"That was Engineer Ocampo, right?" Katatapos lang naming mag-wrap ng meeting. Hindi na rin naman natagalan dahil wala na namang pag-uusapan kaya tinapos na. Nilingon ko si Road. Paakyat na kami sa mga floor namin at naghihintay na lang ng elevator. Itinuro ko ang elevator for VIPs. "Puwede ka namang doon sa elevator mo." He chuckled. Ni hindi pinansin ang sinabi ko at sinundot ang pisngi ko. "It was him, right? You look flushed." Umirap ako at pumasok na sa lift nang magbukas iyon. Kailangan n'ya ba talagang sabihin iyon? Baka akala nitong si Road ay kung ano ang pinag-usapan namin ni Ric! "That was my dream, you know." Hindi ko s'ya tiningnan. Nanatiling nakakunot ang noo ko pero alam kong nakatingin s'ya sa akin. Malinaw kong nakikita ang repleksyon namin sa nakasarang pinto ng

