo, what do you want?" "Okay fine. Tumawag ako to let you know na... Uuwi na ako bukas! Yehey! Isn't it exciting? Nakakasawa na kasi ang amoy dito sa Germany. Gusto ko naman ma-smell ang Pilipinas. And I know that you miss me too, right?" Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ng lolo niya. Like it's been almost two years since his grandfather visited here in the Philippines at ang malamang uuwi ito ay nagpagimbal sa kanyang mundo. He know that his grandfather is a complete disaster everytime when he is around him. Gustong-gusto nitong pakialaman ang buhay niya! "At marami akong ipapakilalang babae sa 'yo, Haze. I'm sure you'd like that! Ipagsho-shopping Kita ng babae to date. Alam ko namang wala ka pa ring babaeng dinidate. Kaya ako na ang pipili para sayo..."+ "Pero Lo-" "Sige na matulog ka na. Babush! See ya!" sabi ng Lolo niya at pinatay ang tawag. Javen heavily sighed and laid his back on the soft mattress while looking at the ceiling. What will he gonna do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD