Dedicated to black_crowned, Reindeerking, and 4aishiteimasu ❤️?
"Ano?! Nababaliw na ba kayo?" gulantang na sabi ni Javen nang sabihin ng magkaibigan na Paul at Yashua na si Mistia ang ipapakilala kay Don Crisostomo para magpanggap na girlfriend niya.
"We just want to help you! Look dude, wala na kaming mga babae na maiibigay pa sayo... And we think na baka si Mistia na nga ang hinahanap natin." si Paul habang umiinom ng alak.
Nandito kasi sila sa penthouse ni Yashua.
"Paano naman siya magugustuhan ni Lolo? Lahat nga ng binigay niyo na almost perfect na ay inayawan pa. How much more kung si Mistia? Height pa nga lang no'n hindi na ma-reach ang standards ni Lolo."
Hindi alam ni Javen kung bakit natawa nalang siya habang nilalait si Mistia. Alam niyang kapag narinig iyon ni Mistia, nag-aalburuto na ito sa galit.
He wondered, it's been a long time since he saw that rat.
"Just try. Nagustuhan mo nga siya diba? Lolo mo pa kaya." sabat ni Yashua.
"S-Sinong nagsabing gusto ko ang pandak na 'yon?" he denied, stammered.
"Ikaw! You told us na in love ka,"
"Sinabi ko ba 'yon? 'Di ko maalala." deny niya saka ininom ang alak niya.
Yashua and Paul sighed in defiance because they knew that they couldn't push Javen to admit. They just let him be but they already know the truth behind that lies.
"Pumayag ka na, Jave. We have no choice. Babayaran naman natin siya. At saka gusto lang namin tulungan si Mistia. Kawawa naman nagtatrabaho sa bar at-"
"Nagtatrabaho siya sa bar?! How come?" pagpuputol ni Javen sa sinabi ni Paul.
"Oo, waitress siya do'n nakita namin kagabi. Siya pa nga naghatid ng drinks namin. Kawawa nga eh nagrereklamo na masakit ang paa niya dahil sa pagsusuot ng heels at reklamo pa siya sa skirts niya dahil maiksi daw. Para na ngang walang tulog, eh dahil sa kakatrabaho." Paul reported. "Ang inaalala lang namin, baka nga mabastos pa dahil sa klase ng trabaho niya. I guess you know the environment in the club, right?"
"Nanghihingi pa ng trabaho sa amin na pwede niyang pasukan. Kaya ito ang naisip namin na ibigay sa kanya. Mas makabubuti na rin ang trabahong ito dahil mas safe pa." sabi naman ni Yashua.
There was a sudden frustration, anger and worry within him upon knowing that Mistia was currently working in the bar. There was a hundreds of negative thoughts running into his mind.
Pa'no kung mabastos siya ro'n? Pa'no kung pagtripan siya ng mga lasing? Pa'no kung magkasakit na naman siya?
He was going insane!
"Bakit niya ba pinapagod ang sarili niya?!" tanong niya sa kawalan.+
"'Di raw gusto pero nag-aalala... " pang-aasar ni Yashua.
"Baka isang concerned citizen lang, Hiroshi..." gatong pa ni Paul pero nang-aasar ang tono nito.
"Shut up you two!" galit na saway ni Javen.
Nanahimik naman ang dalawa. Pero bakas pa rin sa mga mukha nito na natatawa pa rin sila.
"Pero seriously Jave, Mistia was not bad at all. Sa katunayan nga nagagandahan ako sa kan-" Napatigil sa pagsasalita si Paul nang bigyan siya ng matalim na tingin ni Javen. "Ah- I mean, maganda naman siya. Kailangan lang ng konting ayos."
"Tama! Kung nababahala ka na baka hindi siya magustuhan ng Lolo mo, edi pagandahin natin. Let's tell her na she needs to act as a socialite person. Hindi naman siguro mahirap 'yon diba? Pero kung ayaw mo, sa bar nalang siya. Close pa naman sila ng poging bartender. Sige ka... " It's Yashua Hiroshi. A great problem solver.
"Fine! I'll talk to her..." Javen finally decided to agree.
He has no intention after all. Just work.
Because of the curiosity why Mistia was working so hard, he decided to ask Gladys to tell her the reasons. He knew that it was already beyond his scope and almost confidential but he badly wanted to know. Hindi siya makakatulog kapag hindi niya malalaman.
He found out that Mistia's family was in a big trouble. Baon na baon ito sa mga utang kaya kailangan nitong magdoble- kayod.
Hindi niya alam kung tatangkad pa ba ito dahil sa dami ng pasanin nito sa buhay.
PINAPATAY ni Mistia ang phone niya para hindi na siya matatawagan ni Javen dahil sa takot na baka utusan na naman siya nito. Hindi na kakayanin ng katawan niya dahil sa pagod niya sa pagtatrabaho kung dadagdag pa si Javen.
Para na siyang lantang gulay na naglalakad sa kalsada. Hindi na muna siya nag-jeep dahil kailangan niyang magtipid. Galing pa siya kay Aleng Delia dahil nagpapalabada ito. Hindi naman niya ito inatrasan dahil kailangang- kailangan niya ng pera. Kahit anong trabaho kahit maliit na kita basta marangal, papasukin niya.
Buti nalang at may naipon na siyang konti para pambayad kay Aling Bebang.
Maya-maya, may lumapit sa kanyang dalawang lalaki. Nakakapanghinala ang kilos nito at hindi pa mapapagkatiwalaan ang mga mukha nito.
Binilisan niya ang paglalakad at hinawakan ng mahigpit ang gusgusing bag niya dahil nandoon ang perang ipambabayad niya kay Aling Bebang at nandoon rin ang cellphone niya.
Mas naghinala pa siya nang bumilis din ang paglalakad ng mga ito.
Malakas ang kutob niya na holdaper ang mga ito kaya tumakbo na siya. Nalaman niyang tama siya nang tumakbo rin ito papunta sa kanya kaya mas binilisan niya pa ang takbo niya. Sa kasamaang palad, natalisod pa siya at kaya humandusay siya sa sementadong kalsada. Malas pa at nagalusan pa siya.
Sobrang bait pa ng tadhana dahil tinulungan pa siya ng dalawang humahabol sa kanya sa pagtayo. Hinila siya nito sa isang sulok at tinutukan ng patalim sa magkabilang gilid niya.
"Holdap 'to. Huwag ka nang pumalag kung hindi mo gustong gripohan namin itong gilid mo." mahina ngunit nananakot na sabi ng isang lalaking may bigote.
"Huwag ka ring magtangkang sumigaw kundi patay ka sa amin..." dagdag naman ng isang kalbo na tila ba'y pinagpakuan ang mukha dahil sa dami ng tigyawat nito.
"Opo, Opo, s-sandali lang p-po..." sabi niya at hinubad ang dalawang hikaw niya sabay lagay nito sa palad ng kalbo.
Nanlaki naman ang mata nito na para bang hindi makapaniwala sa binigay ko. Nagalit ang mga mukha nitong tiningnan siya at mas lalo pang diniinan ang patalim sa gilid niya.
"Ginagago mo ba kami?!" galit na tanong ng kalbo.
"'Yan lang po kasi ang meron ako eh-"
"Paano namin mabebenta 'yan, Eh plastic na hikaw 'yan!"
"Edi problema niyo na 'yon!" sigaw ni Mistia sa mga pagmumukha nito sabay sipa sa pagkakalaki ng kalbo at hinampas ang bag niya sa mukha ng lalaking may bigote.
Habang umuinda pa sa sakit ang dalawa, she grabbed that chance to run away.
"Habulin mo!" sabi ng kalbo sa kasama niya.
Nang makita ni Mistia na hinahabol pa siya nito, hinubad niya ang dalawang tsinelas niya at binato nang magkasunod ang lalaking may bigote na humahabol sa kanya. Laking pasasalamat niya nang matamaan niya ito sa mata.
Humarurot siya sa pagtakbo kahit wala na siyang tsinelas. Wala siyang pake kung isipin man ng mga tao na baliw siya.
Sa bagay, hindi niya masisi ang mga tao dahil sa itsura niya ngayon, pati sarili niya iisipin siyang baliw. Sabog ang buhok, madumi ang damit at pantalon, may dumi pa sa mukha niya dahil sa pagkatalisod niya kanina, maduming paa, at wala pang tsinelas! Pero ang mahalaga, nakatakas siya sa mga gagong 'yon.
"Bwesit kang babae ka!"
Nagulat si Mistia nang makitang sinusundan pa rin siya ng mga ito.
Kaya mas bumilis pa ang takbo niya.
Nang makakita si Mistia ng isang kotse na nakaparking malapit sa isang department store at handa na sanang umalis, walang pasabing sumakay siya sa passenger seat.
"M-Mistia? What happened to you?"
Nagulat si Mistia nang nakitang si Fen ang nagmamaneho ng sasakyan na pinasukan niya.
