Kakatapos lang nilang kumain nj Gunter kaya si Mardy ang nagpresentang maghugas ng pinagkainan. Malakas parin ang ulan at may kasama nang pagkulog at kidlat. Habang naghuhugas siya ay hindi niya mapigilang mapa-igtad nang bigla nalang kumulog ng sobrang lakas. Takot kasi talaga siya sa kulog na may kasamang kidlat dahil feeling niya babagsakan siya ng malalaking bato. Su Gunter naman ay nakaupo sa living room kaya hindi siya nito napapansin. Kanina ay nanonood ito ng balita sa TV at baka nga pumasok na iyon sa kwarto. Nagpatuloy siya sa paghuhugas at minadali ang ginagawa. Mahina pa siyang napatili ng kumulog ulit kaya nabitawan niya ang sponge na hawak at napatakip sa tenga. "Is there a problem?" Ang nag aalalang mukha ni Gunter ang bumulaga kay Mardy. May pagtataka din sa mata ng l

