"Whoa!" Agad na lumingon ako kay Ric. "I thought we're going out of the city!" Iyon talaga ang akala ko. Batangas or maybe sa Norte. Kaya gulat na gulat ako nang sa Alabang lang kami pumunta. Akala ko nga ay didiretso na kami sa SLEX pero hindi naman kami pumunta roon. Nandito kami ngayon sa isang condominium tower dito sa Alabang at hindi ko alam kung ano ang gagawin namin dito. Wala akong ideya kung ilang palapag itong gusaling kinalalagyan namin. Hindi ko nga matingala dahil sa sobrang taas. Kasalukuyan kaming nasa elevator at mula rito ay kitang-kita ang kalakhan ng siyudad! Salamin ang dingding ng elevator at kaunti na lang ay mukhang nasa pinakagilid ng gusali ang lift dahil malinaw kong natatanaw ang iba pang mga gusali na malapit dito! "Kung wala lang sanang pasok bukas, gust

