XENIA’S POV: Ang bigat ng mga hakbang ko ng lampasan namin si Adam. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Naroon ang galit sa puso ko, ngunit kaakibat noon, ang aking pagkalito. Napakunot ang aking noo ng matanawan ko ang mga kaibigan sa ‘di kalayuan. What the hell is happening? Kaninong party ‘to? Nanlaki ang mga mata nila ng magtama ang mga mata namin. Sinugod ako ng yakap ni Cassandra. “Bolera, you have much explaining to do,” bulong niya sa akin. Mahigpit niya akong niyakap. Sinuklian ko yun ng kasing init ng yakap niya. Gosh I missed them very much. Tumango ako. Kumalas ako sa kanya at hinarap ang iba pa naming kaibigan. “Bolera, where have you been? I love the lenses, by the way,” it was Lara smiling beautifully. Napataas ako ng kilay. Niyakap ko rin siya. “It was perma

