XENIA’S POV: Hindi ko na maitatanggi na lumalalim na ang aking nararamdaman para kay Sir Adam. Alam kong mali pero bakit para akong alitaptap na naeengganyo sa liwanag ng ilaw kahit alam ko naman na mapapaso ako. Bakit pagkasutil ng puso ko. Hindi ko maturuan na h’wag tumibok sa lalaking hindi dapat at bawal. “Nay, bakit po ako nasasaktan ng ganito,” parang hinihiwa ang pusong kong tanong sa aking ina-inahan. Lumapit siya sa akin. Niyapos niya ako ng buong higpit. Hinagod ang aking likod para siguro kumalma ang nararamdaman ko. “Anak, may mga pagsubok na ibinibigay ang itaas para subukin ang katatagan mo,” malumanay niyang saad. Alam kong nahihirapan din si Nay Rosa sa akin. Sa dami ng mga katanungan sa isip at puso ko, litong-lito na ako sa kung ano ang aking uunahin. “Unfair naman

