Chapter 9

1362 Words
Ngayon lang yata ako nakaramdam ng kaba, at kay Letticia pa talaga. Hindi ako mapakali at kahit na kapapasok ko pa lang dito sa restaurant n'ya ay hindi na ako talaga matahimik. Malaki ang restaurant ni Letti. Mas lumawak pa nga ito kaysa noon. Mas gumanda na rin at halatang dumaan sa malaking pagbabago. Iginala ko ang mga mata sa paligid. Madaming tao at halos papuno na ang mga upuan. Lahat yata ng mga lamesa ay may umuokupa na. Halatang mabenta ang restaurant ng kaibigan ko. Nakaka-proud! Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan ang abalang paligid. Maging ang mga staff ng restaurant ay abala na rin dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga kustomer. "Hello po! May kailangan po ba kayo?" Nagulat pa ako nang isang waitress ang lumapit sa akin. "Baka po kasi gusto n'yong umupo muna." Matamis ang ngiting ibinigay ko sa kanya. "Oh, I'm not here to eat. Nandito ako para makausap si Letti, I mean, ang amo n'yo." Sandali akong tiningnan ng waitress. Nasa mga mata n'ya ang pagdadalawang-isip. Siguro ay dahil sa ngayon n'ya lang naman ako nakita. "I'm Gabriella Castro, isa ako sa best friend n'ya," pagpapakilala ko sa sarili. Kaagad na natuto ng waitress ang kanyang bibig. Ibig sabihin ay kayo po pala iyon? Naku! Pasensya na po at hindi ko talaga kayo nakikilala." Itinuro n'ya ang ikalawang palapag. "Nasa kanang bahagi po ang opisina ni Miss Letticia. Maaari na po kayong pumasok doon." Nakangiting tumango ako at tinapik s'ya sa braso. "Maraming salamat." Yumukod lang ang waitress. Dahan-dahan ang mga hakbang na tinungo ko ang hagdan na magdadala sa akin sa ikalawang palapag. Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis na tinungo ang opisina ni Letticia. Kumatok ako roon at nang marinig ang boses n'ya ay saka ko binuksan ang pinto. Nasa mukha n'ya ang pagkagulat nang makita ako, hindi n'ya inaasahan ang pagbisita ko. "Hi." Kiming ngumiti ako sa kaibigan. Ramdam na ramdam ko talaga ang hindi nakikitang pader na nakapagitan sa aming dalawa. At gusto ko iyong wasakin. Binitawan n'ya ang hawak na ball pen at tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit s'ya sa akin at inilahad ang sofa. "Maupo ka," tanging sabi n'ya. Hindi ako kumilos. Hinintay ko muna s'yang makaupo. Pinili n'ya ang mahabang sofa kaya mabilis akong lumapit sa kanya at doon naupo. Shocked na tumingin sa akin si Letti. Nagtatanong ang mga mata n'ya. I bit my lower lip. Nakakaramdam ako ng pagkailang pero ayokong pati ang pagkakaibigan namin ni Letti ay maapektuhan ng naging desisyon ko noon. Huminga ako nang malalim bago walang sabi-sabing niyakap ang kaibigan. Naramdaman ko ang pagkabigla ni Letticia pero hindi naman n'ya ako itinulak palayo. "I miss you, Letti..." bulong ko sa kanya. "I'm sorry." Hindi nagsalita si Letti. Nanatili s'yang tahimik sa paglipas ng mga segundo. Maya-maya pa ay umangat ang kamay n'ya at nagpunas ng luha. "I'm really sorry..." Mas humigpit pa ang pagkakayakap ko sa kaibigan. Natatawang tinapik ni Letti ang mga braso kong nakayakap sa kanya. "Nasasakal na ako, Gab." Niluwagan ko ang pagkakayakap sa kanya pero hindi ko iyon tinanggal. Sinundot ko ang pisngi n'ya. "Sorry." Maya-maya pa ay ngumalngal na si Letticia. Kaagad n'ya akong niyakap at ako naman ang halos hindi makahinga sa higpit ng pagkakayakap n'ya sa akin. "B-Bakit ngayon ka lang?" puno ng pagtatampong tanong n'ya habang nakasubsob sa balikat ko. Hinaplos ko ang likod n'ya. "I'm sorry. Ni hindi ko man lang naisip na kailangan mo ng kaibigan. I'm sorry dahil wala kami noong mga panahong kailangan mo kami." Humiwalay sa akin si Letti at nagpunas ng mga luha. "O-Okay na 'yon, tapos na naman 'yon." Muli n'ya akong niyakap. "Na-miss ko talaga kayo. Sobra." Pinigilan kong maiyak. Masayang-masaya ako dahil naramdaman kong nawasak na ang pader na nakapagitan sa amin. Nagbago man ang halos lahat, isang bagay ang nanatiling hindi pa rin nagbabago. Iyon ay ang bond namin sa isa't-isa na hindi magagawang sirain ng layo at tampuhan. Ang kailangan lang ay ang mag-reach out ang isa para muling bumalik ang relasyon naming magkakaibigan. "Hayaan mo, babawi ako." Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan. "Sa lunes pa naman ang simula ng trabaho ko rito kaya lahat ng free time ko ay ibibigay ko sa 'yo. Kung gusto mong isumpa o murahin si Mackisig, sabihin mo lang at makikinig ako. Kahit abutin pa tayo ng umaga!" Napahagalpak ng tawa si Letti. Pakiramdam ko nga ay bumalik s'ya sa dating s'ya dahil kaagad n'ya akong itinulak. "Ano bang sinasabi mo?" Natatawang tumingin s'ya sa akin bago malungkot na ngumiti. "Matagal nang tapos ang relasyon namin ni Macky. Okay na kami bilang magkaibigan." Awtomatik na tumaas ang kaliwa kong kilay. Ang emosyong nakikita ko ngayon sa mga mata n'ya ay katulad na katulad ng nakita ko kanina kay Macky. Regrets, longing... and love. Ano ba ang nangyari sa dalawang ito? Bakit parang pinili lang nilang maghiwalay kahit na mahal pa nila ang isa't-isa? Muli kong hinawakan ang mga kamay n'ya at pinisil iyon. "You're not okay, Letti. Alam ko iyon, nararamdaman ko. Hindi mo kailangang magpanggap sa harapan ko, puwede mong sabihin sa akin ang lahat-lahat. Lahat ng iniisip at nararamdaman mo, tell me everything." Pagkasabi ko niyon ay tuluyan nang napahagulhol si Letticia. Sumubsob s'ya sa mga palad at punong-puno ng sakit ang boses na umiyak. Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko sa nakikitang kalagayan ng kaibigan. Hinila ko s'ya at niyakap nang mahigpit habang hinahaplos ang likod. "Go on, Letti..." I caressed her hair. "Ilabas mo lang ang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Iiyak mo ang lahat. Nandito lang ako." "G-Gab..." Luhaang tumingala s'ya sa akin. "M-Mahal na mahal ko si M-Macky! Mahal ko pa ang lalaking iyon!" luhaang bulalas n'ya. Tumango ako at pinunasan ang basa n'yang mukha. "I know... Alam ko, cry all you want, Letti. Kailangan mo nang ilabas 'yan." Sinunod n'ya ang sinabi ko. Humigpit ang pagkakayakap n'ya sa mga braso ko at mas lumakas ang iyak n'ya. Sa bawat pagtangis n'ya ay parang sinasaksak ang puso ko. Ito ang unang beses na nakita kong nag-breakdown si Letticia at hindi ko magawang tanggapin na nasasaktan ang kaibigan. Ayokong paniwalaan na ganito kamiserable ang pinagdadaanan n'ya. May ilang minuto ring umiiyak si Letti. Humina na nang humina ang boses n'ya hanggang maging hikbi na lang iyon. Nanatiling humahaplos ang kamay ko sa kulot n'yang buhok. Pagkaraan pa ng ilang sandali ay natahimik na si Letti. Hindi na rin s'ya lumuluha pero alam kong hindi pa rin nagbabago ang bigat ng kanyang nararamdaman. Sigurado akong sari-sari na ang iniisip n'ya sa mga sandaling ito. "Gusto mo bang uminom ng tubig?" tanong ko sa kanya at itinuro ang refrigerator na nasa pantry ng kanyang opisina. Tumango s'ya at humiwalay sa akin. Sumandal s'ya sa sofa at pumikit. Muli akong napahinga nang malalim nang makita ang itsura ni Letticia. Nakapikit ang mga mata n'ya pero halata sa maamo n'yang mukha na hindi maganda ang kanyang pinagdadaanan. Tumayo na ako at tinungo ang refrigerator. Kumuha ako ng dalawang bottled water mula roon. Bumalik ako sa sofa at iniabot ang isang bote ng malamig na tubig sa kaibigan. Nakabukas na rin iyon. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ko at inayos ang buhok n'ya. Malungkot na ngumiti s'ya. "Masarap pala sa pakiramdam na may iniiyakan." Tumawa ako. "Hindi ko alam kung kailan but you'll be okay." Uminom muna s'ya bago tumingin sa akin. "How about you, Gan? Okay ka na ba? Wala na ba si Ric diyan sa puso mo?" I smiled faintly. "Let's not talk about him. Pumunta ako rito para bumawi sa 'yo." "Hindi ka dapat nagpunta rito, pinaiyak mo lang ako." Natatawang tumayo ako. "Alam mo, mas mabuti pang mag-bar na lang tayo. Mas maganda kung may iniinom tayo habang nagkukuwentuhan." Umiiling na hinawakan ni Letticia ang cellphone n'ya at binasa ang mensaheng nasa screen. "Saang bar naman tayo pupun— Hindi na n'ya naituloy ang sasabihin. Napatingin s'ya sa akin kasabay nang pagbagsak ng cellphone n'ya sa sahig. "Hey! May problema ba?" Mabilis na umupo ulit ako. Letti looked at me with teary eyes. "R-Reymond messaged me. W-Wala na raw ang grandparents nila ni Sabina, Gab..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD