"No! You don't understand papa! I don't want to get married!" mariing sigaw ni Mardy sa kanyang ama hang luhaan siyang nakikipag-usap dito. "Wala ka nang magagawa, hija. My decision is final!" Pinal namang sagot ng ama dahilan ng panlulumo niya. "Bakit niyo ako itatali sa isang kasal na hindi ko gusto? This is my life!" sigaw parin niya. Halos wala na siyang mailabas na boses pero kailangan niyang subukan na kumbinsihin ang ama. "Believe me, hija. This is for the best. Gunter Santibañez is a good choice for you. He's a very successful businessman at magiging matatag ang kompanya natin kapag pinakasalan mo siya. Alalagaan ka niya hija at hindi ka niya pababayaan." Nagngitngit ang kalooban niya at hindi niya matanggap na dahil lang sa kompanya kaya kailangan niyang pakasalan ang isan