"Fen?! Salamat sa diyos at nandito ka!" Gumaan ang pakiramdam niya kahit na hinihingal sa pagtakbo nang makitang si Fen nga ito.
"Bakit ganyan ang itsura mo?" nagtatakang tanong nito.
"Potanginang mga alimango na'to! Ayaw pa akong tantanan!" galit na sigaw ni Mistia nang makitang sinusundan pa rin siya ng dalawang lalaki. Binalingan niya si Fen. "Mamaya ka na magtanong! Basta umalis na tayo dito!"
Kahit naguguluhan, sinunod naman ni Fen ang sinabi ni Mistia at pinatakbo na ang sasakyan.
Mistia felt relieved and thankfully, her system already calmed down. Akala niya mamatay na siya.
"Ano ba talagang nangyari sayo?" tanong ni Fen habang nasa byahe.
Mistia sighed heavily before answering. "Malapit na akong maholdap..."
"Ayos ka lang?"
"Nakahinga na naman ako ng maluwag kaya ayos na ako. Ang importante hindi nila nakuha ang pera ko." sagot ni Mistia. "Teka, nasa'n pala si Oishi at si Paul? Sabi nila bibigyan nila ako ng trabaho."
Fen looked at Mistia abruptly and returned his attention to the road. "Sinabi nila 'yon?"
"Oo! Malaki daw pasweldo at saka madali lang daw."
All of a sudden, natawa nang mahina si Fen nang ma-realized kung anong trabaho ang ibibigay ng dalawa kay Mistia. "Tamang- tama, pupunta tayo sa penthouse ni Yashua ngayon. Nando'n sila..."
Panay ang irap ni Mistia sa mga babaeng tinitingnan siya mula ulo hanggang paa habang papunta sa penthouse ni Yashua. Nangmamaliit pa ang mga titig nito.
Naisip ni Mistia na baka naiinggit lang ang mga ito dahil may prinsipe siyang kasama. At siguro nagtataka ang mga ito kung bakit kasama ng isang babaeng pulubi at wala pang tsinelas ang gwapong si Fen.
"Tss... Mga inggiterang palaka..." bulong niya.
Pumasok si Fen sa isang kwarto at sumunod naman agad siya.
"Fen, bakit ang tagal mo- Kabute?!" Bigla nalang sumulpot si Javen mula sa kung saan at parang nakakita ito ng multo nang makita siya.
Inirapan niya lang ito. "Ako nga." sabi ni Mistia at pumasok nang tuluyan sa penthouse na para bang co- owner siya nito.
"What are you doing here?" nagtataka pa ring tanong ni Javen.
Hindi sinagot ni Mistia si Javen. Sa halip, dumiretso lang siya sa kusina kung saan nandoon sina Yashua at Javen na nagulat rin sa pagsulpot niya.
"Hoy kayong mga makakati kayo! Sabi niyo bibigyan niyo ako ng trabaho?Kailangan ko na talaga ng pera!" Mistia ranted. Umupo siya at ss bakanteng upuan sa tabi ni Paul at kumuha ng chips. Nagningning ang mata ni Mistia nang makita ng chicharong bulaklak at sisig sa mesa. "Hoy Oishi, may kanin kayo?" tanong niya kay Yashua na nakatulalang nakatingin sa kanya.
"Ah- O-Oo..." nauutal na sagot nito.
"Pahingi naman ako."
Kumuha naman kaagad ng isang platong kanin si Yashua at agad na binigay kay Mistia.
Walang pasabi na nilantakan ito ni Mistia. Gutom na gutom talaga siya dahil sa pagtakbo niya kanina.
"H-hoy! Bakit mo inulam 'yan! Pulutan namin 'yan!" sigaw ni Javen nang makapasok sa kusina.
"Walanghiya ka talaga eh ano?Kita mo nang gutom ang tao!" ani ni Mistia kay Javen habang puno pa ang bibig nito ng kanin.
Napangiwi nalang si Javen habang tinitingnan si Mistia na parang pulubi. Wala na siyang nagawa kundi pabayaan nalang ito hanggang sa matapos itong kumain.
"Fen, bakit kasama mo siya rito? Alak ang pinabili namin sayo pero bakit kabute ang dala mo?" tukoy ni Javen kay Mistia habang nakatingin kay Mistia na kumakain.
"Bigla nalang siyang pumasok sa kotse ko na ganyan ang itsura... Hinahabol daw siya ng mga holdapers kaya dinala ko na rin dito." Fen answered.
Sa 'di malamang dahilan, may pag-aalala na umusbong sa puso ni Javen. Something's different. Another thought crossed in his mind. The thought of being scared about Mistia being hurt or in a perilous situation.
