"Ibig sabihin... hanggang ngayon ay hindi pa kayo nakakapag-usap? Nang maayos?" I smiled then nodded. Muli kong tinanggal ang paningin kay Ric at sinuyod ang paligid sa ibaba. Nasa burol kami. Ilang beses na rin kaming nagpabalik-balik dito at pareho kaming hindi nagsasawa. Ang ganda naman kasi ng lugar kaya hindi na ako nagtataka na ito ang naging paboritong lugar ng mga magulang ko rito sa Nueva Vizcaya. "We talked... pero hindi lahat..." I simply sighed. "Dinadahan-dahan lang namin ang lahat lalo na at mag-iisang buwan pa lang kaming nagkakasama. Bumabawi naman s'ya, halos araw-araw n'ya yatang ginagawa pero... ayaw ko ring bigyan pa s'ya ng sama ng loob lalo na at nagpapagaling pa rin s'ya..." Iyon ang totoo. Nasa dalawang linggo na mula nang mamanhikan ang pamilya ni Ric sa pamily

