Nakairap na ibinalik ni Mardy ang cellphone sa bulsa ng kanyang bag. Kunti nalang talaga ay iisipin na ni Mardy na may gusto sa kanya ang Gunter na yon. Kahit pa kapag nagkikita sila ay kulang nalang ay sabunutan siya ng lalaki sa sobrang inis dahil sa kabaliwan niya. Hindi niya kasi maintindihan ang lalaki sa trip nito. At isa pang katanungan sa kanyang isip ay kung bakit alam nito ang mga kilos niya. May mata yata ito na nasa malapit sa kanya na hindi niya nalalaman. At kung bakit nito iyon ginagawa ay hindi pa niya alam.
Aalamin palang. Aba't hindi naman pwedeng basta nalang siya nitong pakikialaman! Hindi na normal iyon dahil hindi naman sila kaano-ano.
"May problema ba Lianna?" tanong ni Gino ng makabalik siya sa tabi nito.
"W-wala.. ano, tungkol sa trabaho lang.." sagot niya sa lalaki.
Ilang saglit ay tahimik silang dalawa ni Gino. Hanggang sa may marinig siyang sumigaw sa labas ng bahay.
"Yong bola!!!!"
Huli na nang marealize ni Mardy kung saan patungo ang bola. Sumapok na iyon sa ulo ni Gino kaya napanganga nalang siya at napahawak sa bibig.
"s**t!" malutong na mura ng lalaki.
Samantalang si Mardy ay halos hindi nakapag salita dahil sa gulat. Luminga din siya sa likod para tingnan kung sino ag salarin. Si kuya na palaging naka cap ang nakita niyang nakatayo sa labas na may kasamang dalawang tambay sa lugar nila. Mukhang ang tatlong ito ang naglalaro ng bola na tumama sa ulo ni Gino.
Nakita niyang nag peace sign sa kanya si kuyang naka cap. Pero ang mukha nito ay parang hindi naman mukhang nagsisisi. Sinamaan ito ni Mardy ng tingin bago ibinalik ang tingin kay Gino.
"Naku Gino.." nakangiwing turan niya. Hindi alam kung saan hahawakan ang lalaki na sapo-sapo ang ulo dahil tumamang bola. Medyo malakas din kasi ang pagkakatama kaya alam niyang masakit talaga 'yon.
"Sino ba 'yang mga gago na nambato ng bola?" medyo may galit nitong tanong.
"Mga bata kanina na naglalaro. pasensya ka na talaga Gino. Isa din 'to sa mga dahilan kaya nag-aalangan akong nagpupunta ka dito." sa halip ay sagot niya. Anak pa naman ng mayor si Gino kaya ayaw niyang baka magkagulo sa lugar nila. Baka din kasi hindi lang sinasadya. Hindi nga ba Mardy?
Umiling siya nakagat ang labi.
"Teka lang kukuha ako ng cold compress. " walang namutawing salita mula sa lalaki kaya tumayo na si Mardy at kumuha ng bimpo sa kusina niya.
"Masakit pa ba? " sambit niya habang dinadampian ang likod ng ulo nito. Ito na din ang kusang humawak niyon kaya bumitaw na siya.
"Salamat sa pag aalala mo Lianna pero kahit ilang bola pa ang tumama sa akin ay babalik parin ako dito. You're here and I want to make you feel how special you are to me." anito sa kanya. Tila bigla tuloy siyang nagsisi sa pagsisinungaling. Hindi niya din alam kung ano ang isasagot kay Gino.
"Gino baka kailangan mo nang umuwi." mahina niyang sambit. Tumunog kasi ulit ang cellphone niyang nasa loob ng bahay at hindi niya alam kung bakit kinabahan nalang siya bigla.
May pagtutol man sa mata ni Gino ay wala din itong nagawa. Tumango nalang ang lalaki at binigay sa kanya ang cold compress na nilagay niya sa likod ng ulo nito.
"Sige Lianna.. Dadalaw nalang ulit ako sa susunod. Sana sa pagkakataong iyon ay nakapag desisyon ka na." saad nito bago nagpaalam na lalakad na.
Nang makaalis si Gino ay nakita pa niya ulit si kuyang naka cap na tumango pa sa kanya bago pumasok sa bahay nila aling bebot. Ang galing! Kung kailan wala na siyang bisita saka naman tumigil ang mga ito kakalaro.Napaingos nalang si Mardy at pumasok na sa loob ng bahay. Matutulog nalang siya ulit dahil ngayon lang ang araw na makakapag pahinga siya. Bukas ay may pupuntahan ulit siyang trabaho.
Kinabukasan ay ready na ulit si Mardy. Sakay ng jeep ay papunta siya sa unang kliyente niya ngayong araw. Ang assistant lang ang kausap niya kanina at ang sabi ay naghihintay na raw ang babae sa bahay nito. Mula sa jeep ay kailangan niyang sumakay ng taxi dahil ang sabi ng assistant ay taxi lang ang dumadaan sa bahay ng amo nito. Medyo napamahal tuloy ang kanyang pamasahi ngunit dahil nalula siya sa sinabi nitong ibabayad sa kanya ay walang pa- tumpik-tumpik si Mardy kahit medyo may kalayuan ang bahay ng kliyente.
Pagdating sa harap ng pangmayamang subdivision ay nanlaki ang kanyang mata sa nakita. Mukhang hindi lang kasi iyon basta pangmayaman kundi lugar ata iyon ng mga milyonaryo at bilyonaryo sa Pilipinas. Nasa labas palang siya at nagdadalawang isip kung ano ang kanyang sasabihin sa gwardyang nasa guard house nito. Mukhang pahirapan pang makapasok sa loob.
"Ma'am may kailangan kayo?" anang guard nang mapansing nakatingin siya.
"Kuya, may kliyente ho ako ako sa loob. Pwede ba ga akong makapasok?"
"Sino po ang pakay niyo sa loob?" tanong ni kuya.
"Si Dolly ho.'Yong assitant na nakausap ko." hindi din kasi niya kilala talaga ang kanyang kliyente dahil ang nagpakilalang Dolly lang ang nakakausap niya.
"Saglit lang po ma'am at tatawagan ko." nakahinga siya ng maluwag ng malamang baka kilala nga nito si Dolly. Saglit na naghintay si Mardy sa guard at ilang sandali pa ay hiningian siya nito ng ID.
"Protocol lang po ma'am."
"Heto po kuya oh." sabay bigay sa kanyang id. Medyo may kalumaan na nga iyon dahil medyo mas bata siya sa larawan. Isa pa ay binigay lang iyon ng kanyang lola noong umuwi sila sa bahay at noong kagagaling niya sa hospital tatlong taon na ang lumipas.
"Pasok na ho kayo."
"Salamat kuya." bitbit ang kanyang bag na may lamang iba"t-ibang make up ay nalibang siya kakatingin sa mga malalaking bahay.
Nagtext na sa kanya si Dolly at ang sabi nito ay pang walong bahay daw ang pupuntahan niya. Sa sobrang linis at ganda ng paligid ay hindi niya namalayang nakarating na pala siya sa ika-walong bahay. May malaking gate sa labas na kulay ginto. Napakunot ang kanyang noo dahil wala siyang nakikitang doorbell sa labas. Nataranta pa siya ng bahagya dahil bigla iyong tumunog at ilang sandali pa ay bumukas iyon sa gitna! Namilog ang mata ni Mardy ng makita ang bahay sa kanyang harapan. Para iyong palasyo na may nakaukit na mga pearl at diamond sa bawat wall. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok pero nagkikislapan na ang mga iyon sa paningin niya.
Saan ka makakakita ng bahay na halos puro ginto at dyamante? May nakita pa nga siyang nakadikit sa gilid ng gate. Pati sahig ay nakakatakot apakan dahil sa sobrang linis at kulay ginto din. Sa isip niya ay baka sa sobrang yaman ng may-ari ay nahihirapan na itong itago ang kayamanan kaya nilagay nalang sa wall ng bahay nito.
"Tao po.." sambit ni Mardy baka sakaling may makarinig sa kanya. Ngunit wala namang sumasagot o kaya'y lumalabas ng pinto.
Nalibot niya ulit ang tingin sa paligid. Nakapasok na siya sa gate at nakatayo sa hallway malapit sa malaking pinto. Medyo aligaga at baka mapagkamalan pa siyang magnanakaw ng kung sino.
"Welcome to my humble abode, hija." Napalingon si Mardy sa babaeng nagsalita sa likuran niya.
Nakasuot ito ng puting roba. Medyo may edad na pero sobrabg ganda parin. Ang buhok nito ay may nakaikot pang tuwalya. Mukhang kalalabas lang nito ng banyo para salubungin siya. Pamilyar din ang ginang at wari'y niya ay nakita na niya ito sa kung saan.
"I hope you can still remember me." may mabait at maamong mukha ang ginang. Medyo nakakaintimidate pero hindi nakakatakot.
Halos baliktarin ni Mardy ang utak para lang maalala kung saan niya ito nakita. At nang biglang may umilaw sa kanyang isip ay nanlaki ang kanyang matang tumingin sa babaeng kaharap.
"I-ikaw 'yong nagpahula sakin sa palengke!" hindi makapaniwala niyang sabi.
"Mismo."
Hindi agad nakapagsalita si Mardy at nanatili lang nakanganga sa harap ng mabait ginang. Huli na nang marealize niya na ito din pala ang nanay ni Gunter Santibañez!