Nang matapos nang kumain si Mistia, pinag-usapan na nila ang trabahong iaalok nina Yashua at Paul sa kanya.
"Ano?! Magiging girlfriend ako ng lalaking 'yan sa harap ng Lolo niya? Hindi ako papayag! Ayaw kong makarma!" gulantang ni Mistia habang nangungulangot.
Nandidiri naman siyang tiningnan ni Javen. "Kadiri..." Javen murmured in disgust.
Narinig naman iyon ni Mistia. Para inisin ito, pinitik niya ang kulangot niya papunta kay Javen. Napaiktid naman ito para makaiwas sa nagbabagang kulangot ni Mistia. "Kadiri ka talagang babae ka!"
"Arte mo! Bakla!"
Javen got triggered because of that word. Napatayo si Javen at nanghahamon kay Mistia.
"Anong sinasabi mong bakla, ha?" tila napipikon na sabi ni Javen.
Tumayo naman si Mistia at tinanggap ang panghahamon sa kanya ni Javen. Kahit na hanggang balikat lang siya ni Javen at literal na nakahatingala lang siya, hindi pa rin naging hadlang 'yon para mawala ang angas ni Mistia. They are meeting each other's gaze intensely and seemed like there's a growing fire between them.
Suddenly, Mistia's eyes pinned on Javen's lips. "Iyan! Iyang mga labi mo, parang bakla! Nagli- lipstick ka siguro, 'no?"
Napahawak naman si Javen sa labi niya at pinunasan ito na para bang totoo nga ang sinabi ni Mistia na may lipstick do'n.
Nang mapagtantong inaasar lang siya ni Mistia, tiningnan niya ito at inipit ang magkabilang pisngi.
"Kissable lips ang tawag dyan! Kissable lips!" sigaw pa ni Javen sa mukha ni Mistia.
"Patikimin mo nga ng kissable lips mo, Jave..." Yashua added up.
Javen smirked because of what Yashua just uttered. Dahil diyan, dahan-dahan nilalapit ni Javen ang mukha niya kay Mistia para asarin ito.
Nanlaki naman ang mata ni Mistia. That's why she smashed her forehead to Javen's to let go and it seems like it's effective. Iyon nga lang, nasaktan rin siya.
"Baliw ka talaga eh, 'no?!" galit na sigaw ni Javen habang hawak ang noo nito.
"Ikaw ang baliw! Manyak!" Mistia fought back while holding her forehead too.
"Halika nga rito at bubusalan ko 'yang bibig mo!" Tatayo na sana si Javen pero tumakbo na si Mistia at nagtago sa likod ni Paul.
Napabuntong-hininga nalang sina Paul at Yashua habang tinitingnan ang dalawa na nagtatalo. Parang nakalimutan na nga nila ang salitang 'kapayapaan' kapag nasa paligid sina Yashua na parang pusa at daga.
"Guys, set aside your anger for the meantime... You need each other's help," Paul trying to ease both Mistia and Javen.
"Iyong magpanggap na girlfriend sa school, ayos pa sa akin, pero iyong magpanggap na girlfriend sa harap ng Lolo ng potanginang 'to, hindi ko na matatanggap! Nakakakonsensiya 'yon!" tukoy ni Mistia kay Javen.
"Kung ayaw niya, edi huwag! Hindi naman siya kagandahan, pandak pa. She's not a big lost." parinig ni Javen kay Mistia.
"Mistia, pumayag ka na.
Di ba may malaking utang ang papa mo? Kapag hindi niyo iyon mababayaran sa lalong madaling panahon, makukulong ang papa mo. Gusto mo ba 'yon?"+
Napaisip naman si Mistia sa sinabi ni Paul. Hindi niya mababayaran ang singkwenta mil kahit na magtrabaho pa siya nang magtrabaho. At may iba pa silang utang na babayaran sa lalong madaling panahon.
"Kapag tinanggap mo ang trabahong ito, pwede kang mag cash advance. One hundred thousand ang monthly pay mo." dagdag pa ni Paul.
Napanganga si Mistia dahil sa laki ng sahod na ibibigay nila. Parang katumbas na nga ito sa isang taong sweldo niya sa bar.
"Legit ba 'yan?" she assured.
"Oo naman! So deal or no deal?"
She sighed and exhaled heavily before answering, "Okay, deal. Pero for the meantime lang naman 'to diba?"
Handa na sanang sumagot si Paul ng "oo" but he make-way for Javen's phrase.
"It depends... It could be a life time if we want to... "