XENIA POV Hindi ako makagalaw, ramdam kong may nakapulupot sa bewang ko ngunit hindi ko maimulat ang aking mga mata. Naka dantay din ang mabibigat na hita sa mga hita ko at may tumutusok sa aking balakang. Ang init din na lumulukob sa akin. “Hmmm,” dinig kong sabi ng katabi ko, napamulagat ako ng akin mga mata. Mas lalo pa niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko. Na nagbibigay ng kakaibang kiliti at init na dumadaloy sa bawat himaymay ko. Gusto kong siyang itulak ngunit hindi ako makagalaw. Para akong tuod, nanigas din ang aking katawan. Ilang sandali pa ang pinalipas ko ng hindi na kumilos ang katabi ko. “Sir Adam!” unti-unti kong kinalas ang nakapulupot niyang kamay sa akin. Ngunit kumilos ito at umakyat sa dibdib ko at pinisil iyon. Napatakip ko ang aking kamay para hindi ako maka

