I spent five more minutes inside the cubicle. Hindi ako nag-alala na baka may gagamit noon dahil pailan-ilan lang naman ang naririnig kong pumapasok para mag-restroom. Mas madalas ngang wala namang pumapasok. Nang lumabas ako ay nakita ko roon ang tatlong babae sa harap ng malaking salamin, si Yelena ang isa sa mga iyon. They're all doing their makeup. Sinulyapan ako ng isa pero agad ding umalis kasunod ang isa pa. Hindi na ako nagulat nang kahit mukhang tapos na si Yelena sa pag-aayos ng kanyang makeup ay hindi pa rin s'ya lumalabas. I know this. Masyado nang predictable ang mga ikikilos n'ya kaya kayang-kaya ko nang hulaan ang sunod na gagawin n'ya. Para s'yang soap opera sa telebisyon na paulit-ulit na lang ang plot. At ngayon, alam kong kokomprontahin n'ya ako. Naubusan na nga lan